XXXI - This Time Is Ours

1.2K 73 19
                                    

      Bakit gano'n yung panaginip ko? Ba't napanaginipan ko ang pangyayaring iyon? Tapos, may kasunod pang panaginip, yung kasama sina kuya Hendrix at kuya Travis... Pero hindi ko na masyadong maalala ang nangyari. Ang tanging alam ko lang ay parang masyadong makatotohanan ang panaginip kong iyon. Parang ramdam na ramdam ko pa rin.

       Bumaba nalang ako sa higaan ni kuya Yohan at inayos ito. Dumiretso ako sa may bintana at tumingin sa labas. Mag-gagabi na. Napahaba pala masyado ang tulog ko.

      Tatalikod na sana ako para lumabas na ng kwarto, pero nahagip ng paningin ko ang dalawang taong nag-uusap sa labas. Binuksan ko ang bintana para mas matingnan ng mabuti ang dalawa. Ang bintana kasi ng kwarto ni kuya Yohan ay nakaharap sa may field. Wala ng tao sa field bukod sa dalawa kaya agad ko silang nakita.

      Close ba sila Cassandra at Raven? Anong pinag-uusapan nila?

      Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa sa buong oras na nag-uusap sila. Ewan ko ba, ayaw maalis ng tingin ko sa kanila kahit wala naman akong alam kung anong pinag-uusapan nila. Napakunot naman ang noo ko nang makitang tumalikod na si Cass kay Raven at nagsimula ng maglakad paalis doon. Pero agad din siyang huminto sandali at lumingon kay Raven. Nagtitigan lang sila ng matagal tapos ay umalis na ng tuluyan si Cass. Si Raven naman ay nakatingin lang sa kanya, tila pinapanood si Cassandra na makalayo ng tuluyan sa kanya.

      "Oh Sunshine! Gising ka na pala!" Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito, at ang masiglang boses ni kuya Hendrix. Nginitian ko naman siya.

      "Kakagising ko lang din Kuya." Tiningnan ko siya sa mata, mukha naman siyang masaya at walang pinoproblema. Kung ganoon ay panaginip ko lang talaga iyong kanina.

      Tama. Panaginip lang iyon. Imposible namang nagawa ko talaga ang ginawa ko sa panaginip? Nasira ko raw kasi ang ginawang trance ni kuya Travis sa panaginip ko, tapos yung kulay ng mga mata ko... Ah basta!

      "Okay ka lang Sunshine?" Halata ang pag-aalala at pagtataka sa tono ng boses ni kuya. Tumango naman ako at ngumiti, pilit na inalis na sa isip ko ang kakaibang panaginip na iyon.

      "Oo naman kuya. Tara, labas na tayo." Pag-aaya ko kay kuya Hendrix. Agad din naman siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa may paanan ng kama ni kuya Yohan. Bago ko siya lapitan ay pasimple muna akong tumingin ulit sa labas ng bintana. Nang makita kong wala na rin doon si Raven ay nagsimula na rin akong maglakad palabas ng silid.

      Ikinawit ko naman ang kamay ko sa braso ni kuya Hendrix habang naglalakad. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, lalo na ng nagsimulang mag-hum si kuya ng isang chill na tono. Ewan ko ba, kapag kasama ko si kuya Hendrix parang kusa nalang na gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala lahat ng iniisip ko. Sobra akong narerelax sa presensya niya.

      Walang tao sa may sala ng dorm nila, kaya sa may kusina kami dumiretso. Hindi na ako nagulat nang makitang naka-upo ang tatlo kong kuya sa may stool at kumakain ng chips.

      "Baby A, gusto mo?" Tanong ni kuya Travis nang makalapit kami sa kanila. Umupo rin ako sa katabing stool niya at umiling.

      "Haba mo naman matulog, nagpuyat ka ba kagabi?" Tanong niya.

      "Hindi naman. Napasarap lang siguro tulog ko." Iyon nalang ang sagot ko. Maging ako rin kasi ay walang ideya kung bakit ang haba ng tulog ko. Alam kong pagod at antok ako pero parang sobrang haba talaga ng tulog ko? Kung pwede lang ngang matulog pa ay sana di pa ako babangon. Pakiramdam ko kasi ay sobrang pagod ang katawan ko.

      "Nasaan pala si Dad?" Tanong ko at isa-isang tiningnan ang mga kapatid ko na abalang kumakain ng chips.

      "Out to meet someone baby A," iyon ang sinagot ni kuya Yohan tapos ay nagstretching siya at tumayo. Mukhang ayaw na niya ng chips. Tumango nalang ako sa sagot niya. Hindi ko naman maiwasang mapa-iling nang makita sina kuya Hendrix at kuya Jarvis na naglalaro ng rock-paper-scissors para sa natitirang piraso ng chip. Ano bang ginagawa nitong mga kapatid ko?

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon