LVIII - Hillwood Day

913 40 43
                                    

       "Alam mo, two centuries ago, no one really thought that Hillwood will be a prosperous city. This place used to only be a part of the mountains." Panandaliang ibinaling ni Arianne sa akin ang kanyang tingin bago muling tumingin sa daanan, nagmamaneho kasi siya.

       Papunta na kami ngayon ng Academy at sa kanya na ako sumabay dahil sila Kuya at Daddy ay maagang umalis. Medyo umaasa rin kasi akong kasama niya si Vivienne, pero hindi pala. Ngunit ayos lang iyon, siguradong makikita at makaka-usap ko siya mamaya.

      "Hindi ko pa alam ang history ng Hillwood. Alam mo ba ang kuwento?" May mga nabasa na akong ilang mga kaganapan noon, pero hanggang doon lang ang alam ko. Ang mismong kuwento kung paano nabuo ang Hillwood ang hindi ko alam. Tumango naman sa akin si Arianne kaya bigla akong nakaramdam ng excitement. Gusto kong malaman!

       "Diba you know naman A girl? This place is on the South of the Central, and if you can see puros mga kagubatan pa here and mountains. Because that's how this has always been."

       "Bago mag-exist ang Hillwood, it says that the Central is the only place for everyone. Sa North kasi, it's mostly bodies of water there. Then sa East naman parang lair of volcanoes, tapos sa West part mga bangin ata. So technically, Central was the only safe and accessible place to live for everyone." Nabasa ko nga ang tungkol doon.

       "But then, something happened back then. There are myths kasi about a Powerful Being watching over us. Sabi nila, she is the source of all the power and ability of everyone, of all of us." She?

       "Babae?" Tumango-tango naman si Arianne sa tanong ko. "Yes, well, that's what the myths said." Ako naman ang napatango sa sagot niya at sumenyas na lang akong ipagpatuloy niya ang ikinu-kwento niya.

       "According to legends and myths, that Powerful Being made a mistake. Parang may nabigyan ata siya ng Manipulation Ability which, I must say, is a really powerful and scary ability. Super wrong na nga na binigay niya ang ability na iyon, tapos sa maling tao pa niya nabigay. You know why? Because the person who possessed the Manipulation ability wanted to destroy everything." Napa-awang naman ang bibig ko. Sirain ang lahat? Bakit?

       "Like what I said kanina, the North is the place of the water.
So, strong daw ang power ng Water Element doon, and Fire Element naman sa East. Air Element on the West and Earth here on the South. And lastly, the Spirit Element on the Central. Those are the five major elements in our world." Napakunot naman ang noo ko. Parang ngayon ko lang narinig ang Spirit Element. Anong klaseng ability iyon?

       "Arianne, ano ang Spirit Element?" Hindi ko maiwasang maitanong. Agad naman akong sinagot ni Arianne habang nasa daan pa rin ang tingin niya. "Spirit Element is the element that holds a part of the four elements, and the four elements also have a part of the Spirit Element. It's the past and the future in those elements and in all of us, it's Clairvoyance." Napa-oooh naman ako sa sinabi niya.

       Spirit Element... Clairvoyance... Alam nito ang nakaraan at hinaharap ng lahat... At dahil may Spirit Element din sa bawat isa, may ideya tayo sa mga nakaraan natin, hindi natin iyon makakalimutan. Kaya mayroon ding ibang tao na nasesense ang hinaharap o nagkakaroon ng ideya tungkol sa magiging future nila.

       "It's a well-balanced world, not until She made a mistake. Yung nabigyan niya ng Manipulation Ability, that person became equivalent to chaos. The Manipulator started havoc. Hindi ko sure if babae ba 'yon or lalaki, pero sabi minanipula niya ang lahat, to have them fight against each other. It's said that ginawa niya iyon para hindi siya mapansin na konti-konti ay nag-gagather siya ng people na gagawin niyang allies niya."

       "First, he or she started with North, nag-gather siya ng mga tao na may Water Manipulator Ability and dinala niya sila sa North to strengthen their power, so he can use them for his personal liking. Tapos sinunod niya ang mga may Fire Manipulator Ability and brought them to the East. Pero doon ata siya nahuli sa ginagawa niya because like I said, East is the lair of the Volcanoes. Super dangerous doon kaya may dalawa atang namatay. The news spread like wildfire alarming everyone in the Central and the Powerful Being. But it was too late, because all of the people have already turned their back against each other. They were already having a battle of their own. Kaya naman nagkaroon pa ng chance yung Manipulator to get a hold of Air Manipulators, and nadala pa sila sa West, thus having more power for the Manipulator." Hindi ko alam kung anong isasagot kay Arianne kaya napa-awang na lang ulit ang bibig ko. Pakiramdam ko ay nakakatakot ang mga nangyari noon. Isipin mo, nagkakagulo sila at nakikipaglaban sa bawat isa, habang hindi nila alam na may paparating pang mas malaking pinsala.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon