Maaga akong pumasok ngayon dahil ayaw kung makisabay at makasalubong si Kuya Red... Hindi ko pa man sinabi sa kanya yung nangyari sa school. Pero nagtext lang ako sa kanya kagabi na gusto siyang kausapin ng Principal namin ngayon. Ayaw ko kasi siyang harapin kagabi, dahil alam kung papagalitan niya ako kapag nalaman niya ang totoo. Kaya mas mabuti na yung Principal nalang ang magsabi sa kanya. Nakakatakot kasing magalit si Kuya Red.. ni hindi ko nga sinasagot yung tawag niya kagabi, dahil alam kung magtatanong lang yun kung bakit siya kailangan kausapin ng Principal.
Dahil maaga akong pumasok at wala pang masyadong tao. Dumiretso akong papunta ng rooftop at doon balak matulog ulit. Inaantok pa kasi ako, at yung mga mata ko ay gusto ng pumikit.
Pagkarating ko doon.. mabuti nalang may nakita akong karton doon na hindi pa nagagamit. Kinuha ko yun at agad na inilapag sa may gilid ng rooftop na yung hindi na sisikatan ng araw, saka humiga at ipinikit ang mga mata. Talaga kasing inaantok na ako. Pero, shit lang! Hindi pa man ako nakakaidlip ng may narinig akong ingay?
" Ano ka ba, Je. Tumahimik ka nga.. baka mahuli tayo. "
" Bilisan mo kasi dyan at ilock mo ng mabuti ang pinto."
" Bwesit kasi ang mga gagong yun. Bakit kasi tayo lagi ang pinagdidiskitahan? "
At dahil hindi ako makatulog sa ingay nila. Tumayo ako sa pagkakahiga at nilapitan yung mga taong nag-iingay.
" Anong ginagawa niyo? " tanong ko sa kanilang dalawa ng makita silang nakaharang sa may pinto ng rooftop.
Gulat naman silang napatingin sa akin. At napakunot naman ang noo ko ng makita ang mukha nilang dalawa... Sila yung dalawa kahapon na inaway nila Hugo. At bakit nandito ang dalawang toh. Ano ang ginagawa nila?
" Titingnan niyo nalang ba ako at hindi sagutin ang tanong ko? " mataray kung sabi sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan naman silang dalawa at umayos ng tayo saka tumingin sa akin.
" Hi! Ms. Ako nga pala si Je, at ito naman si- "
" Hindi ko tinatanong ang pangalan niyo? " pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Napansin kung parang natakot sila sa akin, dahil kulang nalang mawalan sila ng dugo sa mukha.
" Ano ba ang ginagawa niyo dito? Hindi niyo ba alam na iniistorbo niyo ang pagtulog ko. " inis kung sabi sa kanila.
Kaya ba sila inaaway nila Hugo kahapon, dahil ang dali nilang takutin? Naiinis palang ako at hindi pa ako nagagalit. Pero itong dalawang toh, kulang nalang tumakbo dahil sa takot. Nakikita ko kasi sa mga mata nila na talagang natatakot sila, at hindi ko maintindiham kung ano ang kinatakutan nilang dalawa.
" K-k-kasi M-Ms. May h-humahabol kasi sa amin. K-kaya dito naming naisipang m-magtago. " sabi nong babae na sumisiksik sa likod ng bakla. Napansin ko rin na nanginginig pa siya dahil sa takot.
" S-sorry talaga Ms. K-kung gusto mo a-aalis n-nalang kami. " sabi naman nong bakla.
Natigilan naman yung babae sa sinabi niya at para bang ayaw niyang umalis at magtago nalang dito? Nagtutulakan pa silang dalawa na humarap sa akin. At hindi man lang deritsong makatingin sa akin.
" Nakita niyo? "
" Hindi eh. Inikot na namin lahat, pero hindi namin nakita yung dalawa. "
" Bwesit! Talagang ginagalit ako ng dalawang yun. " rinig kung sabi na nagmumula sa labas.
Napatingin naman ako sa dalawang taong nasa harapan ko. Talagang namumutla na yung mukha nilang dalawa, dahil sa takot. At kapag pinagpatuloy pa nila yan? Siguradong mahihimatay sila.
Huminga ako ng malalim at inalis yung inis sa mukha ko saka tumingin sa kanilang dalawa.
" Kayo ba ang hinahanap ng mga yun? " tanong ko sa kanila.
Sabay naman silang tumango dalawa, at halos magkapalitan na sila ng mukha dahil sa sobrang pagkadikit nila sa isat-isa.
" Tumabi kayo. " utos ko sa kanila at gulat naman silang tumingin sa akin.
" M-Ms. "
" Tumabi kayo. " pag-uulit ko pa.
Kitang-kita ko sa mukha nilang dalawa na ayaw nilang umalis sa may pinto.
Mga tanga ba ang mga ito? Ano gusto nila. .sasabayan ko silang magtago dito?
" M-Ms. K-kung gusto mo, g-gawin mo kaming mga alipin mo. B-basta, huwag mo lang, ipagsabi sa kanila na n-nandito kami? " sabi sa akin nong babae.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano tingin niya sa akin, isang Reyna para pagsilbihan niya? Tanga ba siya. Hindi niya ba alam na pareho lang kaming estudyante dito. At anong karapatan ko para gawin silang mga alipin ko?
" Kung ayaw niyong tumabi? Ako mismo ang mananakit sa inyo. " seryuso kung sabi sa kanila.
At mukhang effective naman, dahil agad silang umalis sa may pinto at pumunta sa may gilid. Ako naman, lumakad papalapit sa may pinto at bubuksan na sana ito ng napahinto ako.
" Kung ayaw niyong magtago dito buong araw? Sumunod kayo sa akin. " sabi ko sa kanila.
Nagtataka naman silang napatingin sa akin. At mukhang nagdadalawang isip pa silang sumunod, dahil alam kung kapag lumabas sila dito? Makikita sila ng mga taong humahabol sa kanila.
" Trust me! Akong bahala sa inyo. " nakangiting sabi ko sa kanila, dahilan para magliwanag ang mukha nila pareho.
Nauna na akong lumabas sa kanila at naramdaman ko naman na sumunod silasa akin. Lumingon pa ako sa kanila, at parang gusto kung matuwa... Dahil para silang mga tanga na ang higpit ng pagkakahawak nila sa isat-isa habang naglalakad kami. Talagang katakot na takot sila sa mga humahabol sa kanila, para magmukha silang tanga? O sadyang naduduwag lang talaga sila.
" Lumapit nga kayo ng kunti sa akin. " medyo inis kung sabi sa kanila.
Sumunod naman silang dalawa sa akin. Napangiti naman ako ng makitang parang maayos na ang mukha nilang pareho.
" Hmm... M-Ms. T-Thank you pala sa pagtulong sa amin kahapon at ngayon. " rinig kung sabi nong bakla.
" Anong tulong? Wala naman akong ginawa kahapon ha. " sabi ko sa kanila.
" Pero kahit na Ms. Thank you parin sa pagtulong niyo sa amin kahapon. " sabi nong babae.
Napahinto ako sa paglakad saka humarap sa kanila dahilan para mapahinto din sila.
" B-bakit? " nagtatakang tanong nito.
" Your name is Je, right? " tanong ko sa bakla na tumango naman. " And you.. what's your name? " tanong ko sa babaeng kasama ni Je.
" My name is Kate, Ms. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Napatitig naman ako sa mukha nilang pareho. At ngayon ko lang napansin na ang gaganda pala nila. Lalo na si Je ang gwapo. Bakla nga lang.
" Call me, KC. At simula ngayon.. magkaibigan na tayong tatlo. " nakangiting sabi ko sa kanila.
Nanlaki naman yung mga mata nila sa sinabi ko saka ako niyakap ng sobrang higpit. Hindi naman siguro masama kung makikipagkaibigan ako sa mga taga dito diba? Isa pa, sa nakikita ko sa dalawang toh, mukhang mabuti naman silang tao. At mukhang hindi sila katulad sa mga ibang schoolmate namin dito na masama ang ugali at plastic.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
AçãoKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...