Kabanata 25
Shattered
__________
"They are an addict." Said Lucas. Nag-uusap sila roon. Mukhang mahalaga 'yong pinagme-meetingan nila. Kahit na malayo sila sa amin ay naririnig pa rin namin ni Mia ang kanilang pinag-uusapan.
Lumapit sa amin si Soreen at Cathia, ang akala ko ay magpinsan silang dalawa subalit napagtanto ko na Tita pala ni Soreen si Cathia, sadyang matanda lang ang dugo ni Cathia.
"Pinapabigay ni Ziam," inabot ni Soreen ang isang box, lalagyan ito ng mga alahas. Kumunot ang noo ko nang mapansin na kulay puti lahat ng mga alahas na naroon, transparent ito kaya hindi mahirap na makita ang nasa loob, at 'yong mga alahas napakarami like they are a bunch of pearls.
"Thank you, Soreen." Sagot ni Mia. So kilala niya rin pala ang mga kaibigan ni Zalton? Hindi na ako magtataka kung bakit, dahil na rin siguro kay Ziam.
"We can take care Mizzy so you two will have your time together." Si Cathia at ngumiti sa akin.
Hindi kami nagkaroon ng pormal na paguusap ng mga kaibigan ni Zalton. Ang unang kilala ko sa kanila ay hindi ganoon maayos, pero parang iba ito kay Mia, mukhang maayos ang pakikitungo nila rito.
Kinuha ni Cathia sa mga braso ko si Mizzy, doon lang nagkadikit ang mga balat namin. Hinayaan ko na rin na ibigay ito at nang magkaroon nga kami ng maayos na kwentuhan ni Mia.
"When you gave me the pearl, my obsession for them started to bloom." Nakangiti niyang wika at binuksan ang jewelry box. Lumantad doon ang iba't ibang mga alahas niya na ang lahat ay yari sa totoong perlas, ang iba naman ay may bato.
Lahat ng 'yon ay may ukit ng kanyang initial. Letrang M.
There's a necklace with small pearls and the other is huge. Also, lots of earnings with the same design almost occupied the jewelry.
"Akala ko ay pinamigay mo sa iba ang regalo ko sayo." Komento ko at hinawakan ang isang hikaw.
Biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"I have the original kept in our house in Tagaytay." Biglang sabi niya at inilabas ang phone, mula sa screen ay mayroong larawan ng mga hikaw na iniregalo ko sa kanya.
"Mahal na mahal mo noh?" Komento ko. Tumango siya at itinago na ang phone niya.
"Ziam often buy me these pearls, kapag nakikita niya sa mga jewelry shop ay pinapakyaw niya at pinapaukit ang letrang M." Kwento niya. "At siya rin ang nakaisip sa pangalan ni Mizzy, he loves my initial." Ngumiti siya at ramdam ko ang saya na nararamdaman niya.
"That's good to hear." Mas mainam na marinig na masaya siya kaysa ang makihati ng atensyon sa tatay niya na pinambayad siya sa kanyang mga utang.
"Sabi ni Ziam sa akin ay dadalhin namin ang mga pearls, una ay ayaw ko s'yempre dahil importante ito subalit kinausap ako ni Zalton." Tumango ako. Ginawa siguro 'yon ni Zalton dahil gusto niyang ipakita sa akin at ipaintindi na ang lahat ng nangyari ay mali at hindi tama ang naiisip ko tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomantizmZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...