o n c e

6.8K 70 0
                                    

Kabanata 11

Reunion

__________

"Stop complaining," nagbabaga na ako dahil sa inis, stop complaining? After niyang landiin 'yong babae ako naman? Anong kahibangan ang pumasok sa pagkatao niya para gawin 'to! Okay, I got it, we're not official or dating, kaya hindi ko rin alam ang role ko sa buhay niya. I rolled my eyes at don ko napansin ang suot niya. Mula sa loob ng kaniyang coat ay may kulay puting damit na pinatungan ng pulang necktie, kusang tumaas ang kilay ko nang ma-realized ko kung gaano siya ka-gwapo.

"Get off me, Zalton," babala ko dahil hindi na talaga ako natutuwa.

"Hmm.." tanging tugon niya, mukhang nag-iisip pa. Nang makagawa na siya ng desisyon ay lumuwag ang hawak niya kaya agaran akong tumayo at inayos ang suot. Inayos ko rin ang sarili ko at ngayon naman ay aliw na aliw siyang nanonood sa akin, kita ng dalawang mata ko kung paano nilakbay ng mga mata niya ang katawan ko simula paa hanggang ulo.

Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko dahilan para manliit ako. Hinawakan niya ang buhok ko, pati ang laylayan ng damit ay inobserba. Pigil hininga ko siyang pinanood sa ginagawa.

"Change your clothes," napatingin ako sa kanya at nag-iwas rin ulit. Hindi nagtatagal ang tingin ko pero dahil sa katangitanging mukha niya. Huminga ako nang malalim at naglaban sa nararamdaman kahit namamasa na ang palad ko dahil sa nerbyos.

"Bakit naman? I bought it in Manila!,"  napasinghap ako ng lalo pa siyang lumapit sa akin kaya humakbang ako, muntik pa akong matapilok sa mga heels ko kaya hinawakan niya ang baywang ko.

"'Yon lang?" tumango nalang ako para tumigil na siya sa kahalimawan niya, bumitaw naman s'ya kaya nakahinga ako nang maluwag at inayos ang aking suot. "We have visitors, so you need to change,"

Kung iisipin nga naman e' mayroon pang bumibisita sa Halimaw na 'to? Matanong lang. Ano bang kinalaman ng suot ko sa mga bisita? Pesteng halimaw.

"Change your clothes, they will be here," napabusangot nalang ako at bagsak balikat na umakyat patungong kwarto.

Heto 'yong kwarto na sinabi n'ya na tutulugan ko kase, duon ako matutulog kasama s'ya kahit may dalawang dosenang kwarto rito sa Mansion. Inilipat ko narin ang mga gamit ko sa malaking kwarto n'ya.

Binigyan ko rin ng konting kulay itong kwarto. Kahit okay naman.

Pagkapasok ko ay ayos na ang mga make-up ko. Ayos na din ang kama at malinis na talaga rito. Ganoon sila kabilis kung kumilos ayaw tumagal sa loob ng kwarto. Takot silang tumagal doon sa loob.

Binuksan ko ang cabinet ano naman kaya ang isusuot ko? Mag sa-saya? Daster? Jacket?


Bahala na kung anong mayroon dito.

Nagkalkal pa ako at nakita ang malaking t-shirt niya. Kulay Abo ito na may na disenyo sa gitna. Mayroon din itong nakaukit na pangalan sa likod bandang ilalim.

Zalshy.

Zalshy? Kapatid niya? May kapatid siyang babae?

Malaki ito kaya kay Zalton 'to pero bakit pang babae ang pangalan. Ano, birthday ng kapatid niya? Gumawa ng shirt para sa kapatid? Wait! Baka may damit siya nito kase pumanaw na? Geez! Erase erase!

Wala naman siguro! Baka design lang! Sinuot konarin ito at nagmaong short na hindi naman ganoon kaikli. Sakto lang itong nakikita dahil narin sa kalakihan ng damit.

The Lascivious Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon