XLIII - She's Mine

900 54 15
                                    

To Julianne (You4hia), happy birthday!

× × ×

      "I'm here to get you, my daughter."

       Isang mahabang katahimikan ang namayani sa'min. Ano raw ang sabi ni Dana?

       Daughter?

       Paano naman nito naging anak ang pinsan ko? Anong pinagsasasabi niya?

      "What nonsense are you saying Dana?" Si Mommy na ang pumutol sa katahimikan.

       "Cassandra is my daughter." Iyon lang ang tanging isinagot niya habang hindi pa inaalis ang tingin kay Cass, na ngayon ay tulala lang sa kanya at naka-awang ang bibig.

       Nagtinginan kami ni Arianne, ang mga mata namin ay tila nag-uusap. Tinatanong namin ang isa't-isa kung totoo ba itong nangyayari o isang panaginip lang.

       "She's not your daughter, Dana. She's my niece, my sister's daughter. Maybe you're mistaken." Ani Dad sa isang mahinang boses, mababakas ang inis dito.

       "If you're just here to ruin this event, then lea–" Hindi na naituloy ni kuya Yohan ang nais niyang sabihin nang magsalita si Dana. Nilingon niya si Tito Stephen na tahimik at gulat na nanonood sa nangyayari. "Why don't you tell them the truth Mr. Austria?"

       Napakunot naman ang noo ko nang mapansin ang panandaliang pagbabago ng ekspresyon niya. Napalunok siya at napa-iwas ng tingin kay Dana.

       "Dad? What is she talking about?" Napapikit at napakagat nalang ako sa ibabang parte ng labi ko nang marinig ko ang pagkabasag ng boses ni Cassandra. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakatingin din siya sa Daddy niya, mga mata'y tila nangungusap, nagtatanong at naguguluhan.

       Ano ba itong nangyayari? Parang kanina lang ay pinapaalis namin sila Dana... tapos ngayon sasabihin niyang anak niya si Cassandra? Paano? Anong nangyari? Isa ba tong joke?

       "Stephen what is happening here?" Kalmado pa ang pagkakatanong ni Daddy pero ramdam na ramdam kong malapit ng maubos ang pasensya niya.

       "Did you cheat on Nichole?" Tanong ni Mommy. Agad namang umiling si Tito Stephen sa kanya.

       "Tell them Stephen." Singit ni Mallory na mukhang naiinip na kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin. Hindi ba niya nakikita ang nangyayari dito? Bakit ganyan pa siya umasta?

       Tsk.

       "My daughter deserves to know the truth." Dagdag naman ni Dana kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. My daughter... talagang inaangkin niyang anak ang pinsan ko.

       Napansin ko ang pagtitigan ni Dana at Tito Stephen. Parang nag-uusap sila sa mga titig nila. Tila nagmamaka-awa ang mga tingin ni Tito, na parang hinihiling niyang huwag itong gawin ni Dana.

       Sa mga kinikilos niya... sinasabi niya na rin sa aming totoo ang mga lumabas sa bibig ni Dana.

       Ngunit kung hindi naman nagloko si Tito kay Tita Nichole, at anak nga ni Dana si Cassandra... ibig ba nitong sabihin ay...

       "Cassandra is adopted."

       Sunod-sunod na pagsinghap ang narinig ko. Kitang-kita ko rin kung paano napa-awang ang bibig, at nanlaki ang mga mata ng mga taong naririto– nila Mommy at Daddy, nila Tito Jace, ng mga kapatid ko, at ng mga magulang ni Arianne.

       Dahil sa nakikita kong reaksyon nila kuya, ibig sabihin ba ay hindi rin nila alam ito? Paano sila Daddy? Mukhang wala rin silang ideya.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon