XLIX - Truth

810 41 14
                                    

       "Alexandria, your family will be in danger because of your deadly abilities."

       Iniling-iling ko ang ulo ko, at pilit ni winawaksi ang mga salitang iyon paalis sa aking isipan. Pero paano ko ba iyon hindi papansinin kung tuwing titingnan ko ang aking sariling repleksyon ay tila di ko kilala ang sarili ko?

       Gold.

       Naka-ability mode ba ako? Bakit biglang naging ganito? Kung sakali man, ano ba ang totoong ability ko? Bakit ngayon lang ito nagka-ganito?

         "Aaaaaaaaaaaah!" Napa-upo nalang ako sa sahig at napasabunot sa sarili. Ginulo ko rin ang buhok ko dahil sa inis at sandamakmak na katanungang gumugulo sa isipan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, habang paulit-ulit na umaasang pagdilat ng mga mata ko ay maayos na ang lahat.

        Ni hindi ko pa nga alam kung paano ako napunta rito. Wala akong kahit katiting na ideya kung anong ginagawa ko rito. Gaano katagal na ba akong wala? Oras pa lang ba ang lumilipas? O umabot na ng araw? Baka nag-aalala na sila Kuya.

       Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa buhok ko, bago ako tuluyang bumuntong-hininga. Nag-inhale exhale rin muna ako ng paulit-ulit bago ko tuluyang idinilat ang mga mata ko. Napakunot naman ang noo ko nang tila nasilaw ako. Inantay ko munang makapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag, para matitigan kung mabuti kung anong nangyayari. Napa-awang naman agad ang bibig ko nang makita ang nasa harapan ko.

       Dahan-dahan akong napatayo. Sa tingin ko ay bakas na bakas ang pagkamangha at pagtataka sa aking mukha.

       Ang kaninang madilim kong kwarto ay napalitan ng isang maliwanag na paligid– hindi, para akong napunta sa ibang lugar. Kahit saang sulok ako tumingin ay puros liwanag at puti lamang ang nakikita ko.

       Tila naalerto naman ako bigla nang maramdaman ko ang pag-activate ng ability ko. Ano nanaman 'to? Ano ang nangyayari?

       Parang ginagapangan ng milyon-milyong boltahe ang katawan ko. Hindi ko maipaliwanag. Yayakapin ko sana ang sarili ko, pero hindi ko natuloy dahil naramdaman kong tila may kung anong ability ang lalabas mula sa mga kamay ko. Itinapat ko nalang ang mga ito sa kawalan at napasinghap nang makita ang pag-iba ng tila kulay puting mga pader sa harapan ko. Ang kaninang maliwanag at kulay puting pader ay napalitan ng iba't-ibang kulay at para itong mga buhay na trance, tapos ay may mga bumabalot na maliliit na kidlat dito.

       Brown, pula, berde, asul, lila, kulay abo, kulay itim at kulay ginto... Iyan ang walong kulay na tila sumasayaw sa aking harapan. Masakit na maganda sa mata. Hindi ko maipaliwanag.

       "Travel deep into your abilities, and find out the truth no matter what."

       Napakunot ako ng noo nang tila may marinig akong pamilyar na boses, para itong isang bubuyog na nag-iingay sa aking tainga: paulit-ulit.

       "Travel deep into your abilities, and find out the truth no matter what."

       Ngunit hindi lang iyon, para ring itinutulak ako nito upang lumapit sa nakakaakit na pagsasayaw ng mga kulay sa harapan ko. Animo'y nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko dahil nagulat nalang ako na nakatayo na ako ng sobrang lapit dito.

       "Travel deep into your abilities, and find out the truth no matter what."

       At nang muli kong marinig ang boses na iyon ay tila tuluyan na akong nahulog sa isang bitag. Hindi ko na magawang maglakad paatras. Para akong napunta sa isang daan kung saan tanging paglalakad lang paabante ang pwedeng gawin: walang mababalikan, walang urungan. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi umunahan na lang at harapin ang kung ano man ang nag-aantay sa akin dito?

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon