4

19.7K 277 0
                                    

Pumasok si Aling Saling na may dalang pagkain. Alas 9 na ng umaga.

"Hija, ano nga palang pangalan mo?"

"Tania po manang..."

"Ay bakit ka nakahubad. Magbihis ka nga.."

"Ay sige po.." Dali-dali siyang nag bihis at isinoot ang mga damit na nasampay niya kahapon.

"Hija mamayang gabi may maliit na salo2x dito. Umuwi daw kasi galing amerika ang girlfriend ni senyor. Tapos may mga kasamang modelo. MOdelo kasi yung girlfriend niya. PInapasabihan ka na tutulong ka sa amin sa pag aasikaso ng mga bisita mamaya. Dadalhin ko dito ang susuutin mo. Basta hija, huwag ka lang maging malikot ha. SUmunod nalang tayo at para hindi ka rin masasaktan, nakikita ko yang pasa mo sa may baba. Lagyan natin yan ng yelo..."

Tuwang tuwa siya sa isipin na yon. At least makakalabas siya ng bahay. This is what she is longing for. Ang makita kung ano ang security ng bahay para malaman niya kung paano makakatakas.

Pag katapos niyang kumain ay dinalhin na siya ni manang saling ng damit pangkatulong. Ililibot daw siya nito sa buong kabahayan para alam niya paano ang mag silbi mamaya...

"Ang ganda mong bata...anak mayaman ka ba hija? at ano pala ang pangalan mo uli?"

"Tania po manang....at opo anak ako ng mayaman dati. Pero noon lang po yun. Namatay na po kasi ang papa ko at kasabay narin nyun ang pag kalugi ng negosyo namin. Kasing laki po siguro ng bahay na ito ang bahay namin pero ngayun po sa isang maliit na tindahan lang po ako nakatira. May pwesto po kaming flower shop at yun lang po ang ikinabubuhay namin nung kasamahan kung ulila narin sa mga magulang...kayo po matagal nyo na po siyang kilala?"

"Ay uu hija, matagal na talaga...10 taon na nga. Ang pamilya nila senyor ang nag papaaral sa aking mga apo. Napakabait talaga ng pamilya nila. Marami tayo rito hija. Sanay kaba sa gawaing bahay..?"

"Dati po hindi, pero ngayun wala na pong trabaho na hindi natin kaya. Lahat po ng katulong dito ay mga kinidnap rin?"

"ayyy naku! hindi ahhh...ikaw lang hija. At walang ibang nakakaalam niyang sitwasyon mo dito sa bahay ako lang. Kaya bawal kang may sabihan niyan ha."

"Manang, tutulungan nyo po ba akong makalabas dito? GUsto ko na po sanang bumalik sa normal kong buhay, hindi naman po ako mag susumbong sa mga pulis. Kahit pa ho hindi ko alam kung anong nakain ng senyorito ninyo at ginawa sa akin to...hindi naman siguro niya ako hihingan ng ransome dahil wala po talaga akong maibibigay..."

"Naku hija, wala talaga akong alam kung bakit ginawa ni senyorito sa iyo yan. Antayin mo nalang. baka meron kang nagawang kasalanan sa kanya dati para gawin sayo yan..."

"Eh manang naman 1000 times ko na pong inisip eh...wala po talaga... promise po wala po talaga..."

"Siya...halika ka na nga at ipakita ko sa iyo tong bahay."

Namangha siya sa ganda ng looban. Ang desenyo ng bahay ay parang pang amerika. Sa kusina nito na napa ka lawak. Refrigerator na 4 doors. DInala din siya ni manang Saling sa back door kitchen dito.

Pinagmamasdan din niya ang security ng bahay. Halos kada corner ay may guard na nag babantay. Napaka tayog din ng gate na hindi mo makikita ang labasan.

Mahigit kumulang 15 silang mga tauhan kasama na ang mga hardinero at taga linis ng pool. Iba pa doon yung mga gwardya. Doon daw sa rooftop idadaos ang house party mamaya. May infinity pol sa rooftop. Namangha na naman siya sa ganda ng lugar. May jacuzzi katabi ng pool. May bar counter din at mga sound system. Parang nasa isang bar-resort ka... ang ganda pa ng mga halaman na animoy may maliit na garden.

"He must really be rich." sabi niya sa isip.

"Mamaya hija kayo nina Min2x at Cherry ang mag dadala ng mga pagkain dito oh kahit anong hihingin ng mga bisita... YUng chef ay hindi titigil sa pag luluto kaya babalikbalik kayo dito. Basta tayong mga katulong, hindi tayo pweding makisalamuha sa kanila. Kung may hihingin man sila ay dapat magalang lang tayong susunod at hindi na dapat makipag usap pa..."

"Ok po manang noted, tapos manang yung party po nila ay yung mag si-swimsuit po sila...?

"Aba at baka... palagi naman silang nag ha-house party pag andito si mam Isabel. Bagay na bagay sila ni senyorita, napa ka ganda niya.... parang ikaw rin."

"Ayyy wala po tayong ganda manang, pang backstage lang po itong beauty natin.'

"Anong pang backstage! Lahat nga ng gwardya at mga kasambahay nating lalaki eh di magkamayaw sa pag tingin sayo, pero di nila yun gagawin pag andiyan si senyorito sinabihan na sila na sa kanya ka raw. Baka gusto ka nun."

Ang sarap naman sa kanyang tenga ang mga sinasabi nito. Pero hindi eh, may girlfriend nga diba..? Gusto na nga sana niyang paniwalaan nalang na kinidnap siya nito dahil nagandahan ito sa kanya...

Nang duman sila sa may salas ay napa tigil siya sa paghakbang. Nakita niya ang mga picture frames. Napaka gwapo ng nilalang na laman ng mga ito...

 Napaka gwapo ng nilalang na laman ng mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napanganga siya sa isang maliit na larawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napanganga siya sa isang maliit na larawan. Isa itong picture ng batang lalaki.

"Manang? is this him? I mean...si senyorito po ba ito?"

"Syempre, bakit mo naitanong? ay dahil parang hindi siya yan diba? bata pa kasi siya diyan..."

Nagbalik ang ala-ala niya sa tagpo kung kelan naroon ang batang nasa larawan...

(COMPLETED) MR. SERIES 4: Mr.Greek GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon