NAKAGAT ni Christine ang ibabang labi. Nasa hapag kainan sila at kanina pa walang kibo ang mga kasama niya sa mesa. Parang ang laki ng galit sa isa’t isa ng mga ito. Tanging si Duke at Misha lang ang naguusap, nagtatawanan.
Samantalang ang apat na lalaking kasama rin niya ngayon ay halos hindi magkibuan. Sina Dock, Devlin, Deren at Devin. Tahimik lang ang mga ito at hindi ginagalaw ang sariling mga pagkain. Hindi niya nakita si Deren at Devin kagabi, anong oras na din naman at siguro ay nagpapahinga na ang mga ito nang dumating sila ni Dock.
Hindi niya makita si Nikassandra. Alam niyang hindi pa ito umalis pero bakit hindi nila kasama ngayon. Naka-ilang lunok siya kahit ang sariling pagkain hindi niya magalaw.
“May bisita tayo. Huwag niyong ipakita na masasama ugali niyo,” natatawang wika ni Duke.
Sinulyapan niya isa-isa sila Dock dahil sa parinig na iyon ni Duke Alexander. Blanko ang ekspresyon ng mga ito. Maliban kay Deren na sinulyapan siya at nginitian. Huli na para bawiin niya ang tingin dito.
Umalis ng upo ito sa tabi ni Dock at lumipat ng tabi sa kanya. “Want me to give you food? Do you want pata?” tanong nito.
Tumikhim siya. “O-okay na ito,” sagot niya itinuro niya ang pagkain sa plato niya.
“Finish your food. Ipapasyal kita sa labas ng mansyon maganda ang kabuuan nito,” anito sa kanya, binigyan lang niya si Deren ng tipid na ngiti.
Napasulyap siya kay Dock, tahimik itong sinimulan ang pagkain.
“Misha, kailangan mong mag take ng exam this year. Tinawagan ako ni Mama. Tinatanong niya kung anong year mo na,” wika ni Duke maya-maya.
Nakita niya ang pag-ingos ni Misha. “Tinatamad na akong mag-aral.”
“Matagal ka naman ng tinamad kaya nga hindi ka pa graduate. Ang tanda mo na. Kailangan mong mag-aral.
Kahit sumuway ka at magtago, mahahanap kita."
Umingos lang si Misha at hindi sinagot ang kapatid nito. Pinaglaruan ng kutsara na hawak ang pagkain nitong nasa mesa. Maya-maya ay umangat ang tingin at binalingan ang mga taong kasama nila sa hapag kainan.
“Talk to each other, guys. Its free,” baling ni Misha sa mga pinsan nito. Pero nanatiling tahimik si Dock at ang mga kapatid nito. ”Sige na nga kami nalang ang maguusap ni Christine.”
Maang na tumingin siya kay Misha. Nakangiti ito ng matamis sa kanya at biglang umakto na nagni-ningning ang mga mata. “Masarap bang humalik si Devlin?”
Nahinto siya sa pagkain sa tanong ni Misha. Bumigat ang pag hinga niya lalo na nang nag-sipag tigil rin sa pagkain ang mga kasama nila sa mesa. Ang mga kutsara't tinidor na gamit sa pagkain ay hindi na niya narinig ang pagtunog.
Hindi niya sinagot si Misha. Hindi ‘yon totoo. Yumuko siya at kinagat ang ibabang labi. Hindi niya gusto ang sinabing iyon ni Misha, nakakahiya! Ano na lang ang iisipin ng mga taong kasama nila ngayon sa mesa lalo ni Dock. Nabanggit pa naman niya sa binata kagabi na may humalik na sa kanya kahit hindi naman totoo para inisin ito habang binabagtas nila ang daan sa lugar kung nasaan siya ngayon.
Alam niyang hindi naman naniwala sa kanya si Dock kagabi dahil binalik lang naman nito ang inis sa kanya pero ngayon ay parang pina-totoo ni Misha dahil sa sinabi nito ngayon.
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...