XXXVI - Arianne's Birthday

1K 61 15
                                    

      "Alexandria, my princess, wake up." Nagising ako sa mahinang tapik ni Mommy sa braso ko. Ang kanyang maamong mukha ang unang bumungad sa'kin.

      "Are you okay?" Tanong niya, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Agad naman akong tumango at ngumiti. Marahil ay nababahala pa rin siya sa pagbagsak ko kanina.

      Mula kahapon ay puros training lang ang ginawa ko. Sobrang saya ko nang natalo ko iyong limang security personnel na kalaban ko kahapon, at pinuri pa nga ako ni Sir Saturn. Sakto namang pagkatapos ng laban namin ay natapos na rin sila kuya sa training nila ng mga abilities nila. Siguro dahil masyado akong masaya sa naging training at pagka-panalo ko, kaya kahit pagod at masakit na ang katawan ko, dahil maraming beses din akong natamaan at nasaktan no'ng mga naka-away ko, ay pinaki-usapan ko pa rin sila Kuya na turuan naman ako sa ability ko. Oo magkaiba kami ng ability pero naisip ko lang na baka pwede nila akong turuan kung paano kontrolin ito. Natuwa naman ako nang pumayag sila.

      Gabi na kami natapos sa pagte-training. Ilang beses nila akong pinaulit-ulit sa pagfofocus, dahil doon ako nahihirapan at aminado rin naman ako. Kung hindi pa nga dumating sila Mommy mula sa pinuntahan nila ay ayoko pa sanang tumigil. Masyado kasi akong nag-enjoy, siguro dahil gustong-gusto ko talagang lumakas. At isa pa, ngayon na ineenjoy ko ang training, parang mas konti ang sakit dahil nangunguna ang sayang nararamdaman ko.

      Medyo napagalitan nga lang ako ni Mommy dahil hindi ko raw iningatan ang mukha ko. Nagkapasa kasi ako malapit sa labi nang natamaan ako no'ng isang security personnel na nakalaban ko. Nagkaroon din ako ng isang mahaba at medyo malalim na scratch sa may pisngi dahil natamaan ako ng isang piraso ng kahoy noong namali iyong paggamit ko ng ability. Mabuti nalang talaga at may healing ability si kuya Hendrix kaya agad ding nawala ang sakit at tila hindi ako nasugatan. Dahil kung hindi, dadalo ako ng party ni Arianne na may galos.

      Pagkatapos naming kumain kagabi ay saka ko lang din naramdaman ang pagod kaya agad din akong nakatulog. Sayang nga dahil dumaan pala si Xenon, kaso tulog na ako. Ang daya daya niya. Noong nagte-training palang ay nasa Mansion na siya pero nagpakita lang siya kung kailan tulog na tulog na ako. Nagpapa-miss ba siya sa'kin? Medyo effective kasi, pero hindi ko sa kanya sasabihin.

      Paggising ko kanina ay agad din akong nag-almusal para makapag training ulit. Birthday ngayon ni Arianne pero gabi pa naman magsisimula ang party kaya ginamit ko muna ang oras ko kaninang umaga para sa training. Ayaw pa ngang pumayag ni Mommy noong una dahil mapapagod daw ako, pero sinabi ko na matutulog nalang ako sandali pagkatapos kumain, tutal naman ay hapon pa kami mag-aayos. Sa huli ay pumayag din siya. Iyon nga lang ay ibang klaseng training naman ang ipinagawa sa akin ni Sir Saturn kanina.

      Hindi physical combat, o gamit ang ability ang training. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Sir Saturn pero pinaakyat niya ako sa mga nagtataasang puno sa likod ng mansion, sa may forest. Akala ko doon na matatapos iyon pero hindi pala. Nang tuluyan na akong maka-akyat, na inabot ng halos kalahating oras dahil ang taas taas ng puno at mano mano ko itong inakyat, inutusan naman ako ni Sir Saturn na magpa-lipat lipat sa mga sanga ng mga puno. Napa-awang pa nga ang bibig ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang pinapagawa niya. Mukha kaya akong unggoy sa paningin ni Sir? Gusto kong tanungin iyon pero syempre hindi ko ginawa. Kaya sinunod ko nalang siya.

      Iyong unang tatlong puno ay nalipatan ko naman ng maayos. Natagalan nga lang dahil masyado akong kinakabahan at natatakot na baka kulangin ang bwelo ko at mahulog nalang ako sa lupa. Tapos kapag nakatapak pa ako ay parang nawawalan ako ng balanse kaya agad akong napapayakap sa puno. Sa ika-apat na puno ako sumablay. Masyado kasi iyong malayo, at wala naman akong ibang malilipatan dahil iyon na ang mas malapit-lapit sa punong kinaroonan ko. Manipis pa ang sanga kaya hindi ko alam kung papaanuhin ko iyon. Bawal din kasing gumamit ng ability sabi ni Sir Saturn.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon