Kabanata 13
Tell
__________
Lumabas na si Zalton, nakaidlip ako pagkatapos nang pag-uusap namin. Bumibigay ang katawan ko dahil na rin siguro sa mga gabing hindi ako makatulog nang maayos. Sa pagod ng pag-iisip. Huminga ako nang malalim at dinama ang atmospera ng kwarto, kahit lumabas si Zalton ng kwarto, ramdam ko pa rin ang presensya niya dahil umalingawngaw ang amoy ng katawan niya rito.
Hindi na ako nag-atubiling tumayo upang makapagligo. Kailangan kong linisin ang sarili, nahihiya ako kay Zalton na humarap sa kanya na galing sa higaan.
I wonder what they are doing downstairs. Naroon pa kaya sila Shynie? I don't know. Huminga ako nang malalim at inalala ang pangyayari, though malinaw naman lahat sa akin. Okay na 'yong eksplanasyon ni Zalton, para hindi na ako mag-isip ng ikakasakit ko.
Binuhusan ko ng malamig na tubig ang mukha ko gamit ang mga palad. I stared at myself for minutes. Did I change? Pumungay ang mga mata ko dahil sa iyak, I couldn't remember myself. O, sadyang ganito talaga ako at nagpupumilit lang ako na maging matapang at malakas? Dahil, ngayon na nakasama ko na si Zalton, doon ako niloko ng sariling sistema at inilabas ang kahinaan.
Nagpunas na ako ng katawan at nagsuot ng damit. Nagsuot lang ako ng floral dress. Square neck ito at papuffed and sleeve.
Pumasok si Margaret upang tignan ako, nang makitang gising na ako ay nagpaalam din siyang lumabas.
Pumunta ako sa may malaking bintana na tinatakpan ng makapal at dambuhalang kurtinang kulay dugo. Napag-isip isip ko ang rason kung bakit nga ako nandito. At sa pag-iisip na 'yon, para ko na rin tinakwil ang sarili, dahil kahit hindi sabihin ni Margaret, ng kambal kong kapatid, ni Mia, ng pamilya kong namayapa, alam kong hindi na 'yon ang pakay ko sa mga oras na 'to.
Dumako ang mga mata ko sa mga tanim na bulaklak ng mga Zambia. Mapait akong ngumiti nang mapagtantong bigo ang sarili upang makapaghiganti, gusto kong saksakin ang dibdib ko nang tuluyang itong tumigil, tumigil sa panlalaban sa kung ano man ang sinasabi ng utak ko. Na alam kong tama, sadyang nagpapadala lang ako sa nararamdaman.
Nagsalumbaba ako, disappointed. Hindi ko gusto ang ginagawang 'to. Nagsayang ako ng mga gabing hindi makatulog kakaisip sa kung ano ang susunod na plano, sa kung paano ko buhayin ang apoy sa pagkatao, ang galit na dapat hindi naglalaho, subalit sa pagbabalik niya, ni Zalton, parang isang bumbero na binuhusan niya ng tubig at ako naman itong bukas kamay sinalubong at sinimot ang bawat patak.
Ano kaya ang naiisip nila Mommy sa akin? Ni Auntie? Hindi kaya nila ako kinamumuhian? Lumunok ako at pinunasan ang luha na nag-ala gripo sa kakatulo.
May parte sa puso ko, na takot aminin ang bagay na 'yon. Na dahilan ng lahat nang paghihina ko, ang dahilan bakit ako nanatili pa rito, ang rason kung bakit kay dali niya lang akong mapaamo. Zalton, nakilala kita dahil sa matunog na pangalan mo, dahil sa pagiging brutal at mautak sa larangan ng negosyo. Hindi ko napaghandaan, na magnanakaw ka rin pala. Ninakaw mo ang lahat sa akin, na kahit ang puso ko ay willing kong ibigay.
Umiling ako.
"What have you done?" Pabulong ko na sabi. "Everything, lahat nang pinagpaguran ko, everything is gone." Halos hindi ko maibigkas ang malaking sampal na 'yon sa akin. "I fucking hate myself." Kumuha ako ng suporta sa kurtina, kung hindi lang ito makapal ay mapupunit na sa higpit ng hawak ko.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomansaZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...