Kabanata 5
Hate
__________
I hope, he dies. I hope, he dies! Kinagat ko ang ibabang labi nang makaramdam ng kirot, subalit alam kong kirot 'yon sa pagkawala ng mga magulang ko sa buhay ko. Hindi pagaalala, hindi panghihinayang, o pagsisisi. Dapat masaya ako, naiganti ko na sila. Bakit ganito?
Huminga ako nang malalim at saka hinayaan na tumulo ang mga luha sa mata. Bakit, ang hina ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I should be happy that I was able to shoot him! But what the hell was going on, this was not part of the plan.
I'm in a cage. I'm caged. Malaki ito, sakto ang isang tao at may espasyo pa kaya p'weding higaan. I'm wearing the top sheet. Heto ang tanging saplot sa lamig ng hangin na pilit na sumisiksik upang lumapat sa balat ko.
Patuloy ang pagragasa ng mga luha sa aking mata. Hindi ko hiniling na ganito ang sasapitin ko. Alam kong masyado akong desperada para makuha ang mansyong 'to. Desperadang maghiganti.
Pero parang dito na ako mamamatay. Alam ko, papatayin ako ng babaeng 'yon, ng mga tauhan niya, ng kung sino mang nasa teritoryo niya.
Pinilig ko ang ulo nang maramdaman ang mga kagat.
Naghihiganti rin yata ang mga insekto rito dahil halos liparin na ako.Para akong hayop sa kanila, alam ko naman na ganito talaga sila, ganito ang buhay nila kaya nga nila nagawang patayin ang mga magulang ko.
They imprisoned me, in the garden inside a cage of an animal. Sa hardin na pinapasyalan ko.
Kapag nakawala pa ako rito ay sa puso at utak kona ipapa-tama ang bala ng baril sa halimaw na iyon! Kung buhay pa siya, uulitin ko ulit. Hindi kona papalampasin pa na mabuhay siya sa susunod. Hindi ko na hahayaan na makalanghap pa siya ng hangin sa oras na magkita kami ulit kapag humihinga siya.
Bumaba ang mga mata ko sa mga kamay na may bahid pa ng panginginig at mga paang may talsik pa ng dugo.
Dugo ni Zalton.
"Labas," nabalik ako sa ulirat nang makita ang isang matandang lalaki na may gasa ang isang mata. Bulag ata ito. Nakakatayo siya nang maayos, may hawak na mga susi sa kamay.
Iniwas ko ang paningin ko nang nabuksan ang kulungan. Anong ginagawa niya?
Kung binibigyan niya ako ng pagkakataon para mapatay ang amo niya, hindi ako magsasayang ng oras para gawin 'yon. Kung akala nila ay mahina ako, puwes nagkakamali sila.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay mabilis akong tumakbo subalit, nakatali pala ng kadena ang leeg ko na nakatali rin sa bakal ng kulungang pinaglalagyan ko kanina kaya agresibo ako nitong hinatak pabalik at tumama pa sa bakal.
Nanliit ako sa hiya, oo nga pala may tali rin ako sa leeg.
Dinama ko ang dumudugong ulo at napaupo sa tabi ng kulungan dahil sa ginawang kahihiyan, hindi ko siya malingon dahil na rin sa nasaksihan niya.
"Katingkati yang kamay mong pumatay," Komento sa akin ngayon ng matandang lalaki na nakangisi. Masama ko siyang tinitigan nang hinimas himas niya ang aking ulo. Mga halimaw, akala siguro lahat ay kaya nilang alipustahin.
"Pakawalan mo ako." Matigas na sambit ko sa lalaking kaharap bakas ang humaling sa mukha at pagkamangha.
"Papakawalan kita, Feidge." Nakangisi nitong sambit. Umiling pa siya at saka ako pinagmasdan.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...