XXX - Or A Beautiful Nightmare

1.3K 74 34
                                    

      "Are you okay A girl?" Nilingon ko si Arianne at nginitian. May halong pag-aalala at pagtataka sa kanyang mukha.

      "Ayos lang ako." Sagot ko habang hinihilot ang sentido ko. Ang sakit kasi ng ulo ko. Baka dahil pagod lang ako, at inaantok. Tapos ay parang inubos pa nung exams ang energy ko.

      "Are you sure?" Singit ni Cassandra habang inihahanda niya ang hapagkainan. Tumango naman ako.

      Andito kami sa dorm nila kuya Yohan. Lunch time na at kakatapos lang ng exams. Ayon sa kanila ay ayaw daw nilang sa cafeteria kumain dahil sobrang daming tao. Wala na raw kasi sila sa mood makipag-'socialize' dahil napagod daw sila sa exams. Ayos lang naman iyon sa'kin kaya pumayag na rin ako. At isa pa ay gusto raw nila kuyang magluto, kaya hinayaan na namin. Naeexcite rin ako kung anong lulutuin nila. Sa tingin ko kasi masarap magluto ang mga kapatid ko.

      Kanina pa sila sa loob ng kusina at hindi pa sila tapos. Kaya baka dumadagdag na rin ang gutom sa sakit ng ulo ko. Mabuti nalang ay wala ng pasok mamaya.

      Policy dito sa Montecillo Academy na palaging half day lang ang exam. Para raw sa hapon ay nakaka-pagpahinga rin ang mga students. Kaya naman sobrang natutuwa ako dahil pagkatapos kumain ay makakatulog muna ako.

      Hindi na rin kasi ako muling nakatulog pa kanina. Hanggang mag-alas syete ng umaga ay naka-upo lang ako sa lawa, habang si Xenon ay masarap lang ang tulog. Kung wala lang kaming exam ay hindi ko pa sana siya gigisingin. Lalo pa't mukhang ang sarap ng tulog niya. Naaawa pa rin ako kasi nakita ko kung gaano siya kalungkot. Kahit nakangiti na siya paggising niya ay nababagabag pa rin ako. Inaya ko rin siyang kumain kasama namin, dahil dito naman sa dorm at wala namang ibang makakakita. Pero sabi niya ay lalabas siya ng Academy para umuwi muna sandali sa kanila. Ramdam kong gusto niyang makasama si Tito Jace kaya hinayaan ko nalang siya. Baka sa ganoong paraan ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. At isa pa ay sigurado akong nalulungkot din ngayon si Tito. Kailangan niya rin sa tabi niya si Xenon. Silang mag-ama ang dapat na nasa tabi ng isa't isa dahil araw ngayon ng pagkamatay ni Tita Xierra.

      "I can't wait for this week to be over." Natawa naman ako nang marinig ko ang biglang pagrereklamo ni Arianne. Bumuntong hininga siya at ibinagsak ang ulo niya sa mesa. Maging si Cass ay natawa sa kanya. Mukhang hindi lang ako ang nastress sa exams.

     "Bakit naman? Hindi mo pa nga natitikman 'tong luto ko." Napataas naman ang isang kilay ko at agad akong napalingon kay kuya Jarvis na kakalabas palang ng kusina. May hawak siyang isang malaking mangkok. Nagkatinginan kami at mukhang napagtanto niya kung ano ang sinabi niya, kaya agad niya ring iniwas ang tingin niya. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang isang nahihiyang ngiti na sumilay sa kanyang labi.

      Ano kayang nangyari sa dalawang ito no'ng sinamahan niya si Arianne sa Town Center?

      "What is it Jarv?" Napakagat naman ako sa labi ko, para pigilan ang sarili kong mapangiti. Mukhang hindi narinig nila Cass ang sinabi ni kuya Jarvis. Nakakatuwa pala 'tong upgraded level ng enhanced senses ko. Naririnig ko ang mga bagay na hindi naririnig ng malinaw nila Arianne.

      Napakamot naman si kuya Jarvis sa likod ng ulo niya at nahihiyang umiling. "Sabi ko, kain na tayo." Aniya at inilapag na ang hawak niya sa mesa. Tumango-tango nalang si Cass at umayos na rin ng upo si Arianne.

      Sunod-sunod na ring pumasok sina kuya Hendrix na may mga dala ring plato. Wow! Ang dami naman nilang niluto? Mauubos ba namin lahat yan? Pero mukhang masarap...

      Pare-pareho naman kami nila Cass at Arianne na napa-awang ang bibig nang makita namin kung ano ano ang mga dala nila.

      "Hotdog..."

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon