Kabanata 21
Forgiveness
__________
Nang hindi siya kumibo ay kumaripas ako nang lakad, dala-dala ang maletang inagaw ko kay Margaret palabas ng mansyon. Wala na rin akong dapat pang balikan dito, wala na. Iiwan ko ang lahat, kailangan kong mapatawad ang sarili ko bago ko haharapin ang lahat ng mga iniwan ko. Hindi ko kayang lumaban kung alipin ako ng sarili kong emosyon.
"Totoo po b-ba, na kasama si M-ma'am Mia sa mga babaeng kinokolekta p-po ni Lord Z?" Tanong ni Margaret, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko siya sinagot.
"A-ang sabi po kase sa akin ni J-Jordan na ang mga babaeng nasa laboratoryo ay anak ng mga businessman na hindi nakapagbayad ng utang kay Lord Z," natigilan ako sa sinabi niya. Hinarapan ko siya.
"Bakit mo sinasabi ngayon 'yan?" Pinahid ko ang huling luhang tumulo sa mata ko.
"B-baka po may utang si Mr. Rebogada?" Nagkatitigan kaming dalawa ni Margaret. Hindi malayong mangyari 'yon, dahil lolong sa sugal ang tatay ni Mia kahit malakas 'to sa business. Mayaman sila, makapangyarihan. Subalit hindi maitatanggi na mas may kakayahan si Zalton kaysa sa kanila.
"We have to check that, let's go. Puntahan natin si Tito Miko—"
"Ah!" I ducked when I heard a gunshot. Sumigaw naman si Margaret at agarang sinuri ang katawan ko. "Okay lang po ba kayo?" Tanong niya at baling sa akin. I nodded, lumingon ako sa pinanggalingan ng putok.
Nasa labas na kami, sa daan papuntang labas ng gate ng mga Zambia. And there, in the garden, I saw Zalton holding his gun. Kusang nalukot ang mukha ko nang makita ko ang mga babaeng nakapila roon.
Nakatali sila. Nakaharap sila kay Zalton at suot ang pang-ospital na damit ng mga pasyente, kulay puti at asul. Nagsalubong ang kilay ko lalo pa nang marinig ang sunod-sunod na saklolo ng mga babae.
"What he's fucking doing?" Inis na sabi ko at lumapit roon. Nang makita niya akong papalapit ay umupo siya sa pang solong sofa, 'yon ay nasa loob ng laboratoryo. 'Yon ang inuupuan niya.
May mga tauhan siya sa kaniyang gilid. Kasama niya si Jordan at Noel. Ang mga katulong naman ay nasa likod niya.
"You're back?" Takang tanong niya na may halong panunuya. Na tila kanina ay hindi siya nag-mamakaawa sa harapan ko para magkausap kami. Ngayon, parang gumana ang kabaliwan niya. Parang ibang katauhan na naman ang nasa harapan ko, heto ang pagkatao na ipinakilala niya sa akin unang tapak ko palang sa mansyon.
Coping mechanism niya ba talaga ang ganitong pag-uugali? Umiling ako.
"'Wag mo akong idamay sa kahibangan mo, Zalton! You're a murderer, yes! But that doesn't mean you are allowed to kill anyone you desire!" Nagtaas siya ng kilay, tinitimbang ang reaksyon ko pagkatapos kong banggitin 'yon.
"M-miss," tukoy nang mahabang buhok na babae na kanina'y kausap ko. Kahit papalubog na ang araw, naaaninag ko pa rin ang takot sa mukha niya.
"Forgive me, Xandra," Zalton said.
"Fuck, Zalton! Forgiving will not fucking serve if you sacrifice a life! Hindi ganoon gumagana 'yon!" Lumapit ako at gustong agawin ang baril subalit marahas niya itong inagaw sa akin at itinutok sa babaeng tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomantikZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...