Napamura ulit ako ng masusuka na naman ako. Kaya agad akong tumakbo papunta sa may banyo at isuka ang isusuka ko. Pero wala namang laman, puro lang tubig at laway ko ang lumalabas sa bibig ko... Ilang araw na akong ganito at ilang araw naring masama ang pakiramdam ko. Wala naman akong nakain o nainom na kahit ano mang bagay na nagpapakasama sa pakiramdam ko. Kaya hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit sumasama ang pakiramdam ko in the fast few days.
" Talaga bang okay ka lang, Kris? Ilang araw kanang ganyan ha. " nag-alalang sabi sa akin ni Kuya Red ng makalabas ako sa may banyo.
" I'm okay. " maikling sabi ko sa kanya.
Bumalik ako sa may kama ko at pinagpatuloy ang ginagaw ko. Ng muling magsalita ulit si Kuya Red.
" Baka pwede niyo munang ipagliban ang gagawin niyo ngayon. " sabi pa nito sa akin.
Isinara ko na yung bag ko matapos kung ilagay lahat ng kakailangin ko, at saka muling tumingin sa kanya.
" Tumatakbo ang oras, Kuya... Kaya hindi na namin pwedeng sayangin pa ito. Lalo na at marami ng mga tao ang nadadamay. " sabi ko sa kanya.
Sinuot kuna yung boots ko na hanggang tuhod saka yung leather jacket ko... Bubuhatin kuna sana yung bag ko ng maunahan ako ni Kuya Red.
" Ako na. " sabi nito sa akin.
Nagkibit balikat nalang ako saka naunang lumabas ng kwarto saka sumunod siya sa akin hanggang sa makarating kami sa garahe. Inilagay niya naman yung bag ko sa loob ng kotse na gagamitin ko saka lumapit siya sa akin.
" Mag-iingat kayo, Kris... Make sure na makakauwi kayo ng buhay dito. " sabi nito sa akin.
" I promise kuya Red. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Yumakap ako sa kanya at ganun din siya sa akin, bago ako pumasok sa loob ng kotse ko at menaniho ito papaalis ng bahay.
Ilang minuto pa ang pagdadrive ko bago ako makarating sa mansyon ni Papa... Wala na dito ngayon si Papa sa maynila.. doon muna siya sa probinsya para bantayan sina Itay doon. At hindi lang yun, para makabonding din sila dahil matagal-tagal ding hindi nagpakita sa kanila si Papa... Kaya ang nandito muna ngayon sa mansyon ay si Emy at ibang mga tauhan pa ni Papa. Hindi ako tumutuloy dito dahil mas nagiging komportable ang tulog ko kapag na kay Kuya ako... At kung dito naman ako tumuloy tiyak na araw-araw na problema ang aabotin ko. At hindi lang yun, araw-araw ko ring makikita dito si Sandoval.
Naalala ko na naman yung may nangyari sa amin. Alam kung tanga ako dahil napaubaya ako. At kahit na alam kung fiance siya ng pinsan ko, nangyari parin ang hindi dapat na mangyari. Kaya lang hindi mo mapipigilan ang sarili mo lalo na at gusto mo rin yung nangyari. At wala akong pinag-sisihan sa bagay na yun... Pero ang nakakatawa lang, minsan lang ako nagmahal at nasaktan pa ako.
" Good evening, Boss. " bati sa akin nong isang tauhan ng makapasok ako sa loob.
" Get my bag in may car. " utos ko sa kanya at binigay sa kanya yung susi ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa meeting room ni Papa. At mukhang ako nalang yata ang hinihintay nila dahil nandito na silang lahat sa loob.
Tsk! Hindi naman sila excited na sumabak sa gulo noh?
" Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay. " reklamo ng magaling kung pinsan.
Pero bago pa man ako makasagot sa sinabi niya. Umepal na naman ang magaling na si Sandoval.
" What happened to you? " seryusong tanong nito sa akin.
Hindi ko sana siya papansinin ng magulat ako ng nasa harapan kuna ito at bigla nalang ako nitong hinila papalapit sa kanya.
" Tell me what happened to you. Bakit ang tamlay mo? " seryuso at malamig nitong tanong sa akin.
Hinawi ko yung kamay niya sa kamay ko na ikinadilim ng tingin niya sa akin.
" You dont care about me, Sandoval. " malamig na sabi ko sa kanya.
Hahakbang pa sana siya palapit sa akin ng kinuha ko sa likuran ko ang baril ko saka itinutok sa kanya.
" Isang hakbang pa, Sandoval... Tatamaan ka sa akin. " seryusong sabi ko.
Pero shit lang! Sa halip na matakot siya sa ginawa ko sa kanya. Ngumisi lang sa akin ang gago niya.
" Alam mong matagal na akong tinamaan sayo. " nakangisi nitong sabi sa akin.
Tsk! Nagawa pang magbiro. Sinamaan ko muli siya ng tingin at hinayaan nalang na tumayo sa tabi ko saka humarap sa mga taong nasa harapan namin na para bang nasisiyahan pa sila sa nakikita nila ngayon.
Sinimulan ko ang pagbigay ng instraction sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. Saka binigyan sila ng tag-iisang earpiece na dala ko kanina, at alam kung may kanya-kanya silang mga baril. Pero kailangan ko parin sila bigyan ng pangdagdag armas nila... Kaya binigyan ko sila isa-isa ng dagger ko na pinagawa ko pa pasadya. At pagkatapos non, nauna ng umalis yung iba.
At hanggang ngayon, nandito parin ako at hindi makaalis dahil sa pesteng lalakeng nasa harapan ko.
" Ano ba, Sandoval! Pwede bang pumunta kana doon sa sasakyan mo!? " inis na sigaw ko sa kanya.
Mas lalo lang ako nainis ng ngumiti lang siga habang nakatingin sa akin.
" You know what. Parang mas lalo ka yatang gumaganda ngayon. " sabi nito sa akin.
Naramdaman kung biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Peste! Galit ako sa kanya, pero ang laki parin ng epekto niya sa akin. Lalo na kapag humuhirit siya tulad ngayon. Ano bang nakain ng lalakeng toh? Hindi naman siya ganito dati ha.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inis na pumasok sa loob ng kotse ko sa may driver set. At mas lalo lang ako ng inis ng pumasok din siya sa loob katabi ko... Hinayaan kuna lang, dahil hindi ko matantsa ang lalake toh baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Nakakainis!
Binilisan ko nalang ang pagpatakbo ng sasakyan, hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan nagtatago ang pinuno ng mga sindikato. Ang pinuno ng sindikatong pupuntiryahin namin ngayon, ay rin ang nagpasimuno ng pagkalat ng droga sa aming bayan. Siya rin yung taong nasa pier na pinasukan ko at kung saan kami nag-away at kung saan din binigyan ko siya ng isang malaking sugat sa mukha, dahilan para marka ito. Kaya sa malamang sa malamang nakilala ko at alam ko din nakilala niya rin ako.
Pero sa oras na yun na nakilala ko siya....na nakilala ko ang pinuno ng mga sindikato. Lagi kuna siyang sinusundan kung saan man siya magpunta. Kaya nalaman ko kung saan siya mismo nagtatago at ang mga illegal na ginagawa niya at ng mga tauhan niya. Kaya oras na para tapusin yun.
Pinark ko yung sasakyan ko sa lugar na hindi makita at sa lugar na madaling lapitan sa oras na umalis kami kapag tapos na namin ang gagawin namin ngayong gabi.
" Nakapwesto na ba ang lahat. " sabi ko sa earpiece na gamit ko.
" Yes boss. " sabay nilang sabi na lahat.
" How about the place? " tanong ko na tinutukoy yung mga lugar na pagawaan ng mga illegal na gawain. At ang mga lugar kung saan sila palagi nagtratransaction.
" Okay na kami dito, Boss. Nasa ayos na ang lahat. " rinig kung sabi ni Hanz.
" Me too...Nakastandby na kaming lahat dito. " sabi naman ni Geo sa akin.
" Dont worry, Boss. We make sure na walang makakatakas dito. " rinig ko namang sabi ni Oscar.
Maging yung iba na inatasan ko sa pagbabantay sa ibang mga places ay nagresponse rin sa sinabi ko. At talagang masasabi kung excited silang lahat sa gagawin namin ngayong gabi.
" Good....Do your job, guys. And protect each other. " seryusong sabi ko.
I will make sure na matatapos ngayong gabi ang lahat na mga illegal na gawain at maging ang pinuno ng sindikato ay matatapos rin sa gabing ito.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...