Kabanata 32
Calms
__________
"What's happening?" This voice was echoing in my head. I can't clearly define from whom it came from.
"Shynie will be here any moment." Shynie? Bakit siya pupunta rito?
"Calm down, Mia." Fuck. My head hurts, sobrang bigat ng pakiramdam mula rito, para bang may mahapdi subalit mas nananaig ang pagkalito ko sa mga nangyari.
"Should I go there?" Pinakiramdam ko ang ulo, pero hindi ko kaya, wala na akong pandama? No, I can feel it. But wait, natamaan ba ako ng bala? Hindi ko maigalaw ang kamay. Paralisado na ba ako? Am I that lucky na nakakapag-isip pa ako ng ganito?
"No Cathia, you stayed here." Si Dark, that was his voice.
"Ate, wake up..." Fritz, malapit lang ang boses na 'yon sa tabi ko, nasa tabi ko lang siya. Si Franz? I hope they are okay. Ilang oras ba akong walang malay?
"George, kamusta ang system?" Ang init, napakainit. Ramdam ko ang tumatagaktak na pawis, para akong naliligo, bukod pa roon namumuo rin ito sa noo ko.
"Sinusubukan kong kontrolin ulit, as of now they got all the access to all the CCTV cameras." What was that?
"May I help, kuya?" It was Franz. Sinusubukan kong makaaninang ng kahit na anong ilaw subalit hirap na hirap akong gawin 'yon. Tanging ang mga boses lang nila ang naririnig ko. Hindi ko rin magalaw ang mga kamay, I am conscious but I couldn't control myself.
Hirap na hirap ako sa ginagawa. Pero parang hinahatak ang katawan ko ng pahinga, napakakomportable nito sa pakiramdam, pero kahit na ganoon mas nananaig sa akin na kailangan kong ibuka ang mga mata at alamin ang mga nangyayari.
"Ate?" Si Fritz. I finally opened my eyes. Lumapit agad sila sa akin. Lalong lalo na si Mia, she looks pale. Bukod pa roon ay duguan din ang kanyang mukha, where is Ziam?
"Are you okay? Masakit ba? I'm sorry." Hingi ng tawad ni Mia. Nararamdaman ko ang pagsisisi niya at bigat ng mga mata, mukhang hindi ito nagpahinga kakaiyak. Kalong-kalong pa niya si Mizzy na natutulog. Marami siyang wisik ng dugo sa mukha, tulad ng isang taong nakaligtas mula sa madugong labanan.
"What's happening?" Sinubukan kong umupo subalit hindi pumayag si Soreen. Hinawakan niya ang balikat ko para pigilan. Nanghihina ako. Hindi ako nakapaglaban kaya humiga ulit ang katawan sa.... ano 'to? Matigas ang pakiramdam nito sa katwan ko, tila ba ay kay nipis ng foam nito. Nasaan ba ako?
Inilibot ko ang mga mata sa paligid, mainit dito. Madilim rin na ang tanging ilaw ay isang flashlight. Nandito din George, abala sa pagkalikot ng laptop, si Dark naman ay nasa gilid may suot na malaking baril at nagmamasid. Ang kambal ay nakayakap kay Sezuka, si Cathia at Soreen naman ang umaasikaso sa akin habang si Mia ay nasa tabi ko. Puno ng pag-aalala.
"Did I pass out?" Tanong ko. Mabilis na pinahid ni Mia ang luha, dahilan para kumalat ang bahid ng dugo sa kanyang mukha. Why does she look like being soak in blood in the first place? May naganap ba habang wala akong malay?
"I followed you when you decided to go the restroom." She paused, pilit na inaalala kahit natataranta. Kitang kita ko pati ang paglunok siya. "A-And I saw a man following you behind, bumunot siya ng baril. Itinutok niya ito sayo." Nagsusumikap siya na ang bawat letrang nilalabas ng dila ay malinaw sa gitna ng nerbyos. "H-hindi ako makakilos o makasigaw, Feidge. Natatakot ako na baka kapag gumawa ako ng ingay ay kakalabitin niya ang gatilyo, n-natatakot ako at baka iputok niya ito sayo. Hindi ako makasumbong, makatawag, ayaw kitang iwanan. A-and I never used a gun. B-but the moment he said those words to you, a-alam k—" nanginginig si Mia.
BINABASA MO ANG
The Lascivious Eyes
RomanceZalton, a successful yet ruthless businessman, uses cunning tactics to force his competitors into debt and demand their daughters as payment. His obsession with replicating his ex-lover's body leads him to seek out a woman who meets his standards. W...