XLVI - Alliance

825 50 21
                                    

To Rhee (_gguk97), happy birthday!

~ * ~

       Magkakampi sila Daddy at Mr. at Mrs. Pierce...

       Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa impormasyong ito.

       "Your Father has a lot of cards up his sleeves." Sabay sabay kaming napatingin ng apat kong Kuya kay Xenon. Hindi siya sa'min nakatingin dahil nasa wolf ang buong atensyon niya, ngunit alam kong pare-pareho naming alam na para sa'min ang mga salitang binitawan niya.

       Wala na lang umimik sa'min. Walang gustong sumagot dahil mukhang pare-pareho kaming gulat pa sa aming nalaman. Kanina, pagkatapos sabihin ni Daddy na magkakampi sila nina Alfred at Mallory, gustong-gusto ko nang lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila. Napupuno nanaman ng mga katanungan ang isipan ko. Ang kaso ay pinigilan ako ni Xenon. Hindi raw kasi makakabuti kung basta basta nalang akong susulpot sa harapan nila. Kaya noong pumasok na ang mga magulang ko at sila Mallory sa bahay, saka lang kami lumabas at lumapit kanila Kuya Yohan na naiwang naka-awang ang bibig dahil sa gulat.

        "Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon?" Napatingin ako kay kuya Jarvis nang marinig ko ang tanong niya. Bakas na bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha. Gusto kong matawa dahil ang cute niya habang nakanguso at nakakunot ang noo, pero sa ngayon ay pareho kami ng tanong sa aming isipan kaya napabuntong hininga nalang ako. Pagkapasok kasi ng mga magulang namin kanina ay dumiretso sila agad sa study ni Daddy. Balak sanang sumunod ng mg Kuya ko pero hindi sila pinayagan ni Mommy, kaya ngayon ay wala kaming magawa kung hindi maghintay at magpalipas ng oras dito sa back garden. Mukha ring matatagalan pa kaming mag-antay dahil kakapasok palang naman nila.

       "What bullshit is this?" Pabulong lang iyong itinanong ni Kuya Yohan pero narinig ko pa rin. Hindi ko nalang din pinansin dahil alam kong tanong niya iyon sa kanyang sarili, at mukhang kusang gumagana lang ang enhanced senses ko kaya naririnig ko.

       "Does this mean that Dana is an ally too? Did our parents know already that Cassandra isn't our cousin even before what happened yesterday?" Napa-isip naman ako agad sa sinambit na katanungan ni kuya Hendrix, ngunit agad ding naputol ang pag-iisip na iyon nang maramdaman ko ang kusang paggana ng ability ko.

       "Alfred we talked about this, didn't we? There shouldn't be no secrets between us! Bakit hindi niyo sinabi sa aming anak pala ni Dana si Cassandra?" Medyo nabigla ako sa pagtaas ng boses ni Daddy at sa tono ng kanyang pananalita, pero inisip ko nalang na kahit papaano ay maswerte ako dahil hindi ako malapit sa kanya, kaya hindi ko makikita ang galit niya. Pinilit ko nalang din huwag pansinin iyon, ang importante ay ang narinig ko: hindi rin alam nila Daddy ang totoong katauhan ni Cassandra.

       "We didn't know about it before, too. Nick I didn't see my sister for a long time and I thought she was doing fine abroad. Can you imagine my shock when she came back only to tell us that Cassandra, your niece, is her daughter?" Hindi ko naman maiwasang magulat sa narinig ko. Hindi rin alam ng mga Pierce? Naalala kong nasabi nga sa akin ni Cassandra noon na matapos maparusahan ang mga magulang nila Mr. Pierce ay nanirahan sila sa Hillwood, at si Dana naman ay lumipat sa ibang bansa. Ngunit, hindi ko naman akalaing wala palang alam si Alfred sa nangyayari sa kapatid niya? Wala nga ba talaga?

      "It's your responsibility to take care of your sister. Why didn't you know about it?"

       "Are you questioning my care for my sister? Whenever I visit her in the States she's doing fine! Sa tingin mo ba ay gusto ko ang nangyayari? Na nabuntis at nanganak pala ang kapatid ko sa murang edad pero hindi ko man lang alam ang lahat ng iyon?" Wala ako sa iisang kwarto kasama sila pero kahit naririnig ko lang ang sagutan nila ay napapa-ngiwi na rin ako. Pareho ng tumataas ang mga boses nila at mababakas na ang hinanakit at galit sa mga ito. Ako ngang nakikinig lang ay tila mauubusan na ng hangin dahil sa tensyong bumabalot sa kanila, paano pa kaya sila na magkaka-harap mismo?

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon