Chapter 8

31.6K 212 7
                                    

“KRISTOFF, alam mo ng sensitibo si Jack sa malakas na boses, sumigaw ka pa,” inis na boses ni Misha ang narinig ni Christine.

“Hindi ko alam na si Jackylyn ang dala mo. Akala ko si Kupido,” sagot naman ng nabanggit na si Kristoffer.

“Hindi naman kulay abo si Kupido.”

“Okay. I’m sorry,” pag-suko ni Kristoffer.

“Hindi ka kasi nag-iisip, pwede naman sabihin ng mahinahon. Kailangan mo pang sumigaw kani—“

“Misha, tumigil ka na,” mariin at galit na bose naman ni Devlin ang narinig ni Christine.Nanatiling pikit ang mga mata ni Christine. Ramdam niya ang kirot sa paa niya.

“Si Kristoff naman kas—“

“I said, shut up. Hindi ka pa dapat nag-iikot dito. May mga lugar pang delikado rito, Misha. Ginagawa pa lang itong BIP. Paano kung sa bangin nahulog si Christine?”galit na wika ni Devlin.

“Ipapasayal ko lang sana si Christine. Pupunta lang kami ng café,” depensa ni Misha.

“Sumasagot ka pa talaga,” nailing na ani Devlin. Hindi makapaniwala na nangangatwiran pa ang pinsan nito.

“Hayaan mo na Devlin,” si Dock ang narinig niya.

“Dock, May bisita tayo na muntik mapahamak. I owned this place. Wag mong kunsintihin ang kalokohan ni Misha,” si Devlin muli na nangungunsumi.

Hindi naman na sumagot si Dock sa galit nitong kapatid. Dahan-dahan na iminulat ni Christine ang mga mata. Nang malinaw na sa kanya kung nasaan siya ay hindi na siya nagulat. Nasa kuwarto muli siya kung saan siya natulog kagabi.

“Gising ka na pala. May masakit ba sa iyo?” tanong ni Dock na katabi niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatingin sa kanya.

Hindi siya sumagot, bumangon siya sa pagkakahiga at doon naramdaman ang sakit ng paa niya. Napaungol siya sa sakit.

“Careful,” ani Dock, lumakas ng bahagya ang boses. Inalalayan siya nitong maka-bangon at maka-sandal ng maayos sa head board ng kama.

Naninibago si Christine sa binata, lalo na sa reaksyon nito at kung sa paano siya nito alalayan ngayon.

“Kailan ka pa nataranta ng ganyan?” natatawang tanong ni Deren.

Nang ilibot ni Christine ang sa kabuuan ng kuwarto ay nakita niya ang mga kapatid ni Dock, si Misha at ang isang lalaki na hindi pamilyar sa kanya.

“Hindi ba siya lalagnatin?” tanong ni Dock, hinaplos nito ang buhok niya. “I’m sorry, hindi dapat kita pinabayaang sumama kay Misha,” masuyong dugtong nito.

Wala naman kasalanan si Misha, humalinghing ang kabayo dahil sa narinig na sigaw. Kung hindi naman siya sumakay sa kabayo ay hindi naman siya mapapahamak.

“Girlfriend ba ni Dock?” tanong ng isang lalaki kay Deren na katabi nito.

Napatingin siya sa lalaki. Ito ang hindi pamilyar sa kanya ang mukha at boses rin nito ang narinig niya kanina. Kapatid din ba ito ni Dock?

Wag sabihin ng mga ito na kamag-anak o kapatid din nila ang isang ito? Baka sumabog ang isip niya sa rebelasyong napaka-sipag ng magulang ni Dock para mag produce ng anak na lalaki.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon