LV - Before The Storm

713 46 10
                                    

       "Pretty ate!" Muntik na akong mapasigaw nang agad akong niyakap ni Anthony. Medyo nabigla rin ako sa pwersa niya dahil galing siya sa pagtakbo at biglaan lang ang pagsulpot niya sa harapan ko. Mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko, dahil kung sakali ay nakakahiya.

        Yumuko ako para tingnan siya. Nakayakap siya sa may bewang ko habang tumatawa ng mahina, kaya napangiti na lang din ako. Ginulo ko rin ang buhok niya at ewan ko kung anong meron, pero mas lalo siyang natawa. Ang cute cute naman talaga ng batang ito.

       "Hello, Anthony."

       "Hi, hihi" Narinig kong maging sila Kuya sa likod ko ay natawa sa mahinang bungisngis ni Anthony. Mukhang narinig din ni iyon nitong cute na batang ito dahil agad siyang humiwalay sa pagkakayakap sa bewang ko. Sumilip siya sa likod ko at nanlaki ang mata niya nang makita ang apat kong Kuya na nakatingin sa kanya. Dahil doon ay agad niyang itinagong muli ang mukha niya, at muling yumakap sa akin. Napapa-iling na lang ako.

       "Anthony! What did I say about running?" Pare-pareho naman kaming natigilan sa pagtawa at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

        Agad na nanlaki ang mata ni Arianne at muling napatakbo papunta sa kung saan nang makita kami. Narinig kong natawa sila Kuya at sinimulang asarin si Kuya Jarvis kaya natawa rin ako.

       "Ate! What did Mommy say about running around in the house without proper clothes?!" Parang sobrang problemado si Anthony nang isinigaw niya iyon kaya mas lalo kaming natawa.

       Paano kasi ay naka-suot lang si Arianne ng isang bathrobe at ang buhok niya ay nakapusod lang, at hindi ito ganoon kaayos. Messy bun, kumbaga. Hindi niya siguro inaasahang darating kami agad.

       "My Ate is such a headache, tsk." Ani Anthony habang iniiling-iling ang kanyang ulo, na animo'y sobrang inuubos ni Arianne ang pasensya niya. Napahawak pa siya sa sentido niya at tila minasahe ito kaya napangiti na lang ako. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil agad na siyang lumingon muli sa akin at ngumiti.

        "Let's go Pretty Ate!" Hinawakan na agad niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan, kaya nagpatianod na lang ako. Ramdam ko ring sumunod sa amin sila Kuya.

       Hindi ko alam yung mga dinaanan namin dahil unang beses kong makapunta rito, kaya sumunod na lang ako. Hindi rin naman nagtagal ay huminto na kami at napa-awang na lang ang bibig ko.

       Mula rito sa kinakatayuan ko ay kitang-kita ko ang magandang garden nila Arianne. Agaw pansin ang fountain dito, pati na rin ang gazebo. Binitawan ni Anthony ang kamay ko at agad siyang tumakbo papunta sa tabi ng pool at gazebo kaya napatingin lang ako sa kanya. Nakakatuwang makita na sobra siyang nasasabik.

       "Ate Pretty, let's go! Let's play here." Nagpalitan muna kami ng tingin nila kuya bago namin mapagdesisyunang sumunod. Medyo tumataas na ang sikat ng araw, pero mabuti na lang ay hindi ito masakit sa balat. Mahangin din kaya hindi ramdam ang init.

       "Wag kang tatakbo ulit ng ganoon ha? Baka mamaya madapa ka, sige ka." Iyon agad ang sinabi ko kay Anthony nang marating namin ang gazebo kung saan siya naka-upo, tumango-tango naman siya at ngumiti. Umupo na lang ako sa tabi niya.

       "Where are your parents?" Umupo si kuya Hendrix sa tabi ko at tumingin kay Anthony. Napansin kong umupo rin si kuya Travis sa kanan ni Anthony at sa harap naman namin sila kuya Yohan at kuya Jarvis.

       "Dad left to have some last-minute preparations, and Mommy is probably on her way here from the kitchen." Sagot niya at ngumuso pa kaya ginulo ni kuya Hendrix ang buhok niya. Sinamaan naman ni Anthony ng tingin si Kuya kaya natawa kami.

Alexandria MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon