Chapter 18

11K 416 12
                                    

* Kristel POV *

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kung pagtulog ng may biglang istorbong tumawag sa akin. At mukhang ayaw talaga ako nitong tigilan, hanggat hindi ko sinasagot ang tawag nito. Kaya inis kung kinuha yung phone ko na katabi ko lang saka sinagot yung tawag.

" Kris, si Kate toh. Kailangan namin ang tulong mo ngayon. "

Hindi na natuloy ang dapat sanang pagsigaw ko sana dito ng marinig ko ang boses ni Kate, lalo na at may dalang kaba at nag-alala ang boses nito.

" Nasaan kayo? " tanong ko dito.

Matapos niyang ibigay sa akin ang address kung nasaan sila. Agad akong bumangon sa kama ko at nagbihis saka nagpaalam kay Kuya Red. Mabuti nalang pinayagan ako nito, kahit na nagdadalawang isip pa ito.

Pagkarating ko sa sinabing lugar sa akin ni Kate, na ay isang bar. Agad ko namang pinark yung sasakyan ko sa parking lot saka pumasok sa loob. Hinanap ng mga mata ko sina Kate na agad ko naman silang nakita, dahil kumaway si Kate sa akin. Lumapit ako sa kanila at agad napataas ang isang kilay ko ng makita ko si Je na nakapanglubaba sa mesa.

" What happened to him? " nagtataka kung tanong sa kanya.

Para kasi itong wala sa sarili dahil sa sobrang kalasingan nito. Itong baklang toh, iinom-inom, hindi naman pala kaya ang sarili.

" Pasensya kana talaga, kung naistorbo kita, Kris. Ikaw nalang kasi ang pwedeng tumulong sa amin. " sabi ni Kate na pilit inaayos si Je.

" Ano ba kasi ang nangyari sa kanya? Bakit siya nagpakalasing ng sobra? " inis kung sabi.

Umupo ako sa tabi ni Je, at ihinila siya para isandal sa sandalan ng upuan. Napatingin naman siya sa akin ng makita niya ako. Hindi naman siya nagsalita, pero halata ang lungkot sa mga mukha niya.

" Malaki kasi ang problemang dinadala ngayon ni Je. At alam niyang ito lang ang paraan para mawala panandalian ang problema niya. " sabi nito sa akin.

Kung ano ang lungkot sa mga mukha ni Je, ay ganun din sa kanya. Talaga bang ganito silang magkaibigan? Naghahawaan ng lungkot?

Tinulongan namin ni Kate si Je na makalabas sa Bar, dahil kahit paglalakad ay hindi na nito kinaya. Mabuti nalang pinahiram sa akin ni Kuya Red yung kotse niya, kaya doon ko sila pinasakay dahil wala naman silang dalang sasakyan.

" Now! Tell me, Kate. Anong problema ni Je? " tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ako ng sasakyan.

Pansin ko pa sa mukha niya na nagdadalawang isip pa siyang sabihin ito. Pero sa huli pinili niya paring sabihin sa akin kung ano ang problema ni Je.

" Kaya ba mas pinili niyang magpakalasing sa halip na harapin yung papa niya? " tanong ko sa kanya na ikinatango nito.

" Oo! Natatakot kasi siya dito. " sabi nito.

Napatingi ako sa sidemirror at don nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa kaibigan niya at kita mo rin ang pag-alala niya dito.

Nakarating kami sa bahay ni Je na agad naman kaming nilapitan ng isa sa mga driver nila para tulongan kaming alalayan si Je. Sa daan palang kasi kami kanina ay tumawag na si Kate na abangan kami sa labas para magpatulong sa pag-alalay kay Je, kaya naging madali lang ang lahat.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon