t r e i n t a y n u e v e

3.9K 54 0
                                    

Kabanata 39

Good morning

_________

         Life was so unfair. Bakit kailangan ko pang maranasan 'to? Bakit ako pa. Lahat na lang ay nawala sa akin, nasaksihan man ito ng sarili kong mga mata lalo na sa pagkamatay ng magulang at auntie ko, o naramdaman ng sarili kong dugo nang nawala ang baby ko na hindi ko man lang alam na nariyan at nabubuhay sa loob ng katawan ko.

          I am a living fool.

          After the incident, Zalton and I were sleeping in a separate room. He knew I needed to be alone, I needed to process everything. Hindi ko kailangan ng sino man para umayos ang pakiramdam ko lalo pa at alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito.

         "Queen, Mrs. Zambia wants to talk to you," Margaret said. Zalton's mother, si Sezuka. Ilang beses na niyang tinangka na kausapin ako, there's a time that she went inside the room, but I didn't give a little care. Hindi ko kayang makatanggap ng ano mang impormasyon. Kaya nagtulog-tulugan ako.

          "Tell her I'm sleeping." Hindi ko pa kayang humarap.

          "P-pero po Queen, a-alis na po siya mamaya." Huminga ako nang malalim. Bakit pa niya ako kailangang kausapin. I'm mourning, I don't need anyone at this moment.

          Pati nga ang katawan ko ay masakit pa. Para akong sinusunog ng kalamnan ko. Umaapekto 'yong gatas na ininom ko at kahit anong tulog ko ay gigisingin ako ng tila nanununtok sa sakit na ulo.

          "We can do a video call, please stop bothering me, Margaret." Kalmado subalit madiin kong sabi.

          Nang makita ko na si Zalton na nakasakay sa kanyang sasakyan palabas ng tarangkahan ng mansyon ay bumalik ako sa kama. Nakatayo ako kanina pa sa bintana, ngayon lang naramdaman ang ngawit ng tuhod. Huminga ako nang malalim at tumagilid, walang kumot, dinadama ang lamig ng kwarto habang nakatitig sa liwanag ng araw sa labas ng bintana.

          "Pero Q-Queen.." pagpupumilit pa ni Margaret.

          "Leave me alone." Matigas na sambit ko.

          Hindi na ako nakarinig pa ng tunog mula kay Margaret. Pumikit ako ilang minuto para damhin ang katahimikan. Then, I opened my eyes, inhaled, and exhaled. Naglakad ako papalapit ulit sa bintana at pinagmasdan ang kalikasan, bumaba ang tingin ko sa hardin nang mapansin na may tao roon.

          Mia was there, with Mizzy and Ziam. They looked happy as they tried to entertain their baby. I could hear her laugh in the air, lalo pa nang makita ang pag-aaway nila ng mag-asawa kung ano ang unang salita na babanggitin ni Mizzy.

          "I would name my baby Zoffy if she was a girl, and Xazz if he was a boy." Wala sa sariling bulong ko sa sarili. Bumaba ang mga mata sa tiyan ko at hinimas ito, iniisip na naroon pa ang anak kahit wala na.

          "That was a nice name." Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. And there on the bed, Sezuka was sitting.

           "W-well, I-I just woke up. Kanina ka pa ba?" Natataranta kong tanong, ni-hindi magawang makalapit sa kanya.

          Umiling naman siya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

          "I know you don't want to see me nor to talk to me, Xandra," Sezuka said with a calm voice. Tinitigan ko ang malalim niyang mga mata, there's a glimpse of Zalton on her face, pero hindi nagmana si Zalton sa ina niya.

The Lascivious Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon