Bwesit! Kung kailan malapit na kaming manalo? Doon pa nagsidatingan ang mga tarantadong yun... Kunti-kunti nalang talaga mananalo na kami e! Kung hindi lang sila dumating.
" Ayusin mo nga yang mukha mo, Kris. Baka isipin pa sa mga nakakita sa atin.. inaaway ka namin. " sabi ni Sam sa akin.
" Kalimutan mo nalang kasi yun... Makakabawi din tayo sa kanila. " sabi naman ni Nuel sa akin sabay akbay sa balikat ko.
Inis ko naman inalis yung pagkakaakbay niya sa akin.. sabay tingin sa kanya ng masama. Kung makaakbay kasi akala mo hindi mabigat yung kamay niya.
" Tumahimik nga kayo.. kung ayaw niyong sa inyo ko ibuhos yung galit ko!? " pagbabanta ko sa kanilang dalawa.
Napahinto naman sila sa sinabi ko. At napatingin sa akin. Napansin ko din yung sunod-sunod nilang pagkalunok, na akala mo naman may gagawin talaga ako sa kanila.
" H-hindi ka naman mabiro, Kris.. Puro pasa na nga tong mukha namin.. dadagdagan mo pa? " sabi naman ni Nuel.
Mas lalo ko naman siyang tiningnan ng masama dahil sa sinabi niya na ikinatawa lang ni Sam. Kung makapagsabi kasi, akala mo napuruhan talaga? Samantalang isang pasa lang ang nakuha niya dahil sa katangahan niya.
" Mabuti pang iinom nalang natin yan.. para mawala kunti yang init ng ulo mo, Kris. " natatawang sabi ni Sam sa akin.
Mabuti pa nga! Kaysa sa ibang tao ang pagbuntongan ko ng galit ko. Baka kawawa lang sila.
Papayag na sana ako sa gusto ni Sam ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
" Ate KC!.. " napatingin ako sa bunsong kapatid ko na tumatawag sa akin. " Umuwi kana daw sabi ni Tatay." sabi nito ng makalapit sa akin habang hinihingal pa dahil sa kakatakbo niya.
" Bakit daw? " tanong ko sa kanya.
" Umuwi kana lang kaya para malaman mo. " sabi nito sa akin.
Babatukan ko sana siya ng bigla itong tumakbo at nagtago sa likod nina Nuel at Sam. Tiningnan ko naman ng masama yung dalawa dahil talagang isiniksik pa nila yung kapatid ko sa likuran nila.
" Sorry, Kris. Mas mahal namin yung kapatid mo eh. " nakangiting sabi ni Sam.
" Tsk!"
Umalis na ako sa harapan nila, saka umuwi ng bahay. Pagdating ko sa bahay namin.. napakunot naman ang noo ko ng makita ko yung mga maleta na nasa tabi ni Tatay.
" Aalis ka itay? " gulat kung tanong sa kanya.
Ang sama naman ng tingin nito sa akin... Mas lalo pa itong sumama ng makita yung sugat ko sa labi. Siguradong nag-iinit na naman ang ulo nito.
" Umupo ka muna, Kristel. May pag-uusapan tayo ng tatay mo. " sabi ni nanay sa akin.
Umupo naman ako sa harapan nila... Ayaw kung tumabi ng upo sa kanila.. dahil baka batukan ako ni Tatay. Mas mabuti na yung malayo ako sa kanila para madali akong makatakbo.
" Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa, Kristel Cane. " sabi ni tatay na seryusong nakatingin sa akin.
Natahimik naman ako, dahil mukhang importante talaga ang sasabihin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/161992704-288-k389387.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...