I - Welcome Home

7.3K 205 21
                                    

     "Come back home..."

     "Come home to us..."

     "Umuwi ka na rito..."

     "Inaantay ka na namin—"

     "Aria!" Gulat na gulat akong nagising dahil sa malakas na sigaw ng nanay ko.

     "Bakit po?" Nagtataka kong tanong nang makita ang nag-aalala niyang mukha.

     "Binabangungot ka ba anak? Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising agad kaya nag-alala ako sa'yo." Bumuntong hininga siya at niyakap ako kaya sinuklian ko ang yakap niya.

     "Wala po 'yon, ayos lang ako Ma. 'Wag na kayong mag-alala." Tugon ko habang hinihimas ang likod ni Mama para kumalma siya.

     Hindi naman talaga ako binabangugot. Hindi nakakatakot ang panaginip ko... pero ang weird. Nasa isang silid ako at may iba't ibang boses akong naririnig. Pakiramdam ko kilalang-kilala ko ang mga taong nagsasalita, pero ang nakakapagtaka ay ngayon ko lang naman narinig ang mga boses na 'yon. Ngayon ko lang din napanaginipan ang panaginip na 'yon. Alam ko rin ang mukha nila, tandang tanda ko na nakita ko ang mga mukha nila sa panaginip ko. Pero ngayong gising na ako ay tila ba hindi ko maalala ang mga itsura nila.

     "Ikaw kasing bata ka, kapag ginising kita bumangon ka kaagad hindi yung pinag-aalala mo pa ako." Pabirong sermon sa akin ni Mama nang humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa'kin. Natawa naman ako at tumango nalang kaya napangiti na din siya.

     "O sige na, bumangon ka na dyan at mag-ayos ka na. Ihahanda ko lang ang hapagkainan para makapag-almusal na tayo. Hindi mo naman siguro nakalimutan na ngayon ka na pupunta ng Academy, diba?" Tanong ni Mama habang inaayos ang ilang mga kalat sa kwarto ko.

     "Opo Ma. Hindi ko makakalimutan 'yon. Sobrang excited na kaya ako." Patili kong sagot kaya natawa si Mama.

     "Sige na, kumilos ka na. Maghahanda na ako ng almusal natin." Ani Mama bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Bumangon na rin ako at inayos ang hinigaan ko.

     Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko ng pumunta sa Academy. Iisa lang naman ang Academy sa lugar namin at doon ako mag-aaral. Ang kaso lang, hindi pwedeng lumabas ng Academy kaya sa dorm kami maninirahan habang nag-aaral. Dalawang beses lang pwedeng lumabas ng Academy kada buwan o di kaya'y tuwing semestral break, summer at Christmas holidays.

     Nang matapos akong magbihis at mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang niluto ni Mamang sinangag, hotdog at itlog. Nag-kuwentuhan din kami ni Mama habang kumakain. Tinanong niya rin ako kung ayos na ba ang mga gamit at school papers na dadalhin ko na siya namang sinagot ko ng oo.

     "Sigurado ka ba Mama na magiging maayos ka rito kapag pumasok na ako ng Academy?" Tanong ko nang papatapos na kami mag-almusal. Ngayon ko lang iiwan si Mama ng mag-isa. Noong elementarya naman kasi ay nasa kabilang bayan pa kami nakatira at doon ay hindi required na maglagi lang sa loob ng paaralan ang mga mag-aaral. Noong nakaraang buwan lang kami lumipat dito dahil ayon kay Mama, mas maganda raw dito at mas maganda kung sa academy dito ako mag-aaral.

     "Oo naman ano! Malilibang din ako sa tindahan kaya hindi ko mapapansin ang oras. Magugulat nalang tayo na ilang linggo na pala ang lumipas at andito ka na ulit." Sagot ni Mama nang nakangiti kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Alam ko sinasabi niya lang yan para hindi na ako mag-alala pa. At alam ko rin na malulungkot din talaga siya kapag naiwan siyang mag-isa. Kung buhay pa siguro si Papa, mas maayos sana ang lahat.

     Tinapos nalang namin ang pagkain nang tahimik. Tinulungan ko rin si Mamang magligpit ng pinagkainan bago kami lumabas ng bahay.

    "Nandito na ba ang lahat ng gamit na kakailanganin mo?" Tanong ni Mama habang nakaturo sa isang malaking maleta at backpack na nakalagay sa backseat. Agad ko naman siyang tinanguan kaya pinaandar niya na rin ang sasakyan paalis ng bahay.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon