Kabanata 29
Oyster
__________
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Miss Laurina, pero laking tuwa ko nang lumapit ang kambal at itulak ako palabas ng mansyon. Nilingon ko pa si Zalton na nagtataka ang mukha at hindi na siya binigyan pa ng pansin.
Sila na muna ang mag-usap at ayaw ko na maramdaman na pinangungunahan ako ni Zalton sa lahat ng mga desisyon. Kailangan kong iklaro sa kanya ang usapang pamilya.
Huminga ako nang malalim at nilinis ang kalat sa isipan ko. Napagtanto ko na naglalaro pala ang dalawa ng saranggola, pinapalipad nila ito kasama sila Dark, Lucas at George. Itinuro sa akin ni Fritz ang saranggola niya at nagmamayabang na mas mataas ito kaysa kay Franz. Ngumiti ako kay Franz nang mapagtantong hindi nakatuon sa iPad ang mga mata niya.
"Ang galing nilang magpalipad!" Natutuwang sabi ni Mia. "Kapag lumaki si Mizzy, turuan niyo rin siya! Ayos ba?" She put her thumbs up. Sumang-ayon naman ang dalawa. Pero kahit na anong ligaya ang ipinapakita nilang dalawa, hindi ko pa rin maiwasan na silipin si Zalton.
Nandoon pa rin si Miss Laurina, they are discussing something that might be important.
I decided to ask for Miss Laurina. Kakausapin ko ito patungkol sa kalagayan ni Zalton. Kung gusto na ba talaga nito na magkapamilya at kung okay ba siya.
Pagkatapos kong sumali ay inaya ko si Miss Laurina rito sa garden, mas mahangin dito at mas magandang pagmasdan ang mga halaman. Nasisilayan ko rin ang mga kambal na maglaro at sila Mia na nakikipagpatintero kay Ziam.
"Ayos lang po ba siya?" Tanong ko kay Miss Laurina. Tumango ito ng may ngiti sa mga labi. Mabuti naman. "Wala ba siyang nasasabi sa inyo?"
"Hmm," nag-iisip na tanong niya. "Ang alam ko lang ay parang gusto na niyang magka-anak, dahil na rin siguro sa kapatid niyang may anak na." Pagpapaliwanag niya at saka binuksan ang kaniyang laptop.
"Hindi pa ako handa." Pag-aamin ko na ikinatigil nito sa pagkakalikot ng laptop. "Baka ay mahirapan ako lalo pa at hindi ko pa kayang mag-alaga dahil sa mga iniisip." Nakatitig siya sa akin. Seryoso ang kanyang tingin. Ngumiti siya nang mapansin niyang ang pagtataka ko.
"Ako rin ay hindi gusto na magkaroon ng anak si Zalton, hindi pa siya normal, maaaring manumbalik 'yong dati niyang pag-iisip, at saka.." pambibitin niya sa akin. Itinabi niya ang laptop sa gilid at hinawakan ang mga kamay ko. Ngayon ay seryoso na niya akong tinignan.
"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"He is not genuine." Parang tumibok ang puso ko pataas sa aking lalamunan, na kahit ang paglunok ay nahihirapan ako. "Gusto niyang magka-anak sayo para hindi mo na siya iwan." Hindi ako makakilos ng ilang segundo sa ibinalita nito.
Ganoon ba ang gusto niyang mangyari? Aanakan niya ako para hindi na makawala pa sa kanya?
Punong puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Sa sinabi niya ay lalong tumindi ang kagustuhan ko na hindi na muna magkaroon ng anak. Dahil totoo na baka isa sa dahilan bakit patuloy niyang pinag-uusapan 'yon kahit wala naman akong interes.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...