Kabanata 28
Handa
__________
Pumayag si Zalton na dalhin pansamantala ang kambal sa mansyon. Napag-usapan namin na tatlong araw lang sila mamamalagi at uuwi rin pagkatapos. Kaya agad ko nang tinawagan si Margaret upang sunduin ang kambal.
"Excited kana ba makita ang kuya kambal, Mizzy?" Tanong ni Mia sa anak habang pinaglalaruan ito sa kanyang hita. Umupo ako sa sopa at nakapokus sa phone, hinihintay ang bawat update ni Margaret kung nasaan na ba sila.
Lumapit si Ziam at umupo sa tabi ni Mia, gulantang ako nang mapansin ang paglayo ng kaibigan na parang may mikyrobyong lumapit sa kanya. Lalo pa akong naintriga nang tumayo ang kaibigan at inutusan niya pa ako na kuhanin ang tumbler niya.
Nag-aaway ba sila? Nilingon ko si Ziam, nakahawak siya ngayon sa sentido mukhang balisa siya at nakatitig sa likod ni Mia.
"Hoy," sinubukan kong pigilin ang kaibigan subalit nagsalita siya.
"Kaya ikaw Mizzy, pipiliin mo 'yong magiging tatay ng anak mo, huh?" Eh?
Nagkatitigan kami ni Ziam, hindi ako kumibo sa sinabi ng kaibigan. Pati ba naman ang anak na wala pang isang taon? Kumunot ang noo ko lalo pa nang pinagkasya niya sa kamay pati 'yong tumbler. Gusto man siyang tulungan ni Ziam ay hindi niya ito tinatapunan ng tingin.
"What happened?" Tanong ko kay Ziam habang pinapanood ang kaibigan na nagpatulong sa mga katulong palabas ng mansyon.
"Postpartum." Sagot naman ni Ziam, ang mukha niya ay tila hindi pa nakakatulog.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya. Nag-aalangan pa siya na sagutin subalit sumuko rin at sumandal sa sopa.
"I told her last week that I will be having a business trip. I thought she agreed but I ended up sleeping beside Dylan when he saw my visa last night." Tumaas ang kilay ko sa kamalditahan ng kaibigan. "Hindi ko rin siya masisisi lalo pa at kailangan niya ako. But of course, if she doesn't want me to attend the trip then I will cancel it, ang hindi ko lang maintindihan ay ang paglayo niya kasama si Mizzy." Mukang ang laki-laki nga ng problema ni Ziam.
"Just let her miss you. Tapos pagusapan niyo ulit." Sabi ko. Hindi ako nakakuha ng sagot kay Ziam kaya sinundan ko ang kaibigan sa labas. Nasa lilim sila ni Mizzy habang may tatlong katulong na nagbibigay ng pagdalo kung may kakailanganin man ang kaibigan.
She was wearing her favorite dress, mahaba ito hanggang sa talampakan. Kulay langit at mukhang malambot sa balat. Dahil sa suot ay lalong tumingkad ang maputi niyang balat. Ngumiti siya sa akin at saka sumensyas na lumapit.
"Nakapili kana ba ng mga susuotin mo sa Isla? Tara tingin tayo sa online!" Kinuha nila Soreen at Cathia ang baby, napadaan lamang sila subalit dinekwat si Mizzy at alam naming dalawa ni Mia na maghapon na naman nilang aalagaan ito.
Maraming piniling mga damit si Mia, mula sa screen ng phone niya ay panay lagay siya sa kanyang cart ng mga swimsuit, chiffon beach dress, cover up at mga sunglasses.
"Pipick-up-an 'to ni George! Nasa Manila naman siya kaya bukas ay narito na." Masayang sabi nito sa akin. Tumango lang ako at hinayaan na siya ang magbayad.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...