XVIII - In The Hands Of The Montecillos

1.7K 115 25
                                    

      "Are you ready to go?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakatayo siya sa may gilid ko at nakapamulsa. Tumango naman ako.

      "Are you sure?" Paninigurado ni Yohan kaya muli akong tumango.

      Tumayo na rin ako mula sa pagkaka-luhod. Agad ko ring pinalis ang tumulong luha mula sa mga mata ko.  Mula sa araw na ito, kailangan ko ng mas magpakatatag.

      Bago ako tuluyang maglakad palayo ay muli kong pinasadahan ng tingin ang pinaglibingan namin kay Mama.

       "Paalam, Mama. Mahal na mahal po kita." Bulong ko sa sarili ko. Umaasa akong maririnig ito ni Mama.

      Walang nagsalita sa amin ni Yohan. At ayos lang iyon sa'kin. Wala rin kasi akong ganang makipag-usap ngayon. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad kami papunta sa may baba ng hill. Kitang-kita kong nag-aantay sa baba, sa labas ng sasakyan, ang mga kapatid ni Yohan, si Cassandra at Arianne, pati na rin sila Tito Nick at Tita Scarlett.

      Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko lang. Pang-ilan na ba ito? Hindi ko na alam, hindi ko na rin mabilang.

      Naramdaman kong nagbabadya nanamang pumatak ang mga luha ko kaya tumingin nalang ako sa tass, para hindi ito tuluyang lumabas.

      Tingnan mo nga naman, mukhang pati ang kalangitan ay nakikiramay sa akin. Makulimlim ang langit, mukhang anumang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan.

      Ngayon ang araw na ililibing namin si Mama. Apat na araw mula nang namatay siya. Ako ang nagdesisyon na ngayon namin gawin, dahil hindi ko na kaya pang makita ang walang buhay na si Mama. Pinapa-alala nito sa'kin lahat ng mga alaala namin.

      Alam kong hindi dapat kalimutan ang mga alaalang iyon, at hindi ko naman iyon gagawin... Lalo pa at tanging mga alaala nalang naming dalawa ang mayroon ako. Ngunit sa ngayon, ang mga magagandang alaalang iyon ay nagdadala sa'kin ng sakit. Hindi ko pa rin matanggap na isang araw, nagising na lang akong wala na siya.

      "Aria, I'm sorry about what happened." Agad akong niyakap ni Arianne pagdating namin ni Yohan sa kinaroroonan nila. Sinuklian ko naman ang yakap niya, at pasimple kong pinunasan ang tumakas na luha mula sa mata ko. Kailangan kong magpakatatag.

      "Let's go?" Napalingon kami pareho ni Arianne sa magandang babaeng nagsalita sa gilid namin, si Tita Scarlett. Tinanguan ko naman siya at binigyan ng isang matipid na ngiti.

      Nitong mga nakaraang araw, naging sobrang maalaga sa'kin ang Mommy nila Yohan. Nagpapasalamat ako sa kanya, pero hindi ko maiwasang mailang. Sa tuwing tinatrato niya ako ng mabuti, hindi ko maiwasang makita sa kanya ang Mama ko. Alam kong mali iyon, at alam kong ang unfair no'n sa parte niya lalo pa at tinutulungan niya lang naman ako, pero anong magagawa ko?

      Iginaya ako ni Hendrix papasok ng sasakyan nila. Nakita kong sumakay na rin sa kanilang sasakyan ang magulang nila. Sa tabi ng bintana, sa likod ng driver's seat ako umupo. Tumabi naman sa akin si Hendrix, at binigyan niya ako ng ngiti.

      Bakit ganito? Bakit kahit nakangiti siya ay alam kong nakakaramdam siya ng awa para sa'kin? Dahil ba sa maging ako ay naaawa rin sa sarili ko?

      Ayoko ng ganito. Ayoko ng kaawaan ako. Mas lalo nitong pinaparamdam sa akin na wala na sa tabi ko ang Mama ko. Wala na talaga siya.

      Isinandal ko nalang ulo ko sa bintana, at hinayaan kong mahulog ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko para matakpan ito. Maya-maya lang ay nagsimula ng umandar ang sasakyan papalabas ng Hillwood Memorial Palace.

      Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga bulaklak na nadadaanan namin sa tabi ng daan. Mahilig si Mama sa mga bulaklak.

      Napapikit nalang ako ng mata nang maramdaman kong papatulo nanaman ang mga luha ko. Akalain mong may mailuluha pa pala ako? Akala ko'y naubos na ito sa kakaiyak ko nang mga nakaraang araw.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon