XIX - Where The Truth Lies

1.9K 110 106
                                    

      "Alexandria, wake up." Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng maliliit na boses. Antok na antok pa ako pero sinubukan kong idilat ang mga mata ko.

      Ang madilim na paligid ang bumungad sa akin. Inantay ko munang mag-adjust ang paningin ko sa dilim bago ko inilibot ang aking tingin.

      Napakunot naman ang noo ko nang mapagtantong nasa kwarto pa rin naman ako, pero hindi ito ang kwartong tinutuluyan ko pansamantala.

      "Alexandria come on." Napukaw ang atensyon ko ng nagsalita. Nilingon ko ito at agad akong napa-upo nang mapansing nakahiga sa tabi ko ang batang si Alexandria. Sa kanyang gilid ay nakatayo ang batang si Chi.

      Xenon...

      "Alexandria, wake up." Niyuyugyog ni Chi si Alexandria sa braso para magising ito. Mukhang kanina niya pa sinusubukang gisingin ito.

      Muli kong inilibot ang aking tingin. Madilim ang kwarto at tanging ang liwanag ng buwan, na pumapasok mula sa bukas na veranda, ang nagsisilbing ilaw.

      Nadapo ang aking tingin sa orasang nakapatong sa bedside table. Napakunot ang noo ko nang makitang pasado alas dose na ng gabi.

      Ibinalik ko ang tingin ko kanila Alexandria na ngayon ay nagising na. Halatang antok na antok pa siya. Nanlaki rin ang kanyang mata nang makita si Xenon.

      Nasa kwarto ako ni Alexandria... Panaginip nanaman ba 'to?

      "Chi, what are you doing here?" Tanong ni Alexandria at napahikab pa. Bahagyang natawa naman sa kanya si Xenon.

      "I have something to show you." Mahinang sambit ni Xenon. Napanguso naman si Alexandria pero tumango rin naman siya at tumayo na mula sa pagkakahiga.

      "What is it? It's already late Chi." Imbes na sumagot ay nagkibit-balikat lamang si Xenon. Kinuha niya rin ang cardigan na nakapatong sa dulo ng kama at inabot ito kay Alexandria.

      "Just trust me." Tumango nalang si Alexandria at isinuot na ang kanyang cardigan. Nang handa na siya ay nagsimula ng maglakad papunta sa veranda ang dalawa. Nagtataka man ay sumunod nalang din ako. Saan ba sila pupunta?

      Pagdating sa veranda ay nakita kong may hagdan dito. Bumaba doon si Xenon, at sumunod din si Alexandria. Ganoon din ang ginawa ko.

      "Do you remember what I told you the other day?" Tanong bigla ni Xenon nang magsimula na silang maglakad patungo sa likod ng bahay. Napadpad na ako ng isang beses dito noong isang araw, at kung tama ang pagkakatanda ko, may forest sa likod.

      "About the bond?" Tumango naman si Xenon, pero hindi na siya muling sumagot. Tahimik lang silang naglalakad patungo sa bukana ng kagubatan. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung saan ba talaga sila patutungo.

      Malapit na kami sa may forest nang biglang tumigil si Xenon sa paglalakad, kaya maging kami ni Alexandria ay tumigil din.

      Tumingin ng diretso si Xenon kay Alexandria. Sobrang seryoso ng kanyang mukha at tila nag-iisip siya kung sasabihin ba niya ang gusto niyang sabihin o hindi.

      "Alexandria, are you ready to know the truth?"

      Sasagot na sana si Alexandria ngunit naramdaman kong tila hinahatak ako ng isang pwersa kaya napapikit ako.

      Pagdilat ko ng mata ay nasa kwarto na ako ulit. Kanina ay parang nawala ang antok ko, pero ngayon ay tila sobrang antok na antok nanaman ako.

      Napipikit ko na ang mata ko nang maramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Pilit kong idinilat ang mata ko at nakitang naka-upo sa gilid ng kama si Xenon. Diretso siyang nakatingin sa akin. Mababakas ang halo-halong emosyon sa kanyang mata.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon