Chapter 10.1

55.5K 963 53
                                    

“ILANG garland pa ang kulang?” Si Czaira.

“Tatlo na lang mapupuno na natin itong Christmas tree,” natutuwang sagot ni Kimberlyn.

Kasama ni Christine ngayon ang dalawa sa apartment niya. Nagulat siya kaninang umaga nang makitang may dala ang mga ito ng Christmas decorations. May pina-deliver na Christmas tree si Czaira. Malapit na ang pasko at naisipan ng mga itong apartment niya ang lagyan ng decorations.

Hindi naman din kasi siya mahilig mag-decorate. Para sa kanya kasi ay dumadaan lang naman ang pasko.

“Christine, huwag mo munang problemahin iyang class records,” puna sa kanya ni Czaira.

Saglit siyang tumingin dito bago muling ibinalik ang atensiyon sa pag-compute sa grado ng mga estudyante niya. Hindi siya pwedeng magbagal-bagal sa pag-gawa ng reports dahil malapit na rin ang Christmas party sa school kaya kailangan na niya itong matapos.

“Ito talaga pinaka-gusto ko pag malapit na ang pasko nagde-decor. Buti na lang tinawagan ako ni Misha kanina,” dugtong pa ni Czaira.

Nanatili siyang tahimik. Mas imprtante sa kanya na matapos nag trabaho kaysa sagutin si Czaira. Ilang araw na rin siyang balisa at wala sa sarili nitong mga nakaraang araw.

“Hindi ka sasagutin ni Christine,” ani Kimberlyn. “Busy sa class records.”

Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli niyang makita si Dock. Kailangan niyang tiisin. Mas gusto niyang mag-pokus sa sarili at sa trabaho, hindi niya gusto mas pairalin ang nararamdaman.

Sinadya niyang iwasan na puntahan ito at palaging dalangin na hindi niya makita o makasalubong sa kung saang lugar si Dock kahit pa sa isip at puso ay gusto niya itong makita. Kailangan niyang labanan ang sariling nararamdaman.

“Punta na lang muna tayo sa coffee shop. Tatawagan ko sila Katherine,” sabi ni Czaira maya-maya.

Yeah, I need some coffee. Gusto niyang mag-relax.

“Magbibihis lang ako,” sabi niya at nagtungo na sa kuwarto. She changed into plain white shirt and maong shorts.

Pagkalabas niya ng kuwarto, handa na ang mga kaibigan niya. Doon lang niya napansin na nagkalat ang mga Christmas decors sa apartment niya. Hindi naman niya kailangan ang mga dekorasyon. Hindi pa niya alam kung saan siya magpa-pasko. Alanganin na para sa kanya ang mag-book ng flight pa-America.

“Dalhin niyo pauwi mamaya iyang mga kalat niyo,” wika niya nang makalabas sila ng apartment. Naalala niya ng nakaraang taon, si Czaira at Kimberlyn din ang naglagay ng Christmas decorations sa bahay niya, hindi rin naman siya tumulong ng araw na iyon pero siya ang nag-ligpit.

“Babalik pa kami bukas,” ani Czaira. Tumunog ang cellphone nito. Nag-paalam sa kanila para sagutin ang tawag.

“Kumusta kayo ni Dock. Hindi mo pa rin siya nagiging boyfriend?" tanong ni Kimberlyn.

Nag-kibit balikat lamang si Christine at ngumiti sa kaibigan. Hindi niya gustong sagutin ito. Isa pa iniiwasan niyang mapag-usapan si Dock. Hindi na rin niya balak pa na buksan ang usapan patungkol sa binata. Ngayon niya napagtanto na tama naman ang mga ito sa laging paalala at payo sa kanya. Hindi niya kailangan pilitin si Dock o ang damdamin ng binata na gustuhin siya.

May sariling buhay, isip ang lalaki at hindi naman niya mapipigilan ito kung may babaeng magustuhan at sigurado naman siya na kahit pumila pa siya ay wala siya sa listahan, dahil hindi naman katulad niya ang tipo ni Dock dahil kung oo, matagal na sana niyang nabihag ang puso nito.

“Girls, we have to prepare. Misha called me,” narinig nilang sabi ni Czaira pagbalik nito. Naglakad na sila papunta sa coffee shop.

“Saan tayo maghahanda?” tanong niya.

✔Dock Daomino | Seducing Series 1 (Self-Published Under Immac)-Revised V.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon