Kabanata 36
Leave
__________
Maaga akong nagising ngayon dahil maaga rin naman ako natulog kagabi. Kahit na magmukmok sa hotel unit ni Zalton ay tinakasan ko si Margaret at lumabas.
I wore an acid grey linen wide-leg jumpsuit with stretchy smocking on the back. It ties at back square neck then I paired it with black high heels. Maliit lang na bag ang dinala, tanging cash at lipstick ang naroon, hindi dinala ang phone na basag na hindi ko inabalang pulutin.
I went to the nearby Starbucks to buy a coffee. It was cozy here, it was peaceful, tanaw pa sa labas ang papaangat na araw. It calms my mind.
"P'weding tumabi?" I was waiting for my order when a man in front of my table approached me. Luminga ako, marami ang bakante.
"No." I coldly replied.
"Please? Malapit kase sa socket. I need to use it." Itinuro niya pa ang dalang laptop sa kamay. I stared at his face, inaaral ang mukha niya, I tilted my head, and ang una mong mapapansin ay ang malalalim niyang dimples.
Tumayo ako at umalis roon. Lumipat ako sa kabilang sulok kung saan hindi ko siya makikita. Pumunta nga ako rito para mapag-isa tapos ay dadaluhan niya ako? Seriously?
"Xandra Feidge." Tawag ng barista. Tumayo ako para kuhanin ang kape, kasama rin nito ang isang slice ng cheesecake.
Pumunta kami rito sa city at kahit nagbabalik-balik siya mansyon ay umuuwi pa rin siya para magkatabi kaming matulog.
What was he up to? May problema ba si Zalton? Hindi ko maintindihan. I tried to understand his situation pero bakit ang ilap niya sa akin? Gusto niya ba na ganito muna kami? Was he protecting me by being away? I don't think so, hindi niya ako isasama rito sa manila kung ganoon ang gusto niyang mangyari.
Sumimsim ako sa mainit na kape, nagbigay ito ng apoy sa nanlalamig kong katawan. Bumuga ako ng hangin at pumikit. It feels so good to start the day with coffee.
Kumain kaya siya kagabi? Was he okay?
Umiling ako. Bakit ko pa siya iniisip. Kailangan kong makapagrelax.
Nilingon ko ang menu, what should I order for Margaret? Gusto kaya niya ng strawberry? Hindi ko alam ang gusto niya, I guess I'm gonna choose a cookies and cream shake.
Tatayo na sana ako sa kinauupuan pero natigilan nang ilapag sa lamesa ko ang isang slice ng cake. It was chocolate. Tinignan ko ang kamay ng may-ari nito, it was the man earlier with deep dimples.
"Thank you for your generosity, Xandra." Magtataka pa sana ako bakit alam niya ang pangalan ko, tinawag pala ng barista ito. Huminga ako nang malalim at umupo.
"Kumain na ako ng cheesecake." Sabi ko at saka pinagkrus ang kamay sa dibdib, naging aligaga naman siya pagkatapos kong sabihin 'yon.
"S-should I buy you something else?" Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
"No need, ayos na 'to." Kinuha ko ang slice ng cake sa platito at saka ito tinikman. Ayaw ko talagang magpakabusog sa matamis na pagkain ngayong umaga pero parang tinatawag ng tsokolate ang pangalan ko.
"I'm glad," 'yong lalaki at komportableng umupo. "I'm Valo." Inilahad niya ang kamay sa ere, makikipagkamay. "Nice to meet you, Xandra."
"I have a boyfriend." Tinanggihan ko ang kamay niya. Nahihiya niya itong ibinaba.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...