Kabanata 14
Galit
__________
I saw how expert he was while kissing me, at sa akin that's my first time. Hindi naman sa inosente at birheng maria ako, subalit dahil sa ginagawa ko sa buhay, I never had the interest to try that on boys. Hindi pa nga ako nagkaboyfriend, kaya conscious ako sa mga may ex-lover dahil mauuna ko talaga siya, kung nagkataon man.
Bumaba si Zalton para kumuha ng tubig, hindi na niya inutos dahil gusto niya na personal akong dalhan nito. I cleared my thoughts, humiga ako sa kama kahit maghahapunan na. Pretending to sleep, pretending that everything is okay.
Paano kaya kung sinabihan ako ni Zalton na gawin 'yon? Paano na! Wala akong karanasan at baka mabigo ko pa siya. Parang niyakap ako ng takot nang maalala ko ang nangyari kay Daralyn. Saan na kaya siya? I don't know what happened, gusto kong alamin subalit mas nanaig ang nararamdaman na baka mangyari ulit 'yon kapag tumanggi pa ako.
Bumukas ang pintuan kaya umupo ako sa kama, Zalton entered the room with a white shirt and khaki shorts holding a tray, punong puno ng yelo ang pitcher na dala niya. As usual, his cold expressions met mine, agad din naalis 'yon nang mapagtantong gising ako.
"I thought you were sleeping," sumimangot ako dahil pumikit lang talaga ako para mayakap pa sana siya nang mas matagal kanina, subalit bumangon siya at tinanong ako kung ano gusto ko. Nagsalita pa rin ako nang nakapikit.
"I was about to sleep but you left," may bahid ng pagtatampo kong sabi, nagsalin siya ng tubig at inabot sa akin 'to, he even spread his palm under my chin while I'm drinking the glass of water, tila ba akong bata na baka matuluan ng tubig that's why he's trying to keep my clothes dry.
"You need water, napagod ka." Namula ako sa sinabi niya kahit alam kong hindi 'yong berdeng pag-iisip ko sa likod ng ulo ang tinutukoy niya.
"Thanks," sagot ko pagkabalik sa kanya ng baso, he wiped my mouth using a clean white cloth.
"We will have a party," tumango ako. "Be prepared," hindi na ako sumagot at hinayaan na lang ang sarili na mahiga ulit. I'm tired of crying, na gusto na atang kumawala ng mga eyeballs ko sa mata.
"You have a lot of girls," hindi 'yon tanong. Tila isa 'yong tunog na reyalisasyon. Kita ko ang tipid na pagbaling ng kanyang ulo sa gawi ko. I cleared my thoughts at sinisikap na labanan ang hiyang pinapausok na.
"What do you mean?" Slang niyang tanong. Umupo ulit ako at inilagay ang unan sa hita. Pinagmasdan ko ang mala-langit niyang mukha, agad ko rin naiwala ang kaisipang 'yon nang maalalang hindi siya isang anghel.
"I've realized that I am not your first girl," you fantasize. Gusto ko 'yon ituglong subalit 'wag na lang! Nahihiya ako sa sarili, kahit 'yon lang ay itatabi ko.
"You don't have to think any of that, Xandra." Tumalikod siya at may kung anong kinuha sa isang sulok ng kwartong ito. Hindi ko na inalam kung ano 'yon.
"Nagka-girlfriend ka na ba?" He stiffened when I asked that particular question. Sa reaksyon ng katawan niya, alam ko na agad ang sagot. Kahit noon pa man may ideya na ako na nagkaroon na siya ng kasintahan, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko nagustuhan ang nakita.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...