* Oscar POV *
Kakaalis lang namin sa mansyon ni Boss na siyang nagpapatakbo ng organisasyon na pinapasukan namin ngayon. At lahat kami nag-alala lalo na ng matapos naming malaman kung ano ang mission namin ngayon.
Hindi sa natatakot kami na harapin ang matinding kalaban namin.. at ang grupo na matagal na naming gustong patumbahin. Kung hindi, natatakot kami sa hawak ng mga ito.. dahil baka kung ano ang mga karantaduhan ang maaring gawin nila sa kanya.
" F*ck! Pwede bang magdahan-dahan ka muna, Zeke... Mukhang tayo pa ang unang mamatay nito e. " inis na sigaw ni Hanz sa kanya habang nakahawak ito sa magkabilang gilid ng upuan niya.
Kahit naman ako ay napapahawak din sa upuan ko. Maging si Geo na nasa harapan nakaupo at mataimting dumadasal na sana makaabot pa kami ng buhay sa pupuntahan namin.
Paano ba naman kasi, yung driver namin na si Zeke. Talo pa yata nito ang kabayo sa bilis ng patakbo ng sasakyan niya. Hindi ko naman siya masisi kung bakit kailangan niyang bilisan ang pagtakbo. Dahil alam kung importante sa kanya na mailigtas yung taong yun. Kaya lang baka sa ginagawa niya ngayon, baka kami pa ang mamatay at hindi pa namin mailigtas ang taong yun.
Nang huminto na yung sasakyan, sabay-sabay naman kaming tatlo na nagmamadaling lumabas at halos habulin na namin ang hininga sa matinding kabang nararamdaman namin ngayon.
" Shit! Kung alam ko lang na ganun kahayop magpatakbo ng sasakyan ang lalakeng yun. Hindi nalang sana ako sumabay sa inyo. " sabi ni Hanz na siyang unang nakabawi sa amin.
Huminga naman ako ng malalim bago magsalita.
" Tsk! Alam niyo naman ang isang yun. Mas importante ang buhay ni KC.. kaysa sa atin. " sabi ko na ikinatango lang ni Hanz.
Napatingin naman ako kay Geo na naghahabol parin ng hininga niya. Siya kasi yung medyo napuruhan sa amin, dahil sa harapan siya nakaupo. Ako nga sana ang magmamaneho kanina, kaya lang naunahan ako ni Zeke, at muntikan pa kaming iwan kanina. Nagpapahalata kasing inlove ang gagi niya.
Nang maayos na ang kalagayan ni Geo, sumunod na kami kay Zeke na naunang pumasok sa amin sa loob ng hideout namin. Hindi ko nga alam ang isang yun, hindi naman siya ganun dati pagdating sa mga naging girlfriends niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan simula nong nakilala namin si KC at naging girlfriend niya. At mukhang importante talaga sa buhay niya ang mayabang na babaeng yun na merong namang ibubuga.
* Zeke POV *
Napahilamos ako sa mukha ko dahil mag-iisang linggo na ng malaman naming nakidnap si Kristel at hanggang ngayon hindi pa namin malaman kung saan siya tinago ng mga gagong foxes na yun... Sa dami-daming kunin na babae, bakit yung akin pa?
Yeah! She is mine... simula nong malaman kung siya yung babae sa mall na nakamaskara.. naging akin na siya. At walang ibang lalakeng lalapit at hahawak sa kanya kundi ako lang.
" Ang hirap namang hagilipin ang mga gagong yun. Baka kung ano na ang ginawa nila kay KC. " rinig kung sabi ni Geo.
" Parang hindi niyo naman kilala ang babaeng yun. Lahat kaya yun kalabanin. " sabi naman ni Oscar.
He's right. Alam naming matapang si Kristel at walang inuurongang laban. Kahit sino kaya nitong kalabanin, at kahit mapanganib kaya nitong suungin. Pero hindi niya kilala ang Foxes, sila yung organisasyon na matagal naming gustong patumbahin. Dahil sa mga pinapalaganap nilang kasamaan sa bansa namin.
Katulad nalang ng gambling, pagbibinta ng drugs, human trafficking, hazing at kahit ano pa. Lahat ng yun ay maaring gawin nila yun kay Kristel... At yun ang pinakaayaw kung gawin nila kay Kristel. Natatakot ako dahil baka kung ano ang gawin nila sa kanya. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya.
" May nakuha ba kayong impormasyon sa dalawang kaibigan niya? " tanong ko sa kanila.
Sina Je at Kate ang tinutukoy ko, dahil silang dalawa ang huling kasama ni Kristel bago ito nakidnap.
" Tulad parin ng sabi ni Boss sa atin, mukhang ang foxes ang kumuha sa kanya. At mukhang may kailangan ang mga ito kung bakit siya kinuha. " sabi ni Hanz sa akin.
" Nalaman niyo ba kung ano ang motibo nila? "
" No! Pero sabi ni KC kina Je at Kate bago ito tuluyang makuha... Huwag daw silang mag-alala dahil kaya daw nito ang sarili niya. "
" Tsk! Bilib din ako dyan sa girlfriend mo, Zek... Nakidnap nat lahat-lahat, nagawa pang magyabang. Ganyan ba talaga ang mga probinsyana? " inis na sabi ni Geo na nakatutok parin sa computer.
Kahit na nasa mahirap kaming sitwasyon ngayon. Hindi ko paring maiwasang mapangiti. I know noon palang.. talagang mayabang na si Kristel. Pero yung pinagyayabang niya ay talagang may ibubuga namin.
I Like her... No!... I Love her.
At hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit mahal ko siya. Basta nagising nalang ako isang umaga at nasabi ko sa sarili ko na mahal kuna ang babaeng yun.
Siguro dahil siya lang yung Probinsyang kilala kung babae na nagagawang makipagsabayan sa mga lalake at hindi umaatras sa laban. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang ang inaasta niya nong oras na makidnap siya. Dahil alam nito ang ginagawa niya.
Pero hindi ko parin maiwasang mag-alala lalo na at maraming maaring gawin sa kanya ang mga Foxes.. at hindi ko alam kung ano ang motibo nila kung bakit pati si Kristel ay kailangan nilang idamay... Pero isa lang ang masisigurado ko, mapapatay ko silang lahat kapag may gawin silang masama sa babaeng mahal ko.
" Zek, may tumatawag sa phone mo. " sabi sa akin ni Oscar.
Kinuha ko naman yung phone ko na nakapatong sa mesa. At ganun nalang ang pagkakunot ng noo ko ng makitang number lang ang nakalagaya don. Pero sinagot ko parin, dahil baka isa sa mga foxes ang tumawag sa akin.
Hindi muna ako nagsalita at hinintay siyang siya unang magsalita.
" Hello! Zeke... Its me Red. Alam kung hinahanap niyo ngayon ang pinsan ko... At alam kung nasaan siya. "
Saglit naman akong natigilan, at parang biglang nabuhayan ang loob ko sa narinig ko.
" Where is she? "
" Bago ko sabihin kung nasaan siya. Ipangako mo muna sa akin na ililigtas mo siya ng buhay. " seryuso nitong sabi.
" Kahit itaya ko pa ang buhay ko para sa kanya. " seryuso kung sabi.
Napatingin naman ako sa tatlong kasama ko na nasisipulan, dahilan para tingnan ko sila ng masama.
" You love her.... " sabi nito at sinabi na sa akin kung saan namin matatagpuan ang pinsan niya.
Tsk! Ganun na ba ako kahalata para malaman niya ang bagay na yun?
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
AkcjaKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...