t r e i n t a y u n o

4.9K 59 0
                                    

Kabanata 31

Attack

__________


          We ended up sleeping together, habang si Ziam at Mia ay nagka-ayos na rin sa wakas. Nakatulong 'yong pag-uusap ni Zalton at Ziam, lalong lalo na ang suhestiyon ko na talaba. Ang kambal ay maligayang naliligo sa dagat, habang si Sezuka ang nagbabantay sa kanila. Si Cathia at Soreen ang nag-aalaga kay Mizzy habang 'yong magulang nito ay magkasamang binabaybay ang dagat gamit ang jetsky, si Mia ang nagmamaneho.

          After we had our breakfast, Zalton insisted on applying my sunscreen. Una ay hindi ko siya pinayagan lalo pa at trabaho 'yon ni Margaret, pero ginamitan niya ng awtoridad ang tauhan ko kaya ito nagtatago ngayon sa akin. Nasa loob pa kami ng kwarto at hindi pa bumababa.

          "I saw you having this screen all over your body." Sabi niya at ikinakalat ito sa likuran ko. Ilang beses nang tumana ang daliri niya sa ilalim ng dibdib ko, hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon o aksidente lamang.

I have an idea that he saw me with Margaret in his mansion, hanggang doon sa pool area na hindi niya pinupuntahan ay sinubaybayan ako. He was ridiculous.

          "It protects you from the sun." Sagot ko. Isinunod naman niya ngayon ang mga hita ko. Tila ba ay isang mamahalin na babasagin ito kapag hinahagod niya.

          "I should be the one applying you this in the first place." Singit niya pa at tutok sa ginagawa. Ayaw na ayaw niyang may malampasan na porsyon sa balat ko. Sa ekspresyon pa lang niya ay para siyang binabayaran ng malaki at kung magkamali ay ibabawas sa sahod.

          "Sure," sabi ko at naglagay ng sunglasses at isang libro sa maliit na bag. I stopped when I felt his fingers on my groin, sinamaan ko siya ng tingin ng makita siyang nakangisi.

          Maliligo kami ngayon sa dagat, I am wearing my black two-piece, may pang cover-up ako pero hawak 'yon ni Zalton, siya ang may kontrol kung kailan ko isusuot o aalisin. He was so protective.

         Nang matapos na 'yong matagal na paglalagay ni Zalton ng sunscreen sa balat ko ay bumaba na kami. Kung si Margaret 'yon ay pinagalitan ko niya. He was taking too long to finish applying. Siya naman ngayon ang nilagyan ko pagkarating namin sa buhangin. Hindi ko tuloy alam kung paano ilapat nang maayos ang mga palad.

          "Gusto niyo ba ng juices, twins?" Si Dylan, may dalang dalawang buko. Itinaas niya pa ito para makita ng kambal na masayang naglalaro ng bola subalit tinitigan lang nila ang kaibigan ni Zalton at nagpatuloy.

          Sawing sawi si Dylan nang iabot ito kay George at Dark. Pinagtawanan siya.

          "Ate!" They shouted when they saw me. Kay bilis din nilang pinalitan ang ekspresyon nang makilala ang lalaking nilalagyan ko ng sunscreen.

         "You are too old for that." Si Fritz nang makalapit, nakasimangot siya at bakat sa mukha ang hindi pagkagusto kay Zalton.

         "You shouldn't talk like that to your kuya," Sabi ko. Ngumuso naman siya. Nilingon ko si Zalton at sunod na nilagyan ang mukha niya, naabutan ko pa ang mapang-asar niyang tingin sa kapatid ko bago ngumiti sa akin.

          "Kuya, how will you use a gun?" Si Franz, umupo ito sa gilid namin ni Zalton. Nang matapos ko ang paglalagay sa mukha ng proteksyon laban sa araw ay kinausap ni Zalton ang kapatid ko at tinuruan siya nito nga mga basics.

The Lascivious Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon