IV - PE Class

3.4K 151 68
                                    


      Mabilis na lumipas ang araw. Halos lahat din ng subjects ko ay maagang nagpalabas ng klase at puros introduction lang ang nangyari. Hindi ko na inulit yung trick na ginawa ko sa History class namin noong tinanong kami sa ibang subjects kung ano ang ability namin dahil; una nakakapagod, ikalawa nakakatamad at ikatlo wala na ako sa mood na gawin ulit iyon.

      Katulad ng napag-usapan ay sabay kaming nagtanghalian ni Cassandra at laking tuwa ko nang malamang hindi sasabay kumain sa kanya ang mga pinsan niya. Pakiramdam ko ay sapat ng naipamalas nila kanina ang mga naggagandahang abilities nila. Hindi ko na nais pang makita ulit sila ngayong araw. Gaya gaya sila ng style of introduction, at hindi talaga ako maka move-on!

      Nang matapos ang lunch break ay nagtungo na din ako sa English subject ko kung saan kaklase ko si Cassandra. Mas naging kumportable ako dahil may kaibigan ako sa isang klase kaya hindi rin ako masyadong nabahala sa mga tinging tinatapon ng mga kaklase ko sa akin. Nang dumating naman ang sunod na klase ay muli akong nag-isa dahil iba ang subject ni Cassandra. Mabuti nalang at introduction lang din ang ginawa at pinalabas din kami kaagad.

      May halos isang oras pa bago ang huling klase ko ngayong araw, ang PE. Wala akong magawa kaya napag desisyunan ko nalang na magtungo sa library para magbasa-basa. Kakaonti lang ang estudyante pag pasok ko at lahat sila ay tutok sa kani-kanilang mga binabasa na siya namang ikinatuwa ko.

      Pakiramdam ko'y ito ang aking sunod na magiging paboritong tambayan bukod sa veranda sa dorm room namin. Napaka-peaceful ng ambiance dito at nakakakalma ng kalooban.

      Dumiretso ako sa History section ng library na nasa dulong bahagi. Sobrang naeexcite talaga ako sa History class namin. Ewan ko ba kung bakit.

       Agad akong naghanap ng mababasang libro. Ang dami daming libro dito, karamihan ay tungkol sa history ng bayan na ito, may mangilan ngilan din tungkol sa history ng ilan sa mga kilalang pamilya dito at ilang libro tungkol sa mga bagay na hindi ko pa alam.

      "Ay! Sorry!" Agad akong humingi ng pasensya sa kung sino mang naapakan ko. Tuloy tuloy lang kasi ang paglalakad ko ng paatras habang sinusuri ang mga libro at hindi ko namalayang may tao pala sa likod ko. Humarap ako sa kanya para muling humingi ng pasensya.

      "Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Nakayuko kong tugon. Nakakahiya. Hindi kasi ako tumitingin sa daanan! Ano ba yan Aria!

      "It's okay." Boses ng lalaki ang sumagot. Agad na napa-angat ang aking ulo upang makita kung sino ang nasa harap ko. Medyo pamilyar kasi ang boses niya.

      Saan ko nga ba narinig yung boses niya?

      Ah tama— Siya yung nakaharang kanina sa daanan noong papunta ako sa unang klase ko.

      "Pasensya na talaga." Muli akong humingi ng paumanhin na tinanguan niya lamang at binaling na niya ang atensyon niya sa mga librong nakalagay sa shelves. Ganoon nalang din ang ginawa ko at dumistansya na ako ng kaonti sa kanya. Baka kasi mamaya ay maapakan ko nanaman siya ng hindi sinasadya.

      Habang naghahanap ako ng librong mababasa ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa lalaking naapakan ko kanina. Seryoso ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang noo na tila ba may hinahanap siyang libro pero nahihirapan siyang makita ito. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpokus nalang sa mga libro. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko dapat siya pakialaman.

      Napukaw ng atensyon ko ang isang librong makapal na leather ang cover. May nakasulat sa gitna ng cover na initials na kulay gold.

      "A.M" Basa ko sa nakasulat. Tungkol saang history kaya ang libro na 'to?

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon