LI - Rumors

741 42 12
                                    

        Akala ko may pakpak lang ang balita. Hindi ko akalaing may iba't-ibang adaptation din pala ito. Biro mo, ang bilis magkaroon ng dagdag at bawas, depende sa kung kaninong tao mo ito maririnig.

       Napapa-iling nalang ako habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato ko. Sobrang nakaka-walang gana.

        Lunes na ngayon, at kahit dalawang araw na ang lumipas simula no'ng nag-away si Victoria at Cassandra, ay hindi pa rin maka-move on ang mga tao dito. Naiirita na ako na puros si Cassandra nalang ang pinag-uusapan nila. Merong kumakampi sa kanya, at meron namang naninira. Hati sa dalawang panig ang mga tsismosa at tsismoso sa paaralang 'to.

       Ano bang alam nila? Masyado silang nagpapaniwala sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa best friend ko. Ni wala nga silang nakuhang kahit katiting na tama sa mga nangyayari. Wala silang alam pero kung makapag salita sila, akala mo ay nangyari ang lahat sa harapan nila.

       Gustong-gusto ko na silang patulan, pero mahigpit na pinagbawal nila Daddy at Tito Stephen ang pagbibitaw ng kahit anong impormasyon tungkol kay Cassandra. Bumuntong hininga nalang ako at binitawan ang kutsara. Balak kong tumayo nalang at umalis ng cafeteria, dahil nawalan na rin naman ako ng gana kumain ng tanghalian.

        "Look who's alone." Inaayos ko ang pinagkainan ko nang maramdaman kong umupo si Victoria sa harapan ko. Hindi ko nalang siya tinapunan ng tingin at ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

       "Is Cassandra here? I don't see her around." Nakikita naman niyang wala rito yung tao nagtatanong pa siya. May pagka-ewan din itong si Victoria.

       Tsk.

       "Maybe the rumors are true. Maybe she really did go to her real father. I heard her real father is a thief. Baka kaya ibinalik na siya ni Mr. Austria sa real parents dahil galing siya sa pamilya ng criminals." Natigilan naman ako sa tinuran ni Victoria, at narinig ko ring nagtawanan ang ilan sa mga estudyanteng nakarinig malapit sa amin.

       Talagang ganitong mga tsismis ang pinag papasa-pasahan nila? Saang basura naman nila napulot ang mga 'yan? Ni hindi nga namin alam kung sino ang Tatay ni Cass. At isa pa, bakit ibabalik ni Tito Stephen si Cassandra? Ni ayaw nga niyang palapitin man lang si Dana, o kahit sino sa mga Pierce, sa best friend ko.

        Tumayo nalang ako para makalayo na ako kay Victoria, pero bago ako umalis ay tiningnan ko muna siya ng diretso sa mata. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay, akala niya siguro ay madadala niya ako sa ganyan. Ngumisi na lang ako at agad kong napansin ang sandaliang pagkagulat sa mukha niya.

       "Victoria, kaya nga rumors diba? Kasi walang katotohanan." Kumunot lang ang noo niya kaya napa-iling nalang ako. Naramdaman ko ring napa-iwas ng tingin ang ilan sa mga nakikinig at nanonood sa amin kaya lihim akong napangiti.

       Sana naman mag-isip din sila.

       Hindi ko na rin inantay na magsalita si Victoria, at tumalikod na lang ako. Pero bago ako tuluyang makalayo ay muli ko siyang binalingan ng tingin.

       "Oo nga pala Victoria, may nakalimutan akong sabihin." Umirap naman siya sa akin bago sumagot. "What?"

        "Ang tsismis ay galing sa mga taong insecure at inggit. Ang magkalat no'n ay uto-uto, at ang maniwala ay tanga. Ikaw na lang ang bahalang magdesisyon kung alin ka sa tatlo. Pwede mo ring angkinin lahat, tutal masyado ka namang concerned sa buhay ni Cassandra, diba?" Kitang-kita ko naman ang pag-awang ng bibig niya sa tinuran ko kaya napangiti na lang ako ng malapad bago ko siya tuluyang iwan.

       "Aria!" Narinig ko pa ang nanggagalaiti niyang tawag sa akin, pero hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad palabas ng cafeteria. Ramdam na ramdam ko ring gusto niya na akong pagsalitaan ng kung ano-ano, ngunit mukhang hindi niya magawa dahil sa rami ng taong nakatingin sa amin.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon