Chapter 2

14.2K 518 0
                                    

Bangdang 6:00 pm na ng gabi ng makarating kami sa maynila. Matapos kasi naming mag-usap nila Tatay, kaagad din kaming umalis ni Kuya Red, pagkaumagahan. Masyado kasing busy ang life non, kaya kailangan makabalik kaagad siya sa maynila. Yung sasakyan niya lang kasi ang ginamit namin papuntang maynila. Kaya malamang gagabihan kami ng uwi at pareho kaming pagod. Lalo na siya.. dahil siya yung nagmamaneho. Kaya sa bahay niya kami dumeritso sa halip na kumain kami sa labas.

" Good evening, Sir Red. "  bati sa amin nong katulong ng makapasok kami sa bahay ni Kuya Red.

" Good evening. "  pormal na bati ni Kuya Red sa kanya.

Napatingin naman sa akin yung katulong ng makita niya akong nakatayo sa tabi ni Kuya.

" Good evening, Miss. "  nakangiting bati din nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya saka tumango.  Hindi ako mahilig bumati e, lalo na kapag hindi ko pa kilala.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Tinulongan din kami ng ilan sa mga katulong na ipasok yung mga gamit ko at deniretso sa kwarto ko.

Yeah! Gamit ko lang, dahil hindi naman nagdadala ng gamit si Kuya kapag pumupunta siya sa probinsya. May mga gamit na kasi siya doon sa bahay. Kaya hindi niya na kailangan magdala ng damit.

Iginala ko yung  paningin ko sa buong bahay. Wala pa ring pinagbago ang ayos niya.. ganun parin tulad ng dati. Nakapunta na kasi ako dito sa bahay ni Kuya nong time na sumama ako sa kanya para sa business matters namin. Kaya dito ako tumuloy sa kanya at natulog. Kaya hindi na bago sa akin ang bahay na ito.. maging yung kwarto ko! May sarili kasi akong kwarto dito na talagang denemand ko kay Kuya, bago niya pinatayo ang bahay na ito. Wala naman siyang reklamo, lalo nat magkasundo na magkasundo kami.

" Kuya, hindi pa ba tayo kakain? "  reklamo kung tanong sa kanya. Kanina pa kasi kumulo ang tyan ko sa gutom. Sino ba kasi ang hindi magugutom sa haba ng byahe noh?

" Magbihis ka muna saka tayo kakain. "  sabi nito na hindi nakatingin sa akin.

Busy kasi siya sa kakalikot ng phone niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito. At wala akong balak alamin yun!

Umakyat nalang ako sa kwarto ko saka panandaliang naglinis ng katawan at nagbihis. Gutom ako! Kaya hindi ko kailangan magtagal sa banyo. At isa pa, pagod ang katawan ko.

Matapos kung magbihis saka ako dumiretso sa may kusina, dahil hindi ko nakita si Kuya Red sa may salla. At hindi nga ako nagkakamali na nandon siya at kumakain nah. Kaya nakasimangot akong umupo sa harapan niya.

" Bakit ganyan ang mukha mo? "  natatawang sabi niya ng nakatingin sa akin.

" Pinabihis mo ako dahil akala ko sabay tayong kakain. E, yun pala nauna kana palang kumain sa akin? "  naiinis kung sabi dahilan para tumawa lang siya.

" Nagugutom na kasi ako. "  natatawa nitong sabi.

" Tsk. " naiinis kung sabi.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko, saka sinimulan ng kumain. Tahimik lang kaming kumakain ni Kuya, hanggang sa binasag niya ang katahimikan na yun.

" Sya nga pala, Kristel. Na-enroll na kita sa school na papasukan mo dito. Kaya sa lunes kana papasok. " sabi nito sa akin. Kaya napatingin naman ako sa kanya.

" Akala ko ba, magpapaenroll pa lang ako? " nagtataka kung tanong sa kanya.

" No! Tinawagan ko yung kaibigan ko dito sa maynila na eenroll ka. Kaya sa lunes ay papasok kana. " nakangiti nitong sabi sa akin.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon