XXVII - A Friend

1.5K 78 17
                                    

      "That's all for today. Make sure to review your notes and get ready for tomorrow's long quiz." Pagkatapos sabihin iyon ni Sir Andrew ay kinuha na niya ang bag niya at lumabas na ng room, mukhang nagmamadali.

      Nitong mga nakaraang araw, tuwing matatapos ang History Class namin, ay laging parang nagmamadali si Sir lumabas. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang laging malalim ang iniisip niya.

      Nagkibit-balikat nalang ako at inayos na ang gamit ko. Puros aral din kasi ang pinagkaka-abalahan ko ng mga nakalipas na araw. Exam week na next week, at dahil marami akong naging absent, marami rin akong kailangang habulin na lessons. Mabuti na nga lang at tinutulungan ako nina Arianne at Cassandra mag-aral. Kaya naman mula noong Lunes hanggang kagabi, sa dorm na laging nakakatulog si Arianne.

      "Pst baby A." Napalingon ako kay kuya Travis nang marinig ko ang mahinang pagtawag niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. Nakakalimutan niya atang hindi namin pwedeng hayaan na malaman ng iba na ako si Alexandria.

      Oo nga't alam na iyon ng kung sino mang balak pumatay sa akin. At ganoon lang muna dapat. Ang sabi ni Daddy ay hindi muna ito pwedeng lumabas sa publiko, dahil hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari. At baka raw mas mahirapan silang hulihin ang tao sa likod ng pagkamatay ni Mama, at pagdukot sa akin. Lalo pa at hindi ito nag-iiwas ng bakas.

      "Sama ka sa dorm. Movie marathon." Ngiting-ngiti na yaya ni kuya Jarvis. Sinimangutan ko naman siya.

      "Hindi pwede. May klase pa ako, at hindi ako magka-cutting." Napa-iling iling naman sa'kin si kuya Jarvis at bahagyang ngumiti.

      "Wala ng klase buong araw. Tingnan mo maya-maya lang i-aannounce nila 'yon." Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Anong walang klase? Huwebes palang ngayon. Wala namang nasabing occasion ngayon sa school?

      "Dad told us earlier that they'll have a meeting. Kasama doon lahat ng teachers at admins ng school. It will also take time, so it will surely last until the afternoon." Paliwanag ni kuya Travis habang pinaglalaruan ang isang butterfly knife sa kamay niya. Bakit ba 'to may hawak na kutsilyo? Iba tuloy ang tinging tinatapon sa kanya ng mga kaklase naming hindi pa nakakalabas ng room.

      Sasagot na sana ako sa sinabi nila, pero hindi ko na naituloy dahil tumunog ang speaker ng school.

      "Announcement to all Montecillo Academy's Student. Classes are canceled for the whole day. Feel free to roam around the school grounds. But anyone who leaves the premises, without any permission, will result to a disciplinary punishment. Have a good day." Ilang beses iyong inulit-ulit ng nag-announce.

     Narinig ko pa ang ilan kong classmates na napa-YEHEY at napasigaw nang matapos ang announcement. Napanguso nalang ako at nilingon muli ang dalawang kuya ko na ngiting-ngiti lang na nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat pa sila.

      Perks ba iyon ng pagiging anak ng School Director? Nauunang nakaka-alam sa mga mangyayari.

     Tumayo nalang ako para lumabas na ng room. Ganoon din ang ginawa nila kuya Travis.

     "Ano, tara na?" Bakas ang excitement sa boses ni kuya Travis. Ganoon ba siya ka-excited manood ng movies?

      "Dadaan muna ako ng dorm. Para iwan 'tong gamit ko, tapos isasama ko nalang sina Arianne at Cassandra." Agad namang lumingon sa'kin si kuya Jarvis pagka banggit ko ng pangalan ni Arianne. Binigyan ko siya ng isang nang-aasar na ngiti, at pinagtaasan siya ng isang kilay. Ano bang tinitingin tingin niya?

      "Hindi pwede si Arianne. Aalis kami." Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Lumapad ang ngiti ko.

      Sasagot na sana ako sa kanya, pero inunahan niya na ako.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon