Matapos ang nangyari sa plaza at sa pag-aalis sa bwesit na mayor namin. Napagpasyahan naming lahat ng aming mga kabaranggay na si Tatay muna ang magiging pansamantalang mayor dito sa bayan namin na sinang-ayunan naman nilang lahat. Na kahit ang totoo, matagal na naming gustong maging mayor si Tatay.. na siya pang ang may ayaw dahil ang gusto niya ay magfocus sa negosyo namin dito. Pero dahil nga, nakikita niya naman ang nangyayari dito sa bayan namin at ang ginawa ng dating mayor namin. Napapayag din namin siya, na siya muna ang mayor namin. Hanggat wala pa kaming nakikitang tao na may potential na magiging mayor. At hindi lang yun, kaya nitong alagaan at patakbuhin ng maayos ang bayan namin. At wala itong kakahayan na gumawa ng masama dito sa bayan namin.
At pagkatapos din naming ayusin ang problema sa bayan. At masiguradong wala ng papasok na kung ano mang bagay na magpapagulo sa bayan... Bumalik na kaming lahat sa maynila, dahil kailangan pa naming magreport sa mga klase namin. At sina Sandoval naman ay mukhang may kailangan gawin. Agad nga silamg umalis, pagkatapos nilang ihatid ako sa bahay. Mukhang may importante yata silang gagawin.
" Nandito kana pala. Kamusta ang bayan natin doon? " tanong sa akin ni Kuya Red ng pababa siya ng hagdan.
Lumapit naman ako sa kanya, saka siya hinalikan sa pisngi at muling bumalik sa may sofa at umupo.
" Okay na Kuya, naayos na namin ang gulo doon. " sabi ko sa kanya.
Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. At kinwento ko naman sa kanya yung nangyari doon. Yung pinagagawa ng mayor namin, at ang pagtalsik namin sa kanila. Maging ang pagiging Mayor ni Tatay sa bayan namin.
" At ano namang nangyari dyan sa labi mo? Hindi kaba marunong umiwas sa mga kalaban mo. " medyo inis nitong sabi sa akin ng makita nito ang sugat sa labi ko.
" Pinuntahan ko kasi yung Boss ng dating mayor natin... Masyado kasing magaling, kaya ayun hindi ako nakailag. " nakangising sabi ko sa kanya.
Naalala niyo ba yung gabing sinundan namin yung mayor namin? Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila ng Boss niya o ang kinukuhanan niya ng droga. Agad ko namang sinundan yung boss niya na siyang naunang umalis sa kanila. Naabutan ko sila sa may pier at papasakay sa barko yata nila. Kaya habang hindi pa nakaalis yung barko nila, walang pag-alinlangan akong pumasok sa loob. At umupo sa harapan ng lalakeng nakilala kuna noon. Ayun kunting pag-uusap lang at pagkatapos noon. Doon na kami nagsimulang nag-away. Masyado siyang magaling kaya natamaan niya ako sa bibig.
" Hindi naman ba, maghihingati ang taong yun at balikan ang bayan natin? Baka madamay sina Tatay sa pinasok mong gulo. " sabi nito sa akin.
" Dont worry, Kuya. Ligtas silang lahat doon. Nandon sina Sam at Nuel para bantayan sina Tatay. At nagrecruit din akong ilang mga tauhan para siguraduhing ligtas ang bayan natin. " mayabang kung sabi sa kanya na ikinailing niya lang, saka tumayo. Pero bago pa man siya makaalis sa harapan ko ay may sinabi pa ito sa akin.
" Nga pala, tumawag sa akin ang Papa mo kanina. "
" Talaga! Bakit hindi siya tumawag sa akin? " nagtatampo kung sabi.
Kasi naman matagal na kaming hindi nag-uusap. Tapos kay Kuya Red pa siyang tumawag, eh pwede naman sa akin.
" Ayaw kang isturbuhin ng Papa mo.. dahil alam niyang busy ka. "
" Ano bang sabi niya sayo? " inis ko paring tanong sa kanya.
Nagtatampo kasi ako kay Papa.
" Bumalik kana daw dahil namimis kana niya... At isa pa, kailangan mo daw mag-attend sa arrange marriage party ng pinsan natin. "
Gulat naman akong napatingin sa kanya.
" Ikakasal na si Emy? " gulat kung tanong sa kanya.
" Yeah! "
" Kanino siya ikakasal? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Kay Austin ba yun? Basta isa sa mga mahusay na kilala ng Papa mo. " sabi nito sa akin.
Napatango nalang ako, siya naman ay umalis na at iniwan akong mag-isa doon.
Siya kaya yung tinutukoy ng mga tauhan ng lalakeng dumakip sa akin? So, dapat pala yung pinsan ko ang kukunin nila at hindi ako? Pero mabuti na din yun na ako ang nakuha nila.. kaysa sa baliw kung pinsan.
Balik aral na naman ako.. at talagang tinatamad akong pumasok dahil makikita ko na naman yung mga panget na mga kaklase ko. Tinatamad pa nga akong pumasok dahil ilang araw din akong walang pahinga.. simula nong sunod-sunod na nangyari sa akin. Kaya talagang mainit ang ulo ko sa tuwing pumapasok ako ng school. Kaya sa tuwing iniistorbo ako ni Hugo para lang maghanap ng gulo.. ayun sinusunggaban ko kaagad at wala ng pasabi-sabi. Maging yung mga babaeng better pagdating sa akin.
Nadagdagan pa yung inis ko ng hindi ko makitang pumapasok si Sandoval... Pumapasok naman siya paminsan-minsan, ang kaso nga lang! Parang wala naman siya sa sarili niya at ang cold niya pa sa akin minsan.
Magkasama nga kami.. pero parang hindi niya naman ako kasama. Si Oscar lang yung lagi kung nakikita dito sa school. At nasabi niya rin sa akin ang dahilan kung bakit laging wala si Sandoval... May importante daw kasi itong inaayos at kailangan gawin. Lalo na at hanggang ngayon, hindi parin nila nahahanap ang pinuno ng mga sindikato. Dahil hanggang ngayon.. hindi parin nila ito nahahanap. At patuloy ang bintahan ng droga dito sa maynila at ang paglaganap ng kasamaan dito. Kaya kailangan na talagang nilang mahanap ang pasimuno ng lahat ng iyun.
Napasinghap ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Hindi na ako pumalag pa, dahil presensya niya palang alam kuna.
" H-Hey. " nauutal kung sabi.
Haharap sana ako dito ng mas humigpit yung yakap niya sa akin.
" Stay! I want to hug you. " sabi nito, at pansin ko sa boses niya yung pagod.
Hinayaan kuna nalang at hindi na gumalaw pa. Aminin ko man sa sarili ko o hindi, namimiss ko rin siya. At ilang araw kuna ring hinahanap yung presensya niya.
Nandito ako sa bahay ngayon dahil tinatamad akong pumasok. Kaya nandito lang ako sa kwarto at nakahiga, kailangan ko talaga kasing bumawi ng lakas ko. Hindi ko rin napansin ang pagpasok niya kanina, dahil nakatagilid ako ng higa. Maging ang paghiga niya kanina sa tabi ko ay hindi ko rin naramdaman. Siguro sinadya niya yun para hindi ako maistorbo.
Ilang minuto kaming nanatiling ganun. Hanggang sa maramdaman ko yung mahina niyang paghilik at ang pagluwag ng pagyakap niya sa akin. Kaya humarap ako sa kanya at doon nasilayan ko ang mukha niya. Ilang araw ko siyang hindi na kita at talagang sobrang namiss ko siya. Hindi ko man alam kung ano talaga ang totoong relasyon namin. O kung ano ang nararamdaman namin sa isat-isa. Pero alam ko sa sarili ko na nahulog na ako sa lalakeng nasa harapan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...