t r e i n t a

4.8K 74 0
                                    

Kabanata 30

Coming

__________

Umupo kami ni Zalton sa buhangin, kumpara kanina ay nakasuot na lang siya ngayon ng puting t-shirt at khaki na short, gusto niya ay laging may pagkakatulad ang suot namin. Nakasuot lang naman ako ng dress na hanggang sakong, kulay khaki rin naman ito.

Lumapit sa amin si Soreen at Cathia. Nagtataka pa sila bakit kami sa buhangin nakaupo.

"I will ask some people to assemble that." Si Soreen. Umiling naman ako pero hindi naman ako nagwagi. Umupo rin silang dalawa, hindi naman malayo sa amin.

"It was nice meeting you." Si Cathia, naka ngiti ngayon sa akin, tumango naman ako at nakaramdam ng kaginhawaan, lalo pa at hindi naman talaga kami nag-uusap ni Cathia ng ganito.

"Si Shynie?" Tanong ko. Nagkatitigan naman 'yong dalawa. Hindi nila inaasahan na tatanungin ko sila tungkol sa isa pa nilang miyembro na ni-anino ay hindi na maaninag.

"We shouldn't talk about her." Pambabawal ng lalaking nasa likod ko, si Zalton. Zalton placed me between his legs. Nakasandal ngayon ang likod ko sa kanya habang yakap yakap naman niya ang dalawang tuhod ko sa malapad at malaman niyang braso.

Hindi ko tuloy maiwasan na pisilin ang mga ito at sukatin gamit lamang ang maliliit na daliri.

"You don't have to worry, I'm curious Zalton." Sabi ko. Ramdam ko ang paghinga niya nang malalim, alam kong pumayag siya subalit hindi ko rin maitatanggi na kung ano man ang sasabihin ng dalawa ay dapat niyang marinig. He was so intimidating. Kumpyansa pa ako na ganoon talaga siya.

"Zalton suspended her." Si Soreen. "She needs to learn her lesson." Dagdag pa nito. Malalim din ang iniisip ng dalawa at doon ko lang napagtanto na may hawak pala silang tig-isang bote ng alak. Ang alam ko ay kasama nila si George at Dark nasaan 'yong dalawa?

"Yeah, I heard it too." Sagot ko at nilingon ang malawak na dagat na kay gandang pagmasdan dahil nasisinagan ito ng buwan.

"She was trying to reach us out, but Zalton commanded us not to talk to her." Si Cathia. "She's helpless, wala naman din siyang mapapala sa labas dahil dito sa loob ng grupo kumukuha halos ang lahat ng pera." Dagdag niya pa.

"Baka ay nagugutom na 'yon." Si Soreen at natatawa. "She loves eating, and suffering from hunger is one of the best ways to teach her a lesson." Sa tono ng boses nila, alam kong mahalagang kaibigan pa rin si Shynie. Hindi naman siguro nila isasali sa grupo kung hindi naman napapakinabangan.

"Marami siyang request kay Zinck. She even blackmailed him." Natatawang kwento ni Cathia. "She was so stubborn. Siguro ay naisip na niyang masyado na siyang lumalagpas sa boundaries." Kahit na makaramdam ako ng galit o ano mang negatibong reaksyon ay nakitawa na lamang ako.

          She sounds a good friend, the way she formulate her phrases, care was evident. Ganito siguro talaga kapag kaibigan at matagal mo nang kasama. Hindi mo maitatago ang bulok at hindi mo rin naman ipagkakalat ito. A true friend, indeed. I wonder how Zalton met them.

"I hate it when she kissed Zalton." Sabi ko, lumingon silang dalawa sa akin. I traced Zalton's veins. Tahimik ito sa likod ko na nakikinig subalit todo yakap para maramdaman kong nasa likod ko pa rin siya. "Indeed she was stubborn." Pag-uulit ko sa sinabi ni Cathia.

The Lascivious Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon