LIII - Alarmed

705 49 44
                                    

       "Bad news." Sabay kaming napatingin ni Arianne kanila kuya Yohan na kakarating lang. Nakasimangot siya at halata ang inis at pagod sa mukha niya.

        Umupo naman agad sa tabi ko si Kuya Hendrix, samantalang nanatiling nakatayo lang si kuya Yohan at kuya Jarvis sa harapan namin. Andito kasi kami ngayon nila Arianne at Xenon sa field para sa PE class namin.

       "Is it that bad of a news at napapunta pa kayo here? Diba you guys are busy helping for the preparations of Hillwood Day?" Nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang. Nakita ko ring tumango si kuya Jarvis sa tanong ni Arianne.

        "What is it?" Sunod na tanong ni Arianne. Bumuntong-hininga naman si kuya Hendrix sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

       "Dad just called, and he told us that Dana escaped." Rinig na rinig ko naman ang pagsinghap ni Arianne sa tabi ko, at napakunot na lang ang noo ko. Di ko rin maiwasang mapatingin kay Xenon na nakasandal lang sa puno sa tabi ng inuupuan naming bench. Nakapikit siya, pero alam kong nakikinig siya dahil nakakunot din ang noo ko.

       Kung ganoon, mukhang alam na ng Council. Ang inaasahan ko ay malalaman nila ng mas maaga, pero mabuti na rin 'yon na hindi agad nila nalaman.

       "Paano nangyari iyon?" Ako na lang ang nagtanong kahit alam ko naman ang sagot. Isa pa ay masyado pang gulat si Arianne para makapagsalita. Hindi ako dapat magpahalata na may alam ako. Pasensya na mga Kuya, sa ngayon ay kailangan ko munang ilihim ang ginawa namin. Mas makakabuti ito... sa ngayon.

       "Dana and the Council Guards were on their way to Council Central when they got ambushed. According to Dad, they're still looking for the people who helped her escape, but as of now they have no clues at all... because all of the Council Guards were found dead." Hindi ko alam kung masyado lang ba akong nagi-guilty sa ginawa ko at sa hindi pagsasabi kanila Kuya, kaya pakiramdam ko tuloy ay sa akin nakatingin si Kuya Yohan habang sinasabi ang mga salitang iyan. Napalunok na lang ako.

       "How and when did it happen?? Diba mamayang gabi pa lang nila ita-transfer si Dana sa Central?" Kahit hindi ako tumingin, alam na alam kong sobrang gulat na gulat ngayon si Arianne. Ako naman ay nanatili lang na tahimik at nakatingin lang sa kawalan.

       "It was just a decoy to make sure Dana won't be rescued by anyone. Sadly, Dana's accomplice still found out that she was being transferred at midnight, not tonight. Those fuckers!" Maging si Kuya Jarvis ay halatang naiinis base sa pagsagot niya kay Arianne, tapos ay napamura pa siya. Alam ko at ramdam kong hindi sila makapaniwala sa nangyari at mas lalong hindi nila ito matanggap.

       Lahat sila, alam kong galit na galit sila kay Dana. At ngayong nakatakas siya at nawawala, talagang mas lalong lalala ang mga galit nila. Mas lalo rin tuloy akong natatakot at kinakabahan. Paano kapag nalaman nilang ako ang may kagagawan no'n? Mayroon akong dahilan pero alam kong malalagot pa rin ako. Dahil kahit saang anggulong tingnan maling-mali ang ginawa namin... lalo pa at napatay namin ang mga Council Guards. Pinatay namin sila.

       "Oh my gosh! Does everyone knows now? Does Cassy girl knows?" Sumagot naman agad si Kuya Hendrix kaya napatingin ako sa kanya. Sumeryoso kasi bigla ang boses niya, at sa totoo lang ay nakakatakot ito.

       "No, and she mustn't know. If Cassandra finds out that the person she hates so much has just escaped, she'll only feel worse." Napatango naman kami ni Arianne sa tinuran ni Kuya.

       "And no one else should know, too. The Council doesn't want to inform anyone regarding what happened. Dad just told us because he wants all of us to be alert incase Dana makes a move." Dagdag naman ni kuya Yohan.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon