Kabanata 22
Mali
__________
Ilang oras akong naghihintay sa kwarto. Hinihintay ko ang pagdalo ulit ni Zalton. Kahit hindi ko siya kinakausap ay may parte pa rin sa akin na gusto ko maramdaman ang presensya niya.
No.
Hindi 'yon ang dahilan.
Hindi ko malimot ang sinabi sa akin ni Margaret. I'm worried, at masakit 'yon na tanggapin. Masakit tanggapin na kahit anong kagaguhang ginawa niya sa buhay ko ay gusto ko pa rin siya. Gusto pa rin siya ng puso ko kahit paulit-ulit na dinidikta ng utak ko na hindi na dapat ako lumapit pa sa kanya.
"Kanina pa po nandito 'yong Dwyth." Para akong binuhusan ng asido sa buong katawan. Tumingin ako sa nakakandadong kamay. Bakit kailangan kong magdusa ng ganito?
'Yon ang tunay na dahilan kung bakit gusto ko siyang makita rito, ang katunayan na baka kasama niya ngayon si Dwyth and completely forgetting about me. Isa pa, naiisip ko rin na baka pinaguusapan na nila ang kasal.
"Bakit ba kailangan niyang magpakasal?" Wala sa sariling tinanong 'yon kahit wala na si Margaret.
Hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Hindi payapa ang pag-iisip ko. Wala akong maisip na dahilan para lambingin ang sarili. Ang naiisip ko lang ngayon ay ang malungkot na mukha ni Zalton nang paulit-ulit kong sabihin sa kanya na mamamatay tao siya, 'yon ang totoo.
Hindi ko lang maintindihan bakit kailangan niya pang maging malungkot. Normal na sa kanya 'yon, ganoon siya kilala sa merkado. Bakit parang may mali, may hindi tama akong nararamdaman.
Rinig ko ang pagbukas ng pintuan at napabalikwas agad ako upang lingunin ito. Kusang tamad na nanumbalik ang katawan sa dating posisyon nang makitang si Jordan ang pumasok.
"Inaaya kayo ni Lord Z para kumain." 'Yon ang sabi niya. Kung kanina niya ako inaya ay tatanggi ako, subalit dahil alam kong nandito na si Dwyth ay hinayaan ko si Jordan na kalagin ako at sumunod sa kanya.
Papunta pa lang ay rinig ko na ang halakhak ng babae. Tila ba tuwang tuwa ito, boses na yata niya ang nangingibabaw.
"Gusto ko sana 'yong wedding dress ko ay black! Breaking the norms." Nagpintig ang tainga ko nang marinig 'yon.
I stopped.
Hindi sigurado kung tutuloy pa.
Pero bago pa magsalita si Jordan ay naglakad na ulit ako. At nang matanaw ko sila ay hindi nakalampas sa mga mata ko ang babaeng nakaupo, kaharap si Zalton habang hinihiwa ang beef steak niya.
Nagkatitigan kami nung babae.
Mukhang paborito niya ang itim dahil pati ang lipstick niya ay kulay black. Naka-fitted cocktail dress din siya at may tattoo sa pagitan ng dibdib. Parang natusok ang mata ko sa nakita, sa loob ng mundong ito ganito ang nababagay na babae kay Zalton.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...