12

16.7K 250 2
                                    

Nang maka balik sila sa tabing dagat ay ayaw pa niyang bumaba at tapusin ang pag ta-tsyansing niya dito. Bumaba na siya mula sa pag kakayapos dito.

"thanks for the ride po senyorito..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na siya nito tinapunan ng tingin at nag lakad na palayo sa dagat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na siya nito tinapunan ng tingin at nag lakad na palayo sa dagat. Parang wala sa sarili si Tania na naglalakad. Feeling niya nasa cloud 9 parin siya. HIndi siya maka move on sa pag papa angkas nito sa kanya at para siyang tanga na kinakausap ang sarili habang pinag masdan ang hubad na likuran ng lalaking nag lalakad palayo sa kanya.

"Grabi likod palang ulam na.... My baby Aaron na parang diyos ng karagatan na naglalakad paalis ng dagat, ikaw ay sadyang nakaka takam!" Ahahahahha tawang tawa siya sa mga pinag sasabi niya

"Kung maging akin ka nalang talaga sana..." Sa mga kagagahang pinag iisip niya ay bigla siyang na talisod at kay bilis na natusok siya sa isang naka hiblang putol na kahoy sa tabi ng dagat. Saktong saktong tumama ang kanan niyang hita sa matulis na sanga ng patay na kahoy.

"A-arayyyy!!!" She is also afraid of blood. Nang makita niyang may dugo ang hita niya ay nag blur na ang paningin niya.

Napakabilis na tumakbo si Aaron palapit sa kanya.

"Shit why so clumsy! Manong Cardo ihanda niyo ang sasakyan ko!"

Dalidali siya nitong kinarga at walang pagdadalawang isip na itinakbo siya sa sasakyan nito. Nakita niya ang napaka yummy nitong abs sa harap mismo ng kanyang mga mata... abot kamay niya talaga. At biglang nawalan siya ng malay.

Nagising si Tania na purong puti ang nakikita...Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. May nararamdaman siyang kaunting kirot sa hita niya..unti unti niyang naalala ang nangyari, kung paano siya na tusok sa sanga ng kahoy dahil sa kahalayang iniisip niya kay Aaron.

"Thanks god you're awake..."

Namula siya. SHe felt so conscious seeing his worried face. Ang sarap talagang mabuhay... Sana ma tusok nalang siya araw-araw kahit masakit pa basta at ito ang sasaklolo sa kanya ay okay lang. Nakakagaga pala talaga ang pag ibig...

Pumasok ang doctor sa kwarto niya...

"So Mr. Lewis your fiance is now ok...anytime she can already be brought home. Yung medication nalang niya ang kailangang ma maintain para hindi ma tetanus yang sugat niya. That's 2 stitches lang naman."

Nakatitig lang siya sa doctor habang nagsasalita ito, wala sa sugat niya ang atensyon niya kundi sa sinabi nitong fiance siya ni Aaron... Posible kayang ito ang pakilala nito sa kanya...? Para siyang naiihi sa kilig.

"...hey are you alright? you're shaking..."

"A-ah e-eh...o-ok lang ako... naiihi lang...p-pero nawala na o-ok na ako..."

"Whats going on with you? parang wala ka sa sarili..."

"H-hindi ok lang talaga ako Aaron." Gusto sana niyang sabihing talagang nawawala na siya sa sarili dahil dito. Umaapaw ang kilig niya.

Nasa loob na sila ng sasakyan ng binata. Asikasong asikaso siya nito. Feeling talaga niya siya ang fiance.

"Aaron, salamat sa lahat ha. Thanks for taking care of me." Lakas loob niyang pasasalamat dito.

Hindi umiimik ang lalaki at naka focus lang ang tingin nito sa daan.

"It's okay. Its my obligation to take care of anyone who is in need of help."

Parang sinapak ang puso niya doon. Akala pa naman niya espesyal siya dito kaya siya nito inaasikaso. Pero hindi eh, bahala na ito sa pag de-deny nito. She knows he cares for her. Kita naman sa mukha niya eh.

Nang dumating sila ng bahay ay hindi siya nito pinalakad. Kinarga siya nito papuntang kwarto niya. Oh diba! sabi na nga ba niya at espesyal siya dito eh! ano kayo ngayon?!

Hindi na talaga niya na mamatyagan ang sakit ng tahi niya. Kilig na lang talaga ang lumulukob sa buong pag ka tao niya. Is he starting to open up his soft side to her now?

Parang lahat ng dasal niya ay unti-unti nang sinasagot ng panginoon.

Ang lalaki ang nagdala sa kanya ng hapunan.

"Tania, make sure that you'll get your stomach full, then take your medicine." Binuksan pa nito ang bottled water na nasa tray at inihanda ang kanyang mga gamot na dapat iinumin pag katapos.

Kumain siya at nag pa bebeh naman. Syempre, hindi naman palaging ganun ang kapalaran sa kanya kaya lulubos luibusin na niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na inaalagaan ni Aaron.

(COMPLETED) MR. SERIES 4: Mr.Greek GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon