XLVII - Vivienne

855 43 9
                                    

       "If Hillwood Day will take place at Montecillo Academy, then that means there will be a lot of tasks waiting for the Student Council." Tinitingnan ko lamang si Cassandra na napapatango-tango at tila nag-iisip ng mga magiging trabaho niya bilang parte ng Student Council nitong paaralan.

       Napapakagat nalang ako sa ibabang parte ng labi ko at pinipigilan ang sariling huwag magbuntong-hininga. Kanina pa gumugulo sa isipan ko ang mga kinikilos ni Cass. Mula kaninang umaga, simula paggising niya, ay sobrang iba ang mga galaw niya. Ang saya niya at tila maraming energy para sa araw na ito. Wala rin siyang kahit anong binanggit tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw... at hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong mag-aalala.

       "Expect a lot of work, yes. You might even have to work side by side with the coordinator team that your Father formed for this event." Isa pang bumabagabag sa akin ay parang wala lang din kanila kuya Yohan ang nangyayari. Kung umarte rin sila ay parang normal lang ang lahat, na parang walang naging kahit ano rebelasyon sa nakaraang dalawang araw.

       Nais kong isipin na ito ang paraan ni Cassandra para lagpasan ang lahat, pero hindi ko talaga magawang mapanatag.

       Tinanggal ko nalang ang tingin ko kay Cass at binaling nalang ito sa pagkaing nasa harapan ko. Pumasok kami ng Academy ngayon at lunch time naman kaya dito namin naisipang tumambay sa cafeteria. Tahimik lang na nag-uusap si kuya Jarvis at kuya Hendrix na parang may sarili silang mundo, samantalang tungkol naman sa Hillwood Day ang pinag-uusapan nila kuya Yohan at Cass. Katulad ko naman ay tahimik lang din si kuya Travis.

       Hindi ko alam kung ano ba 'tong parang gumugulo sa loob ko, pero sadyang hindi ata ako mapakali. Maging maliliit na bagay ay gusto kong bigyang kahulugan. Katulad ng kung paanong mas tahimik pa sa normal na kinagisnan ang katahimikan ni kuya Travis- na para bang pareho kaming ayaw magsalita at nais lang makinig at makiramdam sa nangyayari.

       "I should inform my co-officers about this then. I'll also ask Dad about what they've already planned too so that the Student Council can give the right help and assistance." Hindi ko na kailangang tumingin para malamang napatango si kuya Yohan sa sinabi ni Cass, nararamdaman ko naman kasi ito.

       "The festivity is just nine days from now... I wonder why we weren't informed earlier. Dad just told me about it this morning too. He said it was an order from The Council to change the venue." Pansin ko ang pagtataka sa tono ng pananalita ni kuya Yohan. Hindi ko mawari kung bakit pero hinayaan ko na lang dahil parang nanikip bigla ang dibdib ko.

       Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukang huminga ng malalim. Pinanatili ko lang ding nakayuko ang ulo ko para hindi mapansin ng mga kapatid ko ang nangyayari. Ayoko namang mag-alala sila. Baka kasi mamaya ay dala lang ito ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko, mga bagay na hindi ko maipaliwag.

       "Montecillo Academy's grounds are way bigger compared to the open space where we used to hold Hillwood Day. Perhaps that's the reason why the Council interfered with the venue, you said they're the ones who wants a big event this year after all."

        "It still doesn't make sense, no matter how much I think about it."

       "The Council always doesn't make sense Yohan, what's new?"

       Itinuloy ko lang ang paghinga ng malalim habang patuloy pa rin na nakikinig sa usapan nila Cass at kuya. Sa una akala ko ay ume-epekto naman ang ginagawa ko, pero patagal ng patagal ay tila mas lalo akong nahihirapang huminga. Hindi ko na makayanan kaya tumayo nalang ako bigla, dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga kapatid ko at ng best friend ko.

       "Excuse me, pupunta lang ako sa restroom." Iyon nalang ang inirason ko bilang sagot sa nagtatanong nilang mga tingin. Nagawa ko rin ngumiti ng bahagya bago ako tumalikod at naglakad palayo sa mesa namin, palabas sa cafeteria.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon