IX - Welcome to The Welcome Party

2.2K 123 62
                                    

      Marami ng estudyante sa loob ng grand hall pagdating namin. Nabaling pa nga sa amin ang kanilang mga atensyon dahil kasama namin ang apat na Montecillo. Nakaka-ilang yung tingin nila, pero hindi iyon pinansin nitong anim na kasama ko. Sa tingin ko ay sanay na sanay na sila sa atensyon. Ako kasi hindi.

      Dumiretso kami sa isang circular table sa unahan sa may bandang kanan. Nang maka-upo kami ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Grand Hall. Malaki ito at masasabi kong talagang pinaghandaan din 'tong Welcome Party. Maraming sets ng table and chairs na may table clothe na gold with black patterns. May mini-bouquets din sa gitna ng mga tables. May red carpet sa gitna papunta sa make-shift stage sa harapan. May curtains na kulay gold with black patterns din na nakasabit sa taas. Dimly-lit lang din ang mga lamps na nakasabit sa mga pader at ang chandelier sa itaas. This kind of lighting is giving off a really beautiful atmosphere.

      "Do you want anything to drink?" Tanong sa akin ng katabi kong si Hendrix. Sobrang gwapo niya sa suot niyang itim na silk na tuxedo, may gray patterns din ito.

      "Ayos na ako sa tubig." Sagot ko sa kanya. Tinanguan niya muna ako bago siya tumayo at umalis ng table namin.

      "Where is he going?" Tanong sa akin ni Arianne.

      "Kukuha ata ng maiinom."

      Tumango lang si Arianne at ibinalik niya na ang tingin sa harapan. May mga students doon na nagpi-picture. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa katabi ni Arianne, si Jarvis. Parang manghang mangha itong patingin-tingin sa disensyo ng Grand Hall. Mukhang nagustuhan niya ata ang pagkaka-ayos.

      "Speaking of maiinom, Jarvis pwede mo bang ikuha si Arianne ng maiinom?" Napatingin naman sa akin si Jarvis at parang batang tumango tsaka umalis. Nagulat ako sa bilis ng pagsunod niya pero isinawalang bahala ko nalang ito.

      Nang maka-alis si Jarvis ay nakatanggap naman ako ng masamang tingin mula kay Arianne. Nginitian ko lang siya at nag patay malisya.

      Ibinaling ko sa iba pa naming kasama ang tingin ko. Si Yohan ay nakatingin lang ng diretso sa kawalan at mukhang naboboring. Si Travis at Cassandra ay nagkukwentuhan... At hindi pa nakakabalik si Hendrix at Jarvis sa mesa namin.

      Nakuha ng bulaklak sa mesa namin ang atensyon ko. Hindi ko alam pero hindi maalis ang tingin ko rito.

     Bigla kong naalala yung napanaginipan ko noong nawalan ako ng malay. Ganitong ganito rin ang disenyo ng bulaklak na nakita ko sa bestida noong batang babae sa panaginip ko— sa bestida ni Alexandria.

      "Alexandria will you grant me a wish?"

      "Alexandria will you grant me a wish?"


      Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Sunod-sunod nanamang pumasok sa isipan ko ang mga napanaganipan ko. Hindi na ito blur. Malinaw na malinaw na ito. Tandang tanda ko na lahat ng detalye sa naging panaginip kong iyon.

      "Where are we going?"

     "Are we going to see the fairies Chi?"

     "Alexandria can you promise me something?"

      "Aah" Hindi ko mapigilang mapadaing dahil sa sakit ng ulo ko.. Para itong binibiyak. Sunod-sunod na pumapasok sa isipan ko ang mga iba't ibang imahe.

      "...promises are meant to be broken."

      "Will you grant your Chi a wish?" 


Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon