“DOCK, saan mo ako dadalhin?” Kinakabahan na tanong ni Christine. Kanina pa nila binabagtas ang daan sa kung saan. Gabi na at hanggang ngayon ay wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng binata.
Nanatiling tahimik si Dock, tutok ang paningin sa daan.
Malalim siyang huminga. “Dock, kung may nagawa akong kasalanan, sorry. Please, sorry na,” ang bilis ng tibok ng puso niya'y walang pagsidlan sa kaba.
“Promise. Hindi na kita kukulitin. K-kung may girlfriend ka naman na s-sige magpakasal na kayo. Plano ko naman ng iwasan ka. Gagawin k–“
Natigil siya sa sasabihin nang sa madilim sa gilid ng daan nito inihinto ang minamaneho nitong sasakyan.
Huli na para malaman niya kung ano ang sumunod nitong ginawa. Dock, immediately kissed her and she almost gasp for air.
Hindi agad siya naka-react. Ito ang pangalawang pagkakataon na hinalikan siya ni Dock ng kusa. Ito mismo ang unang humalik sa kanya!
“Damn!” naiinis na anito bago itinigil ang ginawang paghalik sa kanya. Hindi siya makapaniwala.
“Y-You kissed me,” kapos sa paghinga na wika niya.
Wala sa loob na nanatiling tahimik si Dock, tutok ang paningin sa daan.Inabot ng kamay niya ang labi niyang hinalikan nito. Totoo. Hinalikan siya nito.
“Stop that, Christine,” wika nito na pinaandar na muli ang kotse.
“Dock Daomino, kissed me,” pag-ulit niya hindi inintindi ang taong tinutukoy.
She felt butterflies in her stomach. Totoo ang nangyaring pag-halik nito sa kanya hindi isang pantasya. Ang hirap pigilan ng nararamdaman niyang kilig ngayon.
Nang matauhan ay pilya siyang tumingin dito.“Gusto mo na rin ako, ‘no?”
Hindi ito sumagot, nakatuon ang atensyon sa daan at sa pag-mamaneho. Napangisi si Christine at nangingiti.
“Hindi ka pa umamin sa’kin. Hindi naman kita ire-reject.”
“Christine, please. Shut up, nagmamaneho ako,” sagot ni Dock.
Hindi pa rin siya natinag. “What if some guy kissed me before?” aniya na hindi naman totoo. Wala pa siyang naging nobyo miski isa. May ilang nanligaw sa kanya noon ngunit si Dock lang talaga ang nasa puso niya.
Gusto niyang makita ang magiging reaksyon ni Dock.
Tumikhim si Dock. “Wala naman akong pakielam kahit sino o ilan sila,” sagot nito. Christine didn't notice Dock, clenched his jaw, humigpit din ang hawak nito sa manibela.Naiinis na sumandal si Christine sa likod ng inuupuan. Ibinaling ang atensyon sa katabi niyang bintana.
Hindi man lang nagselos!
Wala pa rin siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Dock. Sigurado siyang safe ang pupuntahan nilang lugar at hindi siya nito ipapahamak. She remember the past. Dock was her first kiss. Noong mga high-school sila ay nagaagawan sila sa test paper. Gustong malaman ng binata ang score niya na ayaw niyang ipakita. Hindi inaasahan na nadulas sila parehas. Dumausdos ng padapa noon si Dock sa kanya at doon saglit na naglapat ang mga labi nila.
Isa rin iyon sa dahilan kung bakit mas umusbong ang nararamdaman niya para sa binata. She's a teen-ager who loves to imagine things the effect of that kissed is unexplainable for her.Simula noon iniwasan na siya ni Dock. Stalker na ang tawag nito sa kanya dahil sa palaging pag-sunod at pangungulit niya sa lalaki. Hindi naman daw sadya ang halik na yon pero binigyan niya ng malisya na hindi nito nagustuhan.
Nasa kondisyon pa si Christine para mag-isip ng tama. Walang mawawala kung hindi niya susubukan na makuha ito. Kung hindi para sa kanya si Dock.
Tatanggapin niya. Hinanda naman na niya ang sariling maging isang old-maid kung sakali dahil si Dock lang ang gusto niya. The cold-hearted man that she always adore and was the only one for her.
![](https://img.wattpad.com/cover/20618433-288-k954910.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.
RomanceChristine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil iyon ang pinararamdam sa kanya ni Dock. Hindi niya alam sa sarili kung iiwasan na lamang ba niya ito...