Kabanata 7
Leave
__________
Nasa guest room na ako, at hindi ko alam kung makakatulog ba ako.
Gusto niya ako! Hindi ko man maabsorbed pero may gusto siya sa akin. I never thought that he would develop some feelings, pero hindi ba maganda 'yon para kahit papaano ay may kapit na ako? I can easily manipulate him and at the same time if the said feelings grow up, baka maging under siya sa akin at kung mangyari man 'yon, I'll get what I want in just a snap.
He also said na ibibigay niya sa akin ang mansyon? Geez! He's driving me crazy!
Seriously, mamanipulahin? Though, that's my first will the day I step here, all these mixed signals he bestowed, kaya ko ba lalo at umiiba na ang pakiramdam ko.
Remembering all his actions made me crumple, parang hindi ako makagalaw sa susunod na aksyong dapat kong gawin, the action I should have done earlier. If these were part of his plan? I don't know what to think, nilalaro niya lang ba ako?
Natatalo ba ako because of his confession? O sadyang naghahanap ako ng magmamahal sa akin kaya parang uhaw ako ngayon sa kasagutan kung ang lahat ng mga nangyari ay may kahulugan.
Natulog na ako at hapon na nang magising, nakita ko ang mga nakahandang maleta at si Margaret na nakikipagkwentuhan sa mga katulong. Hapon na rin, nagugutom na ako.
Kumusta na kaya si Zalton? Umiling ako nang maalala kung paano ko siya iwan sa kwarto niya. Siguro ay kailangan kong makipag-areglo sa kanya.
Siguro ay paghahanda ko na lamang siya ng meryenda para naman may peace offering ako, pero sana sa pananahimik kong 'yon napagtanto na niya na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko dahil masyadong mabilis ang lahat, at hindi 'to ang pinunta ko sa lugar na 'to.
Bumaba na ako at dumako sa malaking kusina ng mga Zambia, mukhang pahinga ng mga cook kaya nagpresinta na akong magluto. May lumapit sa aking mga katulong sa kusina, hindi ko sila pinansin kahit kanina pa sila sa mga katanungan.
"Sigurado po ba kayo, Queen?" Ani Margaret at tumutulong. Lumapit naman ang ibang katulong.
"Nagugutom po ba kayo? Gusto niyo po ipaghanda namin kayo? Kami na ho riyan, trabaho po namin 'yan, Queen," 'yong isang babae na kasing-edad ko lang. Mukhang desente ang suot nila kumpara roon sa isang nakita ko.
"Kami na riyan, Queen, baka ho ay mapagalitan kami kapag hinayaan po namin kayong gumalaw," ani ng isa.
"Oo nga, Queen at baka masaktan kayo." Si Margaret.
"Ano po bang gusto niyo?" Kinuha ko ang noodles sa food storage at naghanda ng mga sahog para sa carbonara. "Carbonara po ba?" Tumigil ako at nilingon ang katulong na sunod nang sunod sa akin. Nanigas siya nang tignan ko kaya umatras siya at yumuko.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa, mula sa kung saan sumulpot ang head ng mga chef. Lumapit agad sa akin at aligaga. Hindi naman makapagsalita si Margaret nang matalim ko siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...