Chapter 13

60.6K 1K 82
                                    

“CHRISTINE, saan ka ba nanggaling kahapon? Tawag ako ng tawag sa phone mo,” Si Czaira, hindi niya pinansin ito.

Nakahilata pa rin siya ng higa sa kama mamayang tanghali pa siya papasok sa trabaho. Hindi na rin naman siya magtuturo dahil malapit na ang bakasyon at magpa-pasko na. Wala na sa isip ng mga estudyante niya ang mag pokus sa pag-aaral dahil nililipad na ang mga isip sa nalalapit na bakasyon.

Napahikab siya “Czai, please umalis ka na. Wag mo na muna akong sermunan.” aniya dumapa siya ng higa.

Pagod na pagod pa rin si Christine at talagang hindi siya makokontak nito kahapon dahil lowbat ang cellphone niya.

“Saan ba kayo nanggaling ni Deren kahapon? Alam mo ba na iyak ng iyak si Katie, dahil tingin niya may gusto daw sayo si Deren,” seryosong wika ni Czaira, hindi siya sanay na ganito ito.

Tamad siyang bumangon mula sa kama at pilit na iminulat ang mga mata para makita ang kaibigan nakatayo ito ngayon sa harap niya. “Walang gusto sakin si Deren sa mall lang kami pumunta nong hapon na dumaan siya sa café tapos kinagabihan sa bar.

Nakita namin doon si Dock. After that Deren left us. Si Dock na ang kasama ko buong g-gabi.”

Her friend knot her forehead. Then eyes widened. Lumapit ito sa kanya at tumabi ng upo sa kanya sa kama. Bumalot ang kuryosidad sa mukha nito.

“Totoo ba? Si Dock?” tanong nito.

Tumango siya. “Alis na magpa-pahinga na ko, inaantok pa ako,” muli siyang nahiga sa kama.

“M-magdamag kayong mag-kasama?” isa pang tanong nito.

Nakapikit siyang tumango.

“Ginawa niyo ba?” tanong muli nito, marahan siyang tumawa. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan niya.

Umiling siya. “Hindi.”

Hindi niya kailangan na sabihin dito ang naganap sa kanila ng binata kagabi.

“A-anong ginawa niyo kagabi?” usisa pa rin ni Czaira, huminga siya ng malalim.

“We just talked. Sabi niya tigilan ko na siya, pumayag ako. Iiwasan ko na siya at hindi na kukulitin,” pagsisinungaling niya, ibang-iba sa nangyari kagabi.

“Are you serious? You’re so much inlove with him,” Czaira said.

“Ayoko na. I don’t get him,” she answered.

Hindi niya alam kung ano ang saloobin ni Dock. At hindi rin niya alam kung may mapapala ba siya sa binata kung ipagpapatuloy pa niya ang nararamdaman para dito.

“Kaya mo ba?”

“Oo.”

“That’s good,” tumango-tango ito.

Pagkuwan ay naramdaman niya ang galaw ng kama. Tumayo na ng pagkakaupo si Czaira mula doon, siya naman ay muling bumangon.

“You’re supposed organizing a party right now,” aniya sa kaibigan ng maalala ang sinabi nito kahapon na isang party sa kanila na alam niyang ngayon na araw din gaganapin.

Nang umagang umalis siya sa unit ni Dock, paguwi niya ay nakita niya na ang kotse ng kaibigan na nakaparada sa tapat ng bahay niya.

“I’m calling you yesterday and you’re not answering my calls, and we’re worried about you. Anyway, the party is cancelled,” Czaira explained.

Christine nodded. Biglang nawala ang antok niya, umalis siya ng higa sa kama sinipat ang wall clock. Alasdiyes-imedya na ng umaga. “Pa-deliver ka ng pagkain, Czaira,” aniya dito. Lumabas siya ng kwarto niya at naka-sunod naman ito sa kanya.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon