Chapter 5

12.2K 465 24
                                    

Lumakad kaming tatlo papasok sa loob ng basketball court dito sa plaza. Malayo palang pero, natatanaw na namin na may roong naglalaro dito sa loob. Kitang-kita ko kung paano pinaglalaruan ng apat na yun ang tatlong batang lalake.. nasa palagay ko hindi makakalayo yung edad nila sa amin  Mahusay maglaro yung apat, at hindi magpapakaila na kitang-kita mo yung galing nila sa basketball. Marunong namang maglaro yung tatlo, nagagawa pa nga nilang agawin yung bola sa kalaban nila at nagagawa din nilang makascore. Pero talagang mahusay yung apat. At hindi naman patas yung laban nila.

4 laban sa 3? Siguradong matatalo yung tatlo. Lalo nat magaling yung kalaban nila. Kaya ang nangyari, natalo nga yung tatlo. At mukhang nagpupustahan sila dahil sa mga perang inabot nila dito sa apat.

" Pagbutihan niyo ang pag-ensayo mga bata. Para matalo niyo kami. " natatawang sabi nong isa.

" Madaya kasi kayo. Tatlo lang kami tapos kayo apat? Talagang matatalo talaga kami." matapang nitong sabi sa kanila.

" Anong madaya dun, bata. Wala namang ginawa yung isang kasama namin, kung hindi tumakbo lang. Kaya parang tayo lang din ang naglalaro. " sabi nito.

Napansin ko din yun kanina. Takbo lang ng takbo yung isang kasama nila. At wala man lang itong itensyon na agawin ang bola sa mga bata kahit na malapit lang ito sa kanya. Parang wala nga itong pakialam sa mga naglalaro eh. At ganun sila kayabang!

" Tsk! Basketball ba ang tawag don? Parang larong pang bata lang yun eh. " sabi ni Nuel nasa tabi ko lang.

Medyo napalakas ang pagkakasabi niya. Dahilan para mapatingin sa amin yung apat. Tiningnan ko isa-isa yung mukha nila. Pamilyar sa akin yung dalawa, dahil nakita ko na sila kanina sa school. Pero yung dalawang kasama niya ang hindi.

Bakit sila nandito... nagcuuting classess din ba sila?

" Anong sabi mo? " maangas na sabi nong isang kasama nila, habang nakatingin kay Nuel.

" May sinabi ba ako, Sam.. wala naman diba? " inosenting sabi ni Nuel na halatang nang-aasar lang.

Tsk! Mukhang away yata ang hanap na isang toh eh. Halatang napikon yung isa sa sinabi niya.

" Ang yayabang niyo ha! Taga saan ba kayo? " inis na ring sabi nong kasama niya.

Pareho namang nagkatinginan sina Sam at Nuel, saka nakangising humarap sa kanila. Ako naman tumabi ako ng kunti para bigyan ng space sa gagawing kalakuhan ng dalawang toh.

" Taga Probinsya... " sabay nilang sabi, saka sumayaw ng boduts dance na sinasayaw nila doon sa amin.

Tawa lang ako ng tawa, habang nakatingin sa kanila na sumasayaw. Yung tatlo naman, napanganga nalang habang nakatingin kina Nuel. Nakisali narin yung tatlong bata sa kanila at sumayaw na rin. Maliban nalang doon sa isa na nakakunot ang noo habang nakatingin kina Nuel.

" You came here for that f*ck*ng dance? " seryuso pero malamig nitong sabi.

Napatigil naman sina Sam sa kakasayaw saka nagtatakang tumingin sa kanya. Kahit ako ay nagtataka ring nakatingin sa kanya. At hindi namin alam kung ano ang inaaboruto nito?

" Kung maka f*ck*ng ka naman, Brad. Maganda naman yung sayaw namin, ha. " nakangising sabi ni Nuel sa kanya.

Napansin ko kung paano tiningnan ng masama yung pakialamero na yun si Nuel. Kulang nalang papatayin niya ito sa titig niya.

" Its that a dance? Tsk! Parang sayaw lang ng mga tambay. " sabi nong isa.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon