X - Meet Me

2.2K 117 73
                                    

      Natutuwa ako sa tuwing pinapanood ko ang pagsayaw ng mga puno sa baba dahil sa malakas na hampas ng hangin dito. Natutuwa ako kapag nakikita ang magandang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay berdeng kabundukan na sasamahan pa ng pagsikat ng araw sa di kalayuan. Natutuwa ako kapag wala akong ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibong palipat-lipat sa mga sanga ng puno. Nakakatuwa ang katahimikang dala ng umagang ito. Napaka-payapa. Taimtim at nakaka-pawi ng kalungkutan.

      Andito ako ngayon sa veranda ng dorm room namin at nagkakape. Mag-aala-sais palang ng umaga. Tahimik na tahimik pa ang buong Academy. Halatang tulog pa ang mga tao. Mukhang napagod sila sa pagsasaya kagabi. Maging si Cassandra ay masarap pa ang tulog sa loob.

      Naiinggit ako kasi ang sarap ng tulog nila, samantalang ako ay halos hindi makatulog ng maayos kagabi. Hindi talaga maalis sa isipan ko ang mga narinig ko kagabi sa CR. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa narinig ko. Napabuntong-hininga nalang ako at inubos na ang lamang black coffee ng mug ko.

     Muli kong pinagmasdan ang magandang tanawin sa harapan ko bago ako pumasok sa loob. Sinigurado kong hindi makakalikha ng ingay ang pagsara ko ng sliding door upang hindi magising si Cass. Iniharang ko rin muna ang makapal na light brown na kurtina sa sliding door para hindi masyadong pumasok ang sinag ng araw. Hinugas-hugasan ko muna ang ginamit kong mug bago dumiretso sa CR at naligo.

       Nang tapos na akong maligo ay agad na akong nagbihis. Plain white off shoulders lang ang isinuot ko na tinernuhan ko ng itim na skirt at cream colored doll shoes. Hindi naman maikli ang napili kong skirt. 2-inches above the knee lang ang ito kaya ito na ang isinuot ko.

      Inilugay ko lang din ang buhok ko. Nang kontento na ako sa itsura ko ay tsaka ako nagsulat sa sticky note para kay Cassandra.

      "Cass, may pupuntahan lang ako. Baka hapon na ako bumalik. Sorry hindi na kita ginising." Idinikit ko ito sa may lamp sa nightstand niya.

      Chineck ko muna kung dala dala ko na ang wallet, cellphone at spare key ko sa bag bago ako tuluyang lumabas at dumiretso sa parking lot.

      May usapan kami ngayon ni Xenon. May pupuntahan kami.

      Muli ko namang naalala ang nangyari kagabi sa field noong tumakbo ako roon para ilabas ang sama ng loob ko...

    

      "A beautiful girl like you should never cry like this in the dark." Natigil ako bigla sa pag-iyak nang makarinig ako ng isang boses.

      Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. Ang lalaking bumagabag ng utak ko buong araw ay nakatayo ngayon sa harapan ko at nakatingin sa akin.

      Madilim nga rito at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw pero kahit ganoon ay alam kong siya ito.

      Sapat na ang liwanag ng buwan upang makilala ko siya.

      "Chi..."

      Mukhang nagulat si Xenon sa lumabas sa bibig ko dahil nabitawan niya ang hawak niyang panyo na ibibigay niya ata sana sa akin.

      "What did you say?" Seryosong tanong nito.

      "Chi. Ikaw si Chi. Hindi ba?" Naalala ko na.

      Kanina ay tila umaagos na tubig ng imahe ang bumuhos sa utak ko. Bumalik sa isipan ko lahat ng detalye sa panaginip ko noong nawalan ako ng malay... At kasama sa memoryang iyon ang kulay ng mata ng batang si Chi na nakita ko bago ako magising sa aking panaginip.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon