Kunot noo akong pumasok sa school ng mapansin kung sobrang tahimik ng paligid at wala ako masyadong makitang mga estudyanteng pakalat-kalat sa... Kung meron man, mabibilang mo lang.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa madaanan ko ang dalawang magjowa na walang pakialam kahit na maglandian sa daan. Lumapit ako sa kanila para magtanong.
" Excuse me. Pwede magtanong? Anong meron ngayon dito.. bakit parang kunti lang yata ang mga estudyanteng nandito? " tanong ko sa kanila.
Mataray namang humarap sa akin yung babae na akala mo maganda. Eh, mas maganda pa ako sa kanila.
" Alam mo, Miss. Istorbo ka sa aming dalawa... Pero kung gusto mong malaman kung ano ang nangyayari dito? Bakit hindi mo kaya subukang pumunta sa gym para makita mo kung ano ang nangyayari. " mataray na sabi nito sa akin.
Ang sarap sabunutan itong babaeng toh. Bawal na bang magtanong ng maayos? At bawal bang sumagot ng maayos sa taong nagtatanong sayo ng maayos? O sadyang wala lang talaga silang good manners... Nakakainis!
" Thank you, Miss ha.. and by the way. Subukan niyo rin kayang pumunta sa motel para doon ituloy ang paglulumpongan niyong dalawa... Nakakaasiwang tingnan eh. " sabi ko at umalis sa kanilang harapan.
Kapag hindi ako makapagpigil, baka ihulog ko sila sa kinatatayuan nila. Para hanggang kamatayan, magkasama silang dalawa.
Pumunta ako sa gym tulad ng sinabi ng babaeng yun. Pagkarating ko don, bumungad sa akin ang rami ng estudyanteng nandon at ang tahimik ng paligid. Napatingin ako sa gitna, at napansin ko doon ang isang lalakeng nakatayo sa gitna ng stage kasama ang prinsipal namin. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalakeng yun. Pero base sa aura niya, sa kilos at pagtayo niya. At kahit nakamaskara siya. Alam kung kilala ko siya, dahilan para kabahan ako ngayon.
" Masaya ako dahil sa pagbisita ko ngayon dito. At sa nakikita ko ngayon, mukhang maayos naman ang pamamalakad ng Prinsipal natin sa school at sa mga estudyante dito... Kaya gusto kung pasalamatan ang Prinsipal natin sa kabutihang pinapakita niya. " sabi nito.
Pero nandon parin sa tono ng pananalita niya ang pagiging malamig at ang katakot-takot nitong boses. At kung hindi ako nagkamali ng rinig kanina, siya ang may nagmamay-ari ng school na toh. At isang malaking problema yun.
" Kaya ako naparito ngayon.. dahil gusto kung pormal na sabihin sa inyo na simula ngayon, magbabago ang RULES ng iskwelahan na ito. At simula ngayon, pwede niyo ng gawin ang gusto niyo, kahit ano... " nakangisi nitong sabi.
Napatingin ito sa deriksyon ko na sinalubong ko naman ang tingin niya... Anong gustong palabasin ng matandang toh? Gusto niya bang pahirapan ang mga estudyanteng toh? O baka gusto niyang gamitin ang mga ito laban sa mga taong humahadlang sa plano niya.
Umalis na ako sa gym at hindi na tinapos pa ang kung ano mang kasinungaling sinasabi niya. Kung siya ang may nagmamay-ari ng school na ito. Isa lang ang ibig sabihin niyan, nasa delikadong lagay ang school na ito lalo na ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Lalo na at pinabago niya ang rules.
Pumunta ako kung saan ang tambayan nina Sandoval. Malakas ko yung binuksan at malakas ko ding isinarado, dahilan para magulat sila sa ginawa ko.
" What are you doing, Lady!? " galit na sabi sa akin ni Sandoval.
Pero yung tingin ko sa kanya ay nanatiling walang emosyon. Alam ko na alam niya na kahit anong gawin niya ay walang epekto sa akin. Umupo ako sa bakanteng upuan na nandon bago nagsalita.
" Pumunta ako dito para sabihin sa inyo na nandito sa school natin ang taong nagmumuno sa mga sindikato. " seryusong sabi ko.
Kunot noo naman itong tumingin sa akin, kasabay non ang pagseryuso ng mukha nito.
" Kilala mo siya? " seryusong tanong nito sa akin.
Ngumisi lang ako sa kanya at sumandal sa upuan saka inilagay yung dalawa kung kamay sa likod ng ulo ko.
" Matagal kuna siyang kilala, Sandoval. Simula nong dinakip ako. "
Nagulat ako ng nasa harapan ko na ito ngayon, kasabay non ang paghawak nito sa kwelyo ko. Dahilan para mapaangat ako ng kunti.
" Hey! Zek, easy... Boss natin yang kinukwelyuhan mo. " rinig kung sabi ni Oscar.
Pero itong isang toh, mukhang wala yata narinig sa sinabi ng kaibigan niya. Nanatili lang itong nakatingin sa akin ng masama.
" Talaga bang pinaglalaruan mo kami? Matagal muna palang kilala ang pinuno ng mga sindikatong yan.. pero ni kahit isa wala ka man lang sinabi sa amin? " galit at malamig nitong sabi sa akin.
Pilit kung inaalis yung kamay niya sa kwelyo ko at natagumpay naman ako don. Tumayo ako at huminga ng malalim dahil parang bigla akong nawalan ng hininga dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin.
" I came here, hindi para saktan mo Sandoval... Pumunta ako dito para utusan kayo bilang Boss niyo na bantayan ang school na ito. Dahil may pakiramdam ako na may masamang mangyayari dito! " galit na sabi ko sa kanya.
Pansin kung biglang lumbot yung mukha niya saka napatingin sa leeg ko ngayon. Pero bigla itong tumalikod at nagmura sa hindi ko malaman na dahilan.
" Ang ibig mong sabihin.. ang mga estudyante sa school na ito ang target niya? " tanong sa akin ni
Oscar." Kung hindi ako nagkakamali... Mukhang ganun na nga. " sabi ko sa kanya.
" How about the Boss? " seryusong tanong sa akin ni Sandoval.
" Ako ng bahala sa kanya ang importante... Bantayan niyo ang mga estudyante dito.. dahil wala silang alam sa nangyayari ngayon. " sabi ko sa kanya.
" Are you stupid! Mapapahamak ka sa ginagawa mo. " sabi nito sa akin.
Tumingin ako sa kanya kasabay non ang pagkasama ng tingin ko sa kanya.
" Dont say that I'm stupid, Sandoval. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon... At kung mapahamak man ako? Wala ka ng pakialam don... Alagaan mo yung pinsan ko.. dahil malilintikan ka sa akin. " seryusong sabi ko sa kanya at umalis na sa kwartong yun.
Kailangan kung bumuo na ng plano, para patumbahin ang pinuno ng mga sindikato na ngayon ay nasa school namin. Alam kung may dahilan siya kung bakit siya nandito... Yun ay yung pabaksin ako. Dahil alam naming pareho na ako ang hadlang sa lahat ng mga plano at kremin na ginagawa niya. Dahil alam niyang kahit saan siya pumunta. Mahahanap-mahahanap ko parin siya. Lalo na at ako ang may dahilan kung bakit tinatago niya ang mukha niya sa likod ng maskarang yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/161992704-288-k389387.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...