LX - The Battlefield

926 36 38
                                    

TW: Death, Sexual Assault

Hello po. Please proceed with caution while reading this chapter, this chapter has scenes that shows and mentions the tags above.

~ × ~

       Sa buhay, mayroon tayong mga bagay na ginagawa na hindi para sa atin, kundi para sa iba. Akala natin, ang mga bagay na iyon ang tama at siyang makakatulong sa kanila– hindi pala.

       Ngayon ang tanong: kung ginawa natin ang mga iyon para sa kanila, bakit walang magandang naidulot ang mga ito? Bakit sa huli, sa atin lang din ang balik ng bunga ng ating mga ginawa?

         At ang buhay 'no? Tila mayroon itong sariling paraan para laging ibalik sa atin ang lahat ng ginawa natin. Karma ba itong matatawag, o sadyang isang kasisising desisyon lamang?

         Ang sabi nila, mas ayos ang pagsisisihan ang mga bagay na ginawa natin... kesa sa mga bagay na hindi natin ginawa kahit alam nating kaya naman natin itong gawin. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong kumontra. Dahil tunay kong pinagsisisihan na pinatakas ko si Dana.

        Siguro kung hindi ko siya itinakas noong gabing iyon, hindi ito mangyayari. Siguro kung pinabayaan ko na lang siyang makulong sa Central, baka mas mabuti ang lagay niya– at ang lagay namin.

        Hindi sana kami nakagapos ngayon, at walang kalaban-laban na pinapanood na maging abo ang main building.

       "Don't you think that tying us up like this is way too cliché and boring?" Kahit nakayuko lang ako at hindi nakatingin kay kuya Yohan ay alam kong mukhang bored na bored siya habang sinasabi iyan. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. Ang gulo ng isipan ko.

       "You know Tita Dee, for the first time, I agree with this Yohan guy. You're my Aunt... but seriously? Let us free so we can fight." Rinig kong turan din ni Melissa.

       Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko upang hindi muna ako ma-distract sa mga pinagsasabi nila. Naghahalo-halo kasi ang lahat ng koneksyon nila sa akin, at mas lalo nitong ginugulo ang sistema ko. Kailangan ko ngayong umayos para makapag-pokus ako at mahanap ko ang koneksyon ko kay Anthony.

        Napalapit na ako sa kanya, kaya alam kong kahit papaano ay may kakapitan ako para maramdaman siya. Saka ko na po-problemahin kung paano kami makakawala rito, dahil alam ko rin namang kapag ginusto na nila Kuya ay kayang-kaya na nilang alisin ang lahat ng gapos na ito sa amin. Pakiramdam ko ay sinasakyan lang nila si Dana upang mas makapag-plano ng maayos at malaman ang binabalak nito. Sinasadya lang nilang magpatagal.

       Pero si Anthony at si Tita Aleece... Hindi ako pwedeng mabagal kumilos. Kailangan kong malaman kung anong kalagayan nila. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para matulungan si Arianne. Simula kanina, nang tumigil na siyang magpumiglas, ay hindi na rin siya umiimik. Sobrang tahimik niya, at nakatulala lang siya sa nasusunog na main building. Natatakot ako sa mga bagay na posibleng tumatakbo sa kanyang isipan. Dahil kung may taong may kapabilidad para patayin kaming lahat dito, siya iyon. Hindi mo gugustuhing saluhin ang galit ng isang nagliliyab na apoy, lalo na kung alam mong may bagyong handang suportahan siya, mapabuti lamang ang lagay niya.

       Isa pa, ayokong makita iyon. Ang katotohanan lamang na sobra ng nasasaktan si Cassandra ay masyado ng mabigat. Hindi ko gustong pati si Arianne ay masisira ng sobra dahil lang sa isang maling desisyong nagawa ko.

       "Anthony... Nasaan ka..." Isa-isa kong pinakiramdaman ang mga malalapit na koneksyon sa akin, at dahil sa ginagawa ko pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa katawan. Tunay na nakakapanghina ang bawat presensyang nararamdaman ko, napaka-dami nila.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon